Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Kuya Ion kay Daddy. Pagkatapos kasi na magkausap kaming dalawa tungkol sa suggestion niya na humingi ng tulong kay Justin ay hindi na ako ulit tinanong ni Daddy tungkol sa balak niyang ipakasal ako sa kung sinong makakatulong sa kumpanya namin. Ilang araw ko nang pinag-iisipan ang tungkol doon at kapag nakakahanap ako ng tiyempo na humingi ng tulong kay Athena para i-approach si Justin ay pinanghihinaan ako ng loob. “I have a classmate who is an Architect, Yumi. He is great and he is working in one of the biggest Engineering firms in the country…” sambit ni Athena nang pumunta ako sa Fab Strings para magtanong sa kanya kung may alam siyang pwede kong pasukan. Ngayong wala na ako sa Lao Fashion and Cosmetics ay ayaw kong mag-stay sa bahay habang hinihi

