“My man?” Kumunot ang noo ko nang tuluyang naintindihan ang sinabi ni Justin. Did he mistook my brother as my man? Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa dahil sa sinabi niya. Siguro ay napalakas ang pagtawa ko kaya narinig niya at ng mga nag-aayos ng harness sa akin. Nang nilingon ako ni Justin ay salubong na naman ang mga kilay niya kaya tumaas ang kilay ko at mas ngumisi pa. “I'm sorry. I was suddenly reminded of my appointment later with my man…” nakangising pagsisinungaling ko. Pinagmasdan ko kung paanong mas nagsalubong ang mga kilay niya bago pasupladong iningusan ako. Kagat ang ibabang labi na nagpigil ako ng ngisi dahil parang ang sarap niyang asarin. Hindi lang pala suplado kundi pikunin din! Nang matapos ang pagkakabit sa akin ng safety gears ay nagbilin ang staff ni Rocky

