Get Lost

2107 Words

Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay naiisip ko pa rin si Justin. Parang hindi nagtutugma ang mga sinabi ni Rocky na dahilan ni Justin kaya siya nag-cancel ng meeting kumpara sa sinabi ng makeup artist. “Kaso, nakakatakot lapitan. Parang mangangain ng buhay!” Napatayo ako sa kama nang maisip na naman ang sinabi ng makeup artist. Kung tinapon niya ang bulaklak at nakakatakot ang itsura niya noong umalis sa LFC ay sigurado akong galit siya. “At ano namang posibleng dahilan kung bakit siya magagalit?” Napasapo ako sa noo at napahilot sa sentido. Hindi matapos tapos ang pag-iisip ko tungkol sa bagay na ‘yon lalo na at hindi pa rin sumasagot si Justin sa mga tawag ko. Kahit sa mga messages ko ay hindi rin siya sumasagot kaya kanina ko pa pinag-iisipan na puntahan siya sa bahay nila. Hindi n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD