Maraming sinasabi si Rocky pero karamihan sa mga ‘yon ay ang magiging set up mamaya kapag nagsimula na siyang gumawa ng content para sa gagawing activity ngayong araw. Mukhang mabait at sobrang down to earth ng personality ni Rocky kaya kahit na hindi naman sana ako nakikinig sa pinag-uusapan nila ni Justin ay natagpuan ko na lang ang sarili kong natutulala sa kanya habang nagpapaliwanag sa mga dapat na maging part ng content. Kahit masasarap ang mga pagkain ay hindi ko tuloy na-appreciate ang lasa dahil sa sobrang pagkalibang ko sa mga sinasabi niya. “Thank you so much for letting me have you as a part of this vlog, Engr. Mijares…” Base sa paraan ng pakikipag-usap ni Rocky kay Justin ay parang sobra-sobra ang respeto niya kaya kahit na busy ako sa panonood kung paano niya interviewhin

