bc

Istorya

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
mystery
small town
like
intro-logo
Blurb

First love never dies

chap-preview
Free preview
Panimula
Kasalukuyan akong nakadungaw sa aming bintana, mula sa aking kinatatayuan tanaw ang isang malawak na bukirin; nakakalungkot lang dahil hindi na ganoon karami ang naglalaro doon. Palibhasa ang mga karamihan sa kabataan ngayon ay lugmok na sa gadgets. Buntong hininga na lamang ang aking naging reaksyon. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaang maglakbay ang aking isipan. ~~~ "Iya, 'lika dito may ipapakita ako sa'yo" masayang sambit ng batang lalaki "Ano ba kasing ginagawa natin dito sa likod ng bahay n'yo Rom? Alam mo namang gabi na baka pagalitan ako ni mama sabi ko kasi sa kaniya bibili lang ako stick-o eh" nababahalang sabi ng batang babae habang kinakain ang binili niyang stick-o. "Mabilis lang naman 'to Iya. Ayon nakita ko na! Iya, nakikita mo ba 'yong tatlong stars na magkakatabi?" bakas sa mata ng batang lalaki ang ligaya habang nakaturo sa mga bituin. "Oo kitang-kita ko nga Rom hindi naman ako bulag eh" mahahalata ang pagkayamot sa tono nito. "Alam ko namang hindi ka bulag Iya, gustong-gusto ko lang talaga ipakita sa 'yo 'yan. Alam mo bang ilang araw na kong nagdadasal na sana hindi na umulan para maipakita ko sa 'yo, kasi hindi nagpapakita 'yong mga stars kapag may ulan." "Ano ba kasing meron sa mga 'yan Rom?" halatang ubos na ang pasensya ng bata. "Tignan mo nang maigi 'yong mga stars Iya. Pupuntahan natin 'yan tapos d'yan kita papakasalan" malaki ang ngiti ng batang lalaki. "Mag-iipon lang ako Iya mga one million tapos papakasalan na kita sa star, Promise!!" tuloy nito "Hinahanap na ko ni mama sa 'yo na 'tong stick o" matapos iabot ng batang babae ang stick o ay agad na itong tumakbo. "KAPAAAG HINDI MO GINAWA 'YON ROM MUMULTUHIN KA NIYANG STICK O" malakas na sigaw ng batang babae habang patuloy ito sa pagtakbo. ~~~ Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako nang buksan kong muli ang aking mga mata. "Hindi ko inasahan na sa kwento nating dalawa 'yon ang magiging paborito kong kabanata." - Iya

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook