CHAPTER 12

1064 Words
"Selina, kumain ka na, hindi ka pa nananghalian kanina, mag hahapunan na wala pa rin laman ang tiyan mo," nag aalalang sabi ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang silid. Ilan beses na ba itong kumatok sa pinto niya ngayong araw? Hindi niya mabilang, pero alam niyang maraming beses na, tila ba'y hindi mapakali ang mga ito sa kalagayan niya. Alam na ng mga magulang niya ang tungkol sa pagkakatanggal niya sa trabaho, at sa halip na magalit, mas nag alala ang mga ito dahil nang umuwi ay nag iiyak siya. Pinatatatag at pinalalakas naman ng mga ito ang kanyang loob. "Trabaho lang iyan, anak, makakahanap ka pa ng kapalit, yung mas maganda at mas makikita ang halaga mo bilang empleyado," sabi ng kanyang ama. "Tama ang iyong ama, anak, may mas magandang oportunidad na naghihintay sa iyo." Segunda ng kanyang ina. Ang mga sinabi ng kanyang ama at ina ay tila ba pansamantalang ginhawa, pero ang guilt na nararamdaman niya ay patuloy na kumukurot sa kanyang puso. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga ito ang tungkol sa isa pang problema niya. Bumiling siya nang higa at muling nag init ang mga mata. Hinaplos niya ang impis pang tiyan. Sumagi na sa isip niya na ipa abort ang nasa tiyan niya pero hindi naman niya kayang gawin iyon sa sariling anak, inuusig siya ng konsensya pag naiisip niya iyon. "Anong gagawin ko, baby?" Tuluyan na siyang umiyak habang kinakausap ang anak. "Paano ko sasabihin kay mama at papa ang tungkol sayo? Sasabihin ko din ba sa totoong tatay mo ang tungkol sayo?" Nakaramdam siya ng matinding galit at hinanakit nang maalala ang lalaking iyon, ang lalaking sumira ng lahat. Ang walang pakundangang kumuha sa p********e niya, sumira sa relasyon nila ni Morris at ninakaw ang mga pangarap niya sa buhay. Wala na ang simpleng buhay na gusto niya. "Pagbabayaran niya ang lahat ng ito," nag pupuyos sa galit na sabi niya. Bahagya siyang nagulat nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Isang text message ang na receive niya mula sa kaibigang si Tanya. "Selina, I'm getting engaged this weekend, hindi ko alam ang mararamdaman ko, it is my family's decision, I need you. Please sana puntahan mo ako, gusto kong takasan ang engagement na iyon pero hindi ko alam kung paano, please bestie, help me" Kahit may sariling problema ay hindi siya nagdalawang isip na magreply sa text nito. "Okay, I will help you bestie, pupunta ako, pangako." Tumapat ang taxi na sinasakyan ni Selina sa isang kilalang exclusive hotel, isa iyon sa mga hotel na pagmamay ari ng pamilya ng kaibigan niyang si Tanya. Mayaman ang kaibigan niya at hindi naging hadlang ang katayuan nila sa buhay upang hindi sila maging matalik na magkaibigan. Mula freshman year nila ay naging malapit sila nito. Magkaiba man sila ng kursong kinuha subalit may mga subjects sila noon na magkaklase kaya doon nagsimula ang pagkakaibigan nila. Sa kasiyahan at kalungkutan ay karamay niya ang kaibigan. Kaya naman sa araw na iyon ay dadamayan niya ito sa problemang kinakaharap nito, kahit pa nga mas matindi ang problemang dala-dala niya. Sa mga sandaling iyon ay isinantabi na muna niya iyon para sa kaibigan. Pagkababa sa taxi ay pinasadahan niya ng tingin ang suot na satin fabric long dress, off shouldered cut na may slit sa kaliwang bahagi ng hita niya, black color iyon since universal color naman ang mga ganong kulay sa mga occasions, nagsuot lang siya ng one inch strap sandals at bitbit ang itim ding clutch bag. Lumang damit na niya iyon, ginamit niya noong graduation ball nila sa kolehiyo. Wala na rin naman siyang pambili ng mamahaling damit para sa okasyon na iyon. At isa pa, may sentimental value sa kanya ang lumang damit dahil regalo iyon sa kanya noon ng dating nobyong si Morris. Nang maalala ang binata ay may kung anong kumurot sa puso niya. She's still thinking about him. Pilit naman niya itong kinakalimutan pero sadyang malaki ang naging espasyo nito sa puso niya. Ang hirap tuloy mag move on. Tinuwid niya saglit ang nagusot na damit pagkuwan ay nagpasya nang maglakad papasok ng hotel. Sinusubukan niyang tawagan ang kaibigan subalit hindi niya ito macontact. Kaya nagpadala na lamang siya ng text message dito na nagsasabing naroon na siya sa hotel. Kailangan niya itong makausap, nais niyang malaman ang mga nangyari kung bakit bigla na lang itong mae-engage. Alam niya ang sikreto ng kaibigan niya, na may isang lalaki na matagal nang laman ng puso nito. Pero alam din niya na ang pag ibig nito ay one-sided lamang, dahil may ibang mahal ang iniibig nito. Naaawa siya noon sa kaibigan kapag umiiyak ito at nagkukwento, nagdurugo din ang puso niya kapag nasasaktan ito. Kaya nga palagi niyang sinasabi dito na kalimutan na lang ang lalaki at magmahal ng iba. Sa banquet hall gaganapin ang engagement party ni Tanya, napakalawak ng lugar at napakaelegante ng lugar. Nakita niyang marami nang mga bisita ang dumating, at hindi basta-basta ang mga ito. Tila mga piling tao, mga mayayamang negosyante o kilalang personalidad sa lipunan. Nakaramdam siya ng konting pagkailang nang mapansin ang mga ilang mga mata na nakatuon sa kanya. Saglit niyang kinalma ang sarili at pilit na isinuksok sa isipan na naroon siya para sa kaibigan. Kung gusto man nitong tumakas sa engagement nito ay sasamahan niya ito. Mukhang malapit na din mag umpisa ang party kaya bigla tuloy siyang nag alala para sa kaibigan. Muli niya itong pinadalhan ng text message at sinabing naroon na siya sa banquet hall. Nagpalinga linga siya upang tingnan ang paligid, baka kasi makita niya ang kaibigan. Bigla ay tumunog ang cellphone niya, nagreply ang kaibigan niya, naroon daw ito sa gilid ng stage. Mabilis siyang kumilos para puntahan ang kaibigan, narinig na din niyang nagsalita ang host ng party. "Good evening ladies and gentlemen! And welcome!" Umpisa ng host. Nagmamadali na si Selina na makarating sa gilid ng stage. Kailangan niyang makita at makausap ang kaibigan, baka umiiyak na ito dahil hindi nito gusto ang lalaking ka engage. Hindi naman nagtagal ay natanaw na niya ang kaibigan, napansin niyang nagpapalinga linga din ito, halatang balisa at tila may hinahanap. "Tanya!" Tawag niya sa kaibigan, mabilis na bumaling ito sa kanya, ganon na lamang ang pagliwanag ng mukha nito ng makita siya. Lalapitan sana niya ito subalit muling nagsalita ang host na ikinatigil niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD