Chapter Three

1569 Words
Walang hotel booking si Sherri kaya naghanap siya ng kanyang pwedeng matutuluyan. Isang mumurahing hotel ang kanyang nakita at nag-inquire siya. Tamang-tama na may bakante pa kaya hindi na siya nagdalawang isip na kunin ang kwarto. Binayaran na niya ang ilang araw niyang pag stay doon. Nasa kwarto na siya at kakaalis lang ng naghatid at tumulong sa bitbit niya. Nasa second floor ang kanyang kwarto at may maliit na terrace. Mula roon ay tanaw na tanaw niya ang dagat, ang puting buhangin at ang mga taong naliligo sa front beach. Napakagandang view. Kumpleto naman ang mga amenities ng kwarto. Hindi nga lang ganun ka-bongga ng mga dating hotel na tinuluyan niya sa isla. May cable television, may aircondition, hot and cold shower at may internet access pa. Inilapag niya ang kanyang bag sa isang single bed na nandoon. Tinungo ang ang maliit na pinto sa may terrace at binukasan iyon. Sinalubong siya ng isang malakas na ihip ng sariwang hangin. Napakasarap ng kanyang pakiramdam. Napangiti siya. Isang tunog ang kanyang narinig. Napalingon siya. Ang kanyang cellphone ang nagri-ring. Kinuha niya iyon sa kanyang bag. Tinignan niya ang tumatawag. Ang kanyang mommy ang tumatawag sa kanya pero hindi niya iyon sinagot sa halip ay pinatay niya iyon. Nasisigurado niyang alam na ng mga magulang niya na naglayas siya. Pero wala na siyang pakialam. Galit pa din siya sa mga ito. At wala siyang pinagsisihan sa kanyang pag-alis. **** "Hey, bro!" Agad na sinalubong si Kean ng kasamahan niyang si Adriano o Andy.Mas nauna na itong pumunta sa kanya. Kahapon pa ito dumating at nakapag-enjoy na ng isang araw. Medyo nagkaproblema lang kaya ngayon lang siya nakasunod. Ito ang kanyang ka-partner. Dalawa silang pinadala ng kanilang opisina para sa kaso ni Sabel Montero. "Bro..." anito nang makalapit at tinapik sa likod ang kasama. "Kamusta ang biyahe?" tanong ni Andy. "Fine. Very fine," sagot niya di naalis ang napakatamis na ngiti sa mga labi. "Mukhang masaya ka yata, ah. Mukhang ngayon lang kita nakita na ganyan ang ngiti. Ang tamis, eh." Napangiti din ito. "May nangyare ba? " muli nitong tanong. Kasalukuyan silang naglalakad sa corridor ng hotel papunta sa elevator. Nasa ikatlong palapag ang tinutuluyan nila. Pinindot ni Andy ang button at bumukas iyon. Pumasok sila. "Wala naman," sagot ni Kean. Bigla niyang naalala si Sherri. Ilang sandali pa ay nasa third floor na sila. Ang kwartong pangatlo sa kanang bahagi ang tinutuluyan nila. Pagkapasok nila ay inilapag ni Kean ang bag sa kama at sumalampak ng upo. Pinag-aralan niya ang buong silid. Kompleto rin ang mga amenities ng kwarto. Naagaw ang kanyang atensyon ng balingan siya ni Andy. "Bro, nai-send na pala sa akin ang mga information na kakailanganin natin." "May na-receive din ako galing sa opisina. Sana hindi tayo pahirapan ng mga ito," aniya at tuluyan nang humiga at pumikit pero agad ding dumilat. Iba ang kanyang iniisip at walang iba iyon kundi ang dalaga. Mukhang naapektuhan talaga siya sa una nilang pagkikita. Hindi niya maiwaglit sa kanyang isip ang mukha ng dalaga. Maganda talaga ito. Matangos ang ilong. Mapupulang labi. At ang mas umagaw sa kanyang atensyon ay ang mga mata nito. Ito kasi ang kanyang unang napansin ng nasa ferry boat sila. Pinagmasdan niya ito at hindi makuhang maalis ang paningin sa dalaga. Kaya hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito ng makitang nahihirapan ito sa pagbitbit ng bag. Napapangiti na naman siya. **** Kinahapunan. Lumabas si Sherri ng kanyang kwarto. Balak niyang mag-withdraw at mamili ng mga personal na pangangailangan na gagamitin niya sa mga susunod pang araw. Sa halip na sumakay ng tricycle ay sa front beach siya dumaan. Naglakad lamang siya papunta sa D'Mall. Marami siyang nakakasabay at nakakasalubong na mga tao. Halo-halo. May mga foreigner karamihan ay mga Korean at Chinese at may mga locals din. Wala pa rin talagang pinagbago ang isla mula sa huli niyang pagpunta. Boracay is still Boracay. Ngayon na palapit na palapit ang summer tiyak niyang mas dadami pa ang mga turista. Habang naglalakad ay masaya niyang tinatanaw ang mga bangkang de motor na may makukulay at naglalakihang mga layag na nasa dagat. Kasabay din ang pamoso at napakandang papalubog na araw. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Masaya niyang dinadaanan ang mga nakahilera, nag-gagandahan at naglalakihang mga hotels, resort, restaurant, pizza house, souvenir shop, mga tiangge na nagtitinda ng mga sari-saring paninda. Enjoy na enjoy siyang binabaybay iyon. Hindi niya napansin ang mga nagtatakbuhang mga chinese kaya nabangga siya. Dahil sa gulat ay di na siya nakaiwas. "Aray!" Sigaw niya na dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba. Pero sa halip na sa buhanginan ang bagsak niya sa isang matigas at matatag na kung ano siya bumagsak. Napapikit siya. Hindi siya nakaramdam ng kahit anong sakit. Nagpasalamat siya sa kung anong bagay na kanyang binagsakan. Bigla siyang nakaamoy ng pabango. Isang panlalaking pabango at nakaadik ang amoy niyon. Dali-dali siyang nagmulat ng mga mata. Laking gulat niya ng mukha ng lalaki ang makita. Isang lalaki pala ang kanyang binagsakan at nasa posisyon siyang nasa ibabaw siya nito at nakapatong. Bigla siyang nahiya sa kanilang kinalalagyan. Agad siyang tumayo. Hindi niya alam kung saan babaling. Napapalibutan sila ng mga tao. Pinagtitinginan. Animo'y nasa isang shooting sila ng isang pelikula. Binalingan niya ng nakayuko ang lalaki na nakatayo na rin at nagpapagpag ng buhangin na dumikit sa damit nito. Hiyang-hiya siya. Parang wala siyang mukhang ihaharap dito. "I'm so sorry. Hindi ko sinasadya. May bumangga kasi sa akin kaya natum---" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. Nagsalita ang lalaki. "That's okey. You don't have to explain," anang pamilyar na tinig. "It's my pleasure to save a woman like you Sherri," patuloy pa niya. Tumingin siya sa mukha nito. "Kean?" Hindi makapaniwalang wika niya ng makilala ang binata. "Yes I am," nakangiting sagot niya. Nakabihis na ito. Ibang-iba sa una nilang pagkikita kanina. Naka-white t-shirt na ito at naka-short ng bulaklakin. Ang lakas ng dating nito. And he looks more handsome. He looks so clean and fresh. Hindi niya alam ang sasabihin. Nahihiya talaga siya. Sa dinami-dami ng pwedeng bagsakan niya dito pa talaga. Ang akward lang. "I'm really sorry. Nadumihan pa tuloy yang damit mo," muli niyang hinging paumanhin. "Don't worry about my shirt. Maybe I could change later. Saan bang punta mo?" "Mamimili sana ako," sagot ni Sherri. "Tara!" Sabay hila sa kanya palayo sa unti-unti na ding nahawi na umpukan ng mga tao kanina. Nabigla man siya ay wala na siyang nagawa. Hawak nito ang kamay niya. Nagpatangay nalang siya at sumunod na lang dito. Laking pasalamat niya dito kasi niligtas siya sa kahihiyan. Medyo malayo-layo na sila ng magkaroon siya ng pagkakataon na tumigil. "Teka, teka!" pigil niya. Hawak pa rin nito ang kamay niya. "May problema ba?" taka ng binata. Nagkatinginan sila. "Wala." "Wala naman pala. Tara na!" Sabay hila muli sa kanya. "Teka, sandali. Di ba may work ka?" pag-iiba ng dalaga. "Oo meron." "Baka may lakad kang iba. Di mo naman kailangan na samahan ako." "Wala pa naman. Bukas pa 'yun. At saka okay lang samahan kita kasi wala pa naman akong gagawin." "Sigurado ka?" "Oo nga. Alam mo ang kulit mo." "Sige na nga." At ngumiti. Magkahawak kamay at magkasabay silang naglakad. Hinayaan niya lang na hawak ng binata ang mga kamay niya. It was fit perfectly with her hands. She feel safe and secure. Habang naglalakad sila ay hindi maiwasan ni Sherri ang makadama ng kilig. Animo'y para silang magkasintahan sa kanilang pagkakahawak-kaway. At nasa isa sa mga romantic place with matching perfect sunset view ang background. Di niya mapigilang mapa-isip. Pano nga kung magkasintahan nga kami? Lihim niya itong pinagmasdan. Kanina niya lang ito nakilala pero parang gaan na ng loob niya rito. Unang pagkikita pa lang nila ay napakabait at napaka-gentleman nito. Kaya naging komportable siya dito. Ayaw niyang isipin na tini-take nito ang pagkakataon. Hindi niya ini-expect na ito ang sasagip sa kanya. Masasabi niyang wala sa karakter nito ang salitang mayabang. Labis siyang natutuwa at nagpapasalamat na nakilala niya ito. **** Nakarating sila sa D'mall. Napuna ni Kean na kanina pang tahimik ang dalaga. Napahinto sila. Binalingan niya ito. "Is there anything wrong? May masakit ba sa pagkakatumba mo kanina?" nag-aalalang tanong ng binata. "Wala," nakangiting sagot niya. "Kung ang inaalala mo ay 'yung nangyari kanina wala 'yun. Wag mong isipin 'yun. Okey lang iyon. Okay?" alo ng binata. "Cheer up!" Napangiti siya. "Alam mo mas maganda ka kapag ngumingiti." Lihim siyang kinilig sa sinabi nito. Hindi naman sa ngayon lang siya nasabihan ng ganun pero may kakaiba sa pagkakasabi nito. Ramdam mong sincere. Sinalubong niya ang tingin nito. Nagtama ang kanilang mga mata. "You are really beautiful, Sherri." She dont know what to say. Parang tatalon ang kanyang puso. Ang sarap lang pakinggan ang mga sinasabi nito. Parang hindi na niya kakayanin ang mga susunod pa nitong sasabihin. Siya na ang unang umiwas ng tingin. "Tara na!" pag-iiba niya. Nauna na itong naglakad pero hindi pa tumitinag si Kean sa kinatatayuan. Napapangiti ang binata na pinagmasdan ang nakalayo nang dalaga. Something wrong is happening with himself. He can't explain but he likes it. "Kean, tara na." Tawag sa kanya nito. Medyo malayo na ito. Nakangiti siyang sumunod dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD