"Oh Kean, where are you? Bakit di mo sinasagot?"
Pabalik-balik kanina pa si Sherri sa kanyang kwarto. Kanina pa niya tinatawagan ang kasintahan pero hindi nito sinasagot. Halos kanina pa niya paulit-ulit ng kaka-dial. Nag-aalala siya para dito. Ayaw niyang mag-isip ng masama. Pero bakit hindi niya ito makontak?
Hindi siya mapakali at mapalagay. Ngayon lang ito nangyari. Nangako sila sa isat-isa na they always have a communication. Anong nangyayari sa binata?
Pinuntahan niya ito sa hotel na tinutuluyan. Ilang beses na rin siyang nakapunda doon kaya alam na niya. Nasa harap na siya ng pinto at agad na kumatok. Si Andy ang nagbukas ng pinto. Mukhang kakagising lang nito dahil medyo namumula pa ang mga mata at magulo ang buhok.
"Ikaw pala, Sherri tuloy ka." Binuksan nito ng tuluyan ang pinto. "May kailangan ka ba?"
"Ay, sorry mukhang naistorbo ko yata ang tulog mo," hinging paumanhin niya.
"Nandyan ba si Kean? Hindi kasi siya sumasagot eh."
"Wala siya dito, eh. Mukhang umalis ata." Napansin din nito ang cellphone ni Kean na nasa kabilang kama. Naiwan ata nito kaya di nito makontak.
"Ay ganun ba? Saan kaya siya nagpunta?"
"Pasensya ka na pero hindi ko din alam eh. Naiwan niya din phone niya dito. May gusto ka bang ipasabi? Sabihin mo na lang sa akin ako na magsasabi pag dumating siya."
"Sige pakisabi na lang na dumaan ako."
"Makakarating."
"Salamat." At umalis na siya.
Malungkot at parang hinang-hina ang pakiramdam ni Sherri habang papaalis ng hotel. Hindi siya sanay na hindi ito nakakausap o makita man lang. Nasanay na siyang ito ang palaging kasama. He always complete her day. He inspired her. He put smile in her face. And always there for her.
Nasa highway na siya at nag-aabang ng tricycle. Sakto isang tricycle na walang sakay ang dumaan. Dali niya itong pinara. Balak na niyang bumalik sa tinutuluyan niya. Tahimik lang siya at iniisip pa rin ang binata.
Nasaan ka ba, Kean?
Di niya mapigilan ang maluha sa pag-aalala. Malalim ang kanyang iniisip. Nagulat siya ng biglang may kalabog. Huminto sila.
"Manong, anong nangyare?" nagtatakang tanong niya.
Hindi sumagot ang driver sa halip ay bumaba ito. Wala siyang ideya sa nangyayare. Natataranta ang driver. Bumaba siya. Bigla siyang binalot ng takot sa kanyang nakita. Isang bata pala ang kanilang nasagasaan. Duguan ito. Nahabag siya sa kalagayan ng bata. Dumami na ang mga taong naki-usyoso. Nagkaroon pa ng trapik.
"Tulungan niyo 'yung bata. Kailangan niyang madala sa hospital."
May mga taong tumulong na maisakay ito sa tricycle. Sumakay din si Sherri at sumama sa pagdala sa bata sa ospital. Mabilis ang kanilang takbo. Kailangan ng paunang lunas ng bata. Ilang saglit pa ay naroon na sila. Agad na pinasok ito sa emergency room. Hindi na sila pinayagang pumasok dun kaya sa labas na lang sila naghintay.
Nasa waiting area sila. Nakaupo siya kasama ang driver at ang isa pang tumulong. Dumating ang dalawang pulis at tinanong sila tungkol sa nangyare. Kapwa sila nagbigay ng statement.
****
"Ano ready ka na?" nakangiting tanong ni Kean kay Sabel.
Kaktapos lang pirmahan ang discharge letter nito. Ngayong araw kasi ang labas nito sa hospital. Naka-recover na ito at tuluyan nang magaling. Wala na halos ang mga pasa at pagaling na ang ilang sugat nito. Ilang araw din ang inilagi nito roon mula ng matagpuan nila ito. Mukhang nakabawi na ito ng lakas at ibang-iba na sa unang Sabel na nakita nila. Masigla na ito.
"Yes, handang-handa na," masiglang sagot nito.
"Tara na!" yaya ng binata.
"Let's go!"
Lumabas sila ng kwarto. Inalalayan ng binata ang dalaga.
"Salamat pero kaya ko na po Sir Kean. Malakas na ako."
"I insist. Kakagaling mo lang at medyo mahina ka pa. Kaya wag na matigas ang ulo."
Nagpaubaya na lang ang dalaga. Sumang-ayon na lang siya.
"Salamat ha. Sa lahat-lahat," pasalamat ng dalaga.
"It's our job at ginagawa lang namin ang trabaho namin."
Patuloy na sila sa paglalakad.
"Oo, nga pala si Sir Andy?" tanong ng dalaga ng mapansing wala ito.
"Tulog pa siguro 'yun. Nalasing kasi 'yun kagabi. Ayaw paawat kaya hayun lugmok. Kanina ko pa nga ginigising 'yun pero tulog na tulog. Nakalimutan ata niya na ngayon ang labas mo dito sa hospital."
"Ah ganun ba? Okay lang. Salamat uli."
Tumango si Kean at ngumiti. Lumabas sila sa kabilang bahagi ng ospital.
****
Katatapos lang kunan ng statement ni Sherri at ang driver naman ang tinatanong ng mga pulis. Napadako ang kanyang mata sa may entrance ng hospital. Napatayo siya sa kinauupuan. Isang lalaki at isang babae ang kanyang nakita na papalabas ng ospital. Parang pamilyar ang lalaki sa kanya. Kahit nakatalikod ito ay parang si Kean ito. Tinawag niya ito.
"Kean!" sigaw niya.
Tumakbo siya palabas. Pero hindi na niya naabutan ang mga ito. Nakasakay agad ito ng tricycle. Baka nagkakamali lang siya. Baka namamalik-mata lang. Imposible! Anong gagawin nito dito sa hospital? Sa sobrang pag-aalala at pag-iisip sa binata kaya kung sinu-sino na lang ang napagkakawalan niya. Laglag ang mga balikat na bumalik siya sa waiting area.
****
Napabalikwas ng bangon si Andy ng makapasok sina Kean at Sabel ng kwarto nila. Nagulat pa ito ng mabungaran ang dalaga. Nagmadali siyang nagligpit at nag-ayos ng sarili.
"Sorry nakalimutan ko ngayon pala ang labas mo ng ospital," paumanhin niya sa dalaga ng medyo nakabawi na. "Bro, ba't di mo ko ginising," baling nito kay Kean na parang sinisisi pa ito kung bakit di ito nakasama.
"Kanina pa kita ginigising bago ako umalis pero grabe ang kalasingan mo tulog na tulog ka. Tulo-laway ka pa nga eh." Sabay tawa ni Kean. Pati na rin si Sabel ay natawa rin.
Bigla itong nagpahid ng bibig. Iniisip na andun pa ang bakas ng laway. Nahiya bigla siya sa dalaga.
"Pinapahiya mo naman ako, Bro kay Sabel," anito.
"Okay lang 'yun, Sir Andy. Actually sumama talaga ako dito para makapagpasalamat ng personal sa iyo. Kung hindi dahil sa inyo ni Sir Kean baka ano nangyare sa akin. Kaya salamat po talaga."
"Wala 'yun saka pwede ba Andy na lang. Nakakatanda naman 'yung sir."
Ngumiti ang dalaga.
"Sige po kung 'yan ang ang gusto niyo po."
"Pati rin 'yang po. Di naman nagkakalayo 'yung edad natin eh. Mahalin kita diyan eh," mahina na pasaring niya pa.
"Ano ho?" gulat si Sabel. Hindi sigurado kung tama ang narinig niya.
"Wala sabi ko ang ganda mo," pag-iiba nito.
"Ah ganun ba? Salamat. Pogi niyo din."
Napangiti ng todo si Andy sa narinig. Napapa-iling at napapangiti na lang si Kean. Iba talaga dumiskarte tong kaibigan niya. Ala pang hilamos, mumog at ligo 'yan ha. Pogi!
****
Nang hapong iyon ay inihatid nila si Sabel sa Caticlan Airport. Dumating kasi ang mga magulang nito para sunduin ito. Labis na ikinatuwa ng dalawang matanda ang muli nilang pagkikita ng kanilang anak. Ganun din ang dalaga na miss na miss ang magulang. Maging sina Kean at Andy ay masaya para sa mga ito. Napakagandang tagpo ang kanilang nasaksihan. Isang pamilya ulit ang nabuo.
"Bye Sir Kean, bye Andy. Thank you so much. Kita-kits na lang po sa Manila. Update niyo po ako pagnakabalik na kayo. Babawi po ako sa inyo." Si Sabel na sobra-sobra ang pasasalamat.
"Oo ba." Si Andy na sobrang natuwa.
"Ingat kayo." Si Kean.
Kumaway pa sila habang papalayo ang mga ito.
Samantala si Greg naman ay nakatakda na ring lumabas pero imbes na sa bahay ang uwi nito ay sa kulungan ang diritso nito. Desididong magsampa ng kaso ni Sabel laban dito. At isa lang ang gusto niyang mangyare dito ang makulong ito para pagbayaran ang mga kasalanan nito.
Nakahinga na ng maluwag si Kean. Tapos na sa wakas ang kaso. Pero may isa pa siyang misyon na kailangang harapin.
Si Sherri!