CHAPTER 13

1011 Words
"We are thrilled to have you all here with us tonight to celebrate Mr. Morris Fuentes and Tanya Oreza's engagement." Masayang sabi ng host. Nagpalakpakan naman ang mga bisitang naroon. While everyone was happy congratulating the couple, Selina was horrified, she was shocked at what she heard. Gusto niyang ipaulit sa host kung sino ang lalaking ka engage ng kaibigan niya. Selina felt numb as Morris, her ex-boyfriend, grabbed Tanya's hand and walked to the center stage, smiling at her best friend and the visitors. In that moment, Selina's heart felt like it was torn into million pieces, parang gusto niyang magwala, gusto niyang umiyak ng malakas subalit pinilit niyang magpakatatag. Wala siyang karapatan na gawin iyon, break na sila ng binata at isa pa, mas bagay naman ang dalawa kung tutuusin, sa estado ng pamumuhay ng dalawa ay perfect couple ito. "May their life together be filled with love, laughter and happiness," sabi pa ng host, kinuha nito ang wine glass, "Please join me in raising a glass to Morris and Tanya as they begins their journey towards marriage. Cheers!" Itinaas ng host ang wine glass. Ganon din ang ginawa ng mga bisita. "Cheers!" Halos sabay-sabay na wika ng mga naroon. Pagkatapos ng pagtaas ng mga kopita ay muling nagsalita ang host. "May we request a kiss for the couple!" Tudyo ng host na sinang ayunan ng mga bisitang naroon. Hindi naman nag aksaya ng oras si Morris, lumapit ito kay Tanya, saglit nitong tinitigan ang mukha ng kaibigan pagkuwa'y hinalikan nito sa labi ang dalaga. Muling nagpalakpakan ang mga naroon, masaya para sa dalawa samantalang tila kamatayan naman ng puso niya ng mga sandaling iyon. The sight of her best friend and ex-boyfriend sharing a kiss in front of a crowd was utterly heartbreaking. Hindi na namalayan ni Selina ang mga luhang namalisbis sa kanyang pisngi. She was crying in pain. Her heart was bleeding painfully. Nakita niyang sumulyap sa kanya ang kaibigan, Her eyes were clouded with worry. Umiling siya at pilit na ngumiti dito na sinasabing okay lang siya. Kailangan na niyang umalis sa lugar na iyon dahil konting konti na lang ay bibigay na siya. Patalikod na sana siya nang marinig niya ang tinig ni Ingrid mula sa likuran niya. "What the hell are you doing here?" Asik ng babae. Pagbaling niya ng tingin, nakita niya si Ingrid na may galit na galit na mukha, kasama nito ang mga magulang. "Sinong nag imbita sa'yo dito?" Mataray nitong tanong. Naaptras siya nang bahagya at napatingin kay Tanya para humingi ng tulong, pero ang kanyang puso ay tila ba sinuntok ng makita niya ang dating nobyo na nakatingin din sa kanya. Ang mukh nito ay walang emosyon, hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. "Are you here to ruin my brother's engagement party?" Hindi pa din tumitigil sa pagtatanong ang nakakabatang kapatid ni Morris na si Ingrid. Umiling siya pero bago pa siya makapagsalita ay isang malakas na sampal ang naramdaman niya sa kaliwang pisngi niya. Hindi kaagad siya nakahuma, gaya niya ay nabigla din ang mga naroon na nakatingin na sa kanila. "How dare you! Ilan beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka nababagay sa anak ko, kahit anong gawin mo, hindi ako makakapayag na isang katulad mo lang ang makatuluyan niya," galit na sabi ni Mrs. Fuentes. Naramdaman niya ang paglapit ni Tanya. "No, tita, Selina is my friend," sabi ni Tanya sa ginang. Lumambot naman ang mukha nito ng tumingin sa kaibigan. "Oh, you're a kind-hearted person, my son is lucky to have you as his future wife," anang ginang sa kaibigan. Muli itong bumaling sa kanya, mabagsik na ulit ang mukha. "Unlike you! Ni wala ka sa kalingkingan ni Tanya. Stop leeching off my daugther-in-law, You're not worthy of being friends with her," singhal nito sa kanya. Muli siya nitong sinampal, mabilis na nasapo niya ang mga pisngi. Nagmanhid yata ang mga iyon sa lakas ng pagkakasampal ng ginang. "And stop pestering my son! You're just a w***e," nanggagalaiting sabi nito na may kasama pang pagduro. Sa mga sinabi nitong masasakit na salita ay doon lang siya umalma. Pinalaki siyang matinong babae ng mga magulang niya. "I'm not a w***e!" Kuyom ang mga palad na sagot niya. Narinig niya ang nakakalokong tawa ni Ingrid. "Oh?! Kaya ba buntis ka ngayon, sino ang ama?Ah yung lalaki doon sa hotel, hindi ba? My brother saw you and that man." Nakangising sabi nito na tila ba tuwang tuwa na napapahiya siya sa maraming tao. Napasinghap siya sa ginawa nitong pag anunsyo sa sikreto niya. Muli siyang napasulyap sa dating nobyo, madilim na ang anyo nito, mukhang galit, ah hindi, pagkamuhi ang nakikita niya sa anyo nito ng mga sandaling iyon. She bit her lower lip. Parang gusto niyang maglaho ng mga oras iyon, kung puwede nga lang na tumigil ang t***k ng puso niya at tuluyan na siyang mamatay ay gugustuhin niya. "You're not belong here, leave us alone!" Sabi ni Ingrid na dinampot ang kopita na nakapatong sa ibabaw ng mesa, may laman iyon red wine. Walang pakundangan nitong ibinuhos sa kanya ang laman niyon pagkatapos ay tinulak pa siya. Hindi naman niya napaghandaan ang malakas na pagtulak nito kaya naman nawalan siya ng balanse at napaupo sa marmol na sahig. Napaiyak na lang siya sa nadaramang sakit at kahihiyan. Awang awa siya sa sarili niya ng mga sandaling iyon. Kung may isang tao lang sana na magliligtas sa kanya sa kahihiyang iyon, gustong gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. "Guard! Pakilabas ang babaeng iyan!" Galit na utos ni Mrs. Fuentes. Pinigilan naman ito ng katabing asawa. "Gretchen, cut it out, everyone's looking at us," sabi ni Mr. Fuentes. "It's okay hon, she's nothing." Anito sa asawa. Dalawang guard ang lumapit at itinayo siya. "Kick that woman out! She's ruining the party!" Utos ni Ingrid. Akma siyang kakaladkarin ng mga ito palabas nang may magsalita sa di-kalayuan. "Put your hands off her!" An angry voice of a man echoed through the four walls. The man's anger sent shockwaves through the crowd.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD