Chapter Eight

2021 Words
Nasa isang local hospital sila Kean at Andy sa isla. Kasalukuyang nasa waiting area. Hinihintay nila ang doktor. Ilang sandali ay lumabas na ito at kinausap sila nito. "Kayo ba ang mga kakilala ng mga pasyente?" tanong nito. "Kami nga ho, doc kamusta sila?" "They are fine now. Konting pahinga lang ang kailangan nila." "Ganun po ba, doc? Sige ho salamat." At tumalikod na ang doctor. Pareho silang nakahinga ng maluwag. Finally the case was closed. Tapos na ang kaso. Sa lahat ng kasong nahawakan nila ay ito ang pinakamadali nilang nalutas. Sa loob lang ng apat na araw. What an achievement for them. Pero ito naman ang pinaka-napagod sila ng husto sa kakasunod, kakahabol at kakatakbo para lang mahuli ito. Lahat ng iyon ay parang bulang nawala dahil sa pagkakasolve ng kaso. Dahil na rin sa pagmamakaawa ni Greg at sa takot na rin na mamatay ng wala sa oras ay nagmakaawa itong dalhin siya ng hospital. Kapalit niyon ay ang pangakong pagsabi nito ng katotohanan. Kung saan nito dinala at tinago si Sabel Montero. Natagpuan nila ito sa boarding house na tinutuluyan nito. Hinang-hina at puro pasa. Kinukulong pala siya ng lalaki at sinasaktan pagnalalasing ito. Nagsimula daw siyang saktan nito ng minsang magkaroon sila ng pagtatalo tungkol sa paglustay sa pera nito. Imbes kasi na magtipid ito ay panay pa ang inom nito. Naka-hold na ang mga credit cards nito at di makapag-withdraw. Ganun din si Sabel naiwan niya lahat ng cash at card niya ng biglaang sumama ito kay Greg kaya wala siyang nabitbit na kahit ni piso. Kung tutuusin ay pwede naman siyang tumakas pag may pagkakataon kaso lagi siyang bigo. Pag nakatakas naman siya ay di niya rin alam kung saan siya pupunta. Hindi niya rin kabisado at wala siyang kakilala sa isla. Hindi katulad ni Greg na maraming kakilala at koneksyon. Malamang ay di rin siya makakalayo at mahahanap din siya ni Greg. Nung una okay naman sila she really love Greg kaya walang pagdadalawang isip ito na sumama sa lalaki ng umalis. Greg was a loving boyfriend. He was a protective and caring man. Not until nung nag-away nga sila. At dun na nagsimula na magbago ito. And then violence follows. Nakakatakot na ito. Parang hindi na niya kilala pag nalasing. Parang nagiging ibang tao na ito. That day she realize na mali pala ang pagkakakilala niya dito at maling-mali ang pagsama dito. At dahil sa pesteng pagmamahal niya dito. Dinala rin nila ito sa hospital para magamot ang mga sugat at pasa nito. She needs to check to insure all is well about her. Sinilip muna nina Kean at Andy ang dalawa. "Bro, ang ganda pala ni Sabel sa personal. Mas maganda dun sa picture na pinadala sa atin. Siguro naman pwede na ko dumiskarte sa kaniya total mukhang magiging single na ulit siya." Si Andy na hindi mapigilan ang sarili. Na-love at first sight yata ito nung makita ang dalaga sa personal. At ngayon ay hayagan na niyang sinasabi ito. Gusto niya ang dalaga at balak niyang i-pursue ito pagkalabas ng hospital. "Naku! Pwedeng-pwede. Basta paalam ka muna sa mga magulang niyan. Bantay-salakay ka rin eh." At tumawa ng malakas. Napakamot na lang sa ulo si Andy. "Tara na nga!" yaya ni Kean at inakbayan na niya ito. Hihintayin nalang makalabas ng ospital ang dalaga bago nila ito iuwi sa mga magulang nito. Samantalang si Greg ay pagkagising nito ay ang mga pulis na ang bahala dito. Malaki ang tiyansa nitong makulong dahil sa p*******t sa dalaga. Lumabas na sila ng hospital. Kailangan na nilang magreport na tapos na ang kaso. And it ends with success. Panahon naman para sa kanila na mag-enjoy at magpahinga. They almost risk their lives just for this case. Muntikan pa si Kean na mapunta sa alanganin at laking pasalamat niya dahil kay Andy kung hindi ay baka wala na siya. Thanks for his second life. Sanay naman na silang ganun ang linya ng trabaho nila at masaya sila sa tuwing nakakaligtas at nakakatulong sila sa mga nangangailangan. **** Balak mag-swimming ni Sherri. Maganda ang panahon. At nasa mood siya. Suot ang kanyang itim na bathing suit na tinakpan niya ng isang malong na tinali niya sa bewang. Bitbit na niya ang kanyang dadalhin sa dagat. Isang bote ng lotion, ang kanyang wallet, cellphone at susi. Akma na siyang lalabas ng kwarto ng mapatigil siya. Nag-ring ang kanyang phone. Ang kanyang mommy ulit. Napilitan niyang sinagot ito kahit alam niyang magtatalo lang sila. "Oh mom," walang gana niyang bungad dito. "Hija kamusta ka na?" masigla ang boses nito. "I'm very fine mom. So, dont worry about me." "Hija, umuwi ka na please?" pakiusap ng ina. "Mom, as if naman pag-umuwi ako ay magbabago na ang desisyon niyo," pagmamatigas niya. "Hija---" "Sige na, mom. Bye!" Agad niyang tinapos ang tawag kahit na may sasabihin pa ang ina. Galit pa rin siya sa mga ito. Hindi niya hahayaang manipulahin nila ang buhay niya. May karapatan siya na magdesisyon para sa kanyang sarili at iyon ang ipaglalaban niya. Lumabas na siya ng kwarto. Hindi masyadong mainit ang sikat ng araw kaya enjoy sa pagsu-swimming si Sherri. Pabalik-pabalik siya sa paglangoy. Nang makaramdam ng pagod at uhaw ay umahon siya pabalik sa front beach. Kinuha niya ang kanyang malong at pinunasan ang basang katawan pagkatapos ay muli itong inilapag sa beach bed at saka humiga doon. She didn't even bother to expose her body only wearing a bathing suit. Kahit paroon at parito ang mga dumadaan na mga tao. She's confident anyway. Inabot niya ang kanyang mango shake na nakapatong sa lamesita sa kanyang tabi. Sinipsip niya iyon gamit ng straw. Refreshing! Tinatanaw niya ang mga bangka sa dagat. Napakadami niyon at ang kukulay. Pati na rin ang mga kabundukan ng kabilang isla. Napakagandang tanawin. Nilanghap niya ang sariwang hangin. Napakagaan sa kanyang pakiramdam. Dumilim bigla ang kanyang harapan at ang magandang tanawin na tinatanaw ay biglang naglaho. Isang bulto ang nakatayo sa kanyang harapan. Tumingala siya. "Kean!" aniya ng makilala ito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Bumangon siya. "How do you find me?" nakangiti niyan ring tanong. "Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?" "Yeah I know. Your are secret agent nga pala." Ito na mismo ang sumagot sa tanong niya. "Bakit ka nandito?" "Bakit ayaw mo ba akong makita?" "No!" agad niyang sagot. Tanga ka talaga, Sherri. "Upo ka muna," alok niya. Umupo ito sa isa pang beach bed doon. Pakiramdam ni Sherri ay lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. Parang kabang-kaba iyon na ano mang oras ay lalabas sa sobrang tuwa. Nakakatunaw ang mga titig nito kaya hindi siya makatingin ng diritso dito. Dagdagan pa ang lakas ng dating nito. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya. Bagay na bagay dito ang kahit simpleng puting t-shirt at khaki short. He looks so gorgeous. Kahit yung mga napapadaan na mga kababaihan ay napapalingon dito. Pero mukhang di niyon pinapansin. He had this silent but killer charm that catches everybody's attention. Nakangiti lang ito habang pinagmamasdan ang mga dumaraan na ang iba ay nagpapapansin pa. Para itong artista. Pero balewala lang ito sa kanya. Bumaling ito sa kanya dahilan para mahuli siya nitong nakatitig. Napangiti siya at ganun din ito. "Honestly sinadya talaga kita. Gusto sana kitang i-invite," anang binata. "Invite saan?" "I want you to celebrate with me. Kakatapos lang namin ang kaso ni Sabel Montero." "Talaga? Well, congrats!" masayang bati ni Sherri. "Thanks. It's all because of you." "Ha?" kumunot ang noo niya hindi siya makapaniwala. "Ako? Bakit ako?" At ngumiti ng alanganin. "Kasi you inspired me. Ikaw ang iniisip ko habang ginagawa ko ang paglutas sa kaso. After what happen to you. Gusto kong makabawi at makapaghigante kay Greg dahil sa ginawa niya sa iyo. At dahil sa akin kaya ka rin nadamay at nalagay sa alanganin. Gusto ko lang bumawi sa iyo. Gusto kita makasama if thats okay with you?" Lihim na kinilig si Sherri. "Ano ka ba ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo kasi niligtas mo ako. Ilang beses mo na akong sinagip. Ang laki na nang utang na loob ko sa iyo. Di dahil sa'yo baka di ko na alam ang nangyare sa akin." Natuwa ang binata. At pinaka-titigan si Sherri. Inabot ni Kean ang kamay ng dalaga na ikinagulat nito. He looks so serious. At andun ang sincerity. Kinabahan ang dalaga bigla. "Sherri, listen. I know mahirap paniwalaan 'to pero I wanted to tell you something. Ilang araw pa lang tayo magkakilala at ilang araw pa lang tayo nagkasama. And the first time I saw you I know theres something about you. I always think of you. Di ka na naalis sa isip ko. I don't know what you did to me. All I know is that you stole my heart. I swear! Please don't get mad I just want to tell you. I like you, Sherri!" confession ni Kean. She's so speechless. Her heart is full of so much happiness. She didn't expected this. Aaminin niya she felt the same way with Kean pero hindi pa siya sigurado not until Kean save her from Greg. Napakabilis ng mga pangyayare. She don't know what to say. "Sherri, just don't get pressured. I just want you to know how I feel abou you." "Oh, Kean," nasambit na lang ng dalaga. "I like you Sherri hayaan mo sanang iparamdam ko sayo 'yun. Let me court you hanggang sa ma-realize mong you feel the same. I'm willing to protect and save you if that's what you want. Just let me." Puno ng assurance ang mukha at mga pangako nito. Tumango si Sherri. Bilang pagsang-ayon sa gusto nito. "Yes!" sigaw ni Kean sa sobrang katuwaan. Bigla niyang niyakap ang dalaga na ikinabigla nito. Masayang-masaya silang pareho now that she's finally ready to know him and he's ready to be the man who is deserve for her. **** Namasyal sila buong maghapon. Kung saan-saan sila nagpunta. Habang naglalakad ay magkahawak kamay sila. Isang tindahan ng ice cream nag kanilang nadaanan. Hinila niya ang binata palapit doon. Animo isang bata ito na sabik-sabik at excited ng makakita ng ice cream. Namili na ito bibilhing flavor. Favorite pala nito ang ice cream kaya ganun na lang ang tuwa pagkakita sa tindahan. Chocolate flavor ang gusto nito. Napakakalat nitong kumain kaya panay ang punas ng binata ng tissue sa mga labi nito. Napaka-sweet nito. She feels kilig with those sweet simple gesture. She feel so special. "Kain pa!" alok pa ng dalaga. "Ayoko na," tanggi na ng binata. "Busog na ako pagnakikita kang masaya." "Hmmp! Bola!" At sabay kagat sa apa ng ice cream. "Hindi bola 'yun. That's true." "Sinabi mo eh!" Nakangiting pinisil nito ang pisngi ng binata. **** Kinagabihan ay kumain sila sa isang fine dining resto pagkatapos ay nanood din sila ng nagpa-fire dancing. Medyo malamig ang ihip ng hangin kaya niyakap siya ng binata. Dama niya ang init na hatid nito sa kanya. She feel warm and cozy by his side. Pagkatapos ng palabas ay naglakad sila sa dalampasigan. "Masaya ka ba?" tanong ng binata. Huminto sila at pinaktitigan ang binata. "Oo, naman. Sobrang saya." "Ayoko sanang matapos ang mga sandaling ito na magkasama tayo." "Ako rin." "I really like you, Sherri." At dahan-dahan na yumuko at hinawakan ang mga pisngi ng dalaga paharap sa kanya. Napapikit na lang ang dalaga. Naramdaman na lang niya na lumapat na ang labi ng binata sa labi niya. Nagpatangay na lang siya. Dinama niya ang halik na 'yun. It was a very soft and gentle kiss. Puno ng pag-iingat. Wala nang mga salitang lumabas pa kanila. Niyakap na lang niya ang binata matapos ang halik na iyon. Kinulong siya sa mga bisig nito. **** Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na ngang sinagot ni Sherri si Kean na labis nitong ikinatuwa. Nasundan pa ang kanilang mga date. Masaya sila tuwing magkasama. And everyday was a very special day for them. They spent together full of love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD