Chapter Four

1407 Words
Katatapos lang mag-withdraw at mamili nina Sherri at Kean. Tumuloy sila sa mga restaurant na nandoon. Maraming tao ang kasalukuyang naghahapunan. Umorder sila ng inabot sa kanila ang menu. Nung dumating ang pagkain ay masaya nilang pinagsaluhan ang mga ito. Habang kumakain ay panay ang kanilang kwentuhan ng kung ano-ano. They really enjoy their eating. Both of them have a very interesting story and experience to tell. Pareho silang may sense of humor and they never get bored. Animoy parang mga magkaibigan sila na ngayon lang nagkita. Just like catching up sa mga happenings nila sa buhay. Enjoy lang talaga sila company ng bawat sila. Seems like they are comfortable with each other kahit kani-kanina lang sila nagkita at nagkakilala. Ang gaan lang ng loob ni Sherri dito. Walang humpay ang kanilang tawanan. Ilang sandali ay may kinuha si Sherri sa supot ng mga pinamili niya. Inabot niya iyon sa binata. "What's this?" pagtataka nito. "T-shirt," sagot naman ng dalaga. "Para sa iyo 'yan kasi kung hindi dahil sa akin hindi sana madudumihan 'yang damit mo. Mukhang bago pa naman kaya 'yan I bought you," paliwanag nito. Biglang natawa ang binata. Napakuno't-noo naman ang dalaga. "May nakakatawa ba?" tanong ni Sherri. "Sorry," anang binata ng mapansin na biglang sumeryoso ang mukha ni Sherri. "Pero hindi ka na sana nag-abalang bumili. Marami akong dalang damit. Saka di naman ganun kadumi 'yung damit ko. Mga buhangin lang na dumikit 'yun. Saka wag mo nang isipin na kasalanan mo 'yun. It was an accident. Walang may gustong mangyare nun. Gusto mo pa bugbugin ko 'yung mga chinese na 'yon pag nakita at nakilala ko." Ngumiti ang dalaga. "Loko. Paano mo makikilala 'yun eh pare-pareho mukha ng mga chinese dito. Puro mga singkit!" natatawang sabi ng dalaga. "Pero salamat pa din for saving me." "Wala 'yun. Anything basta para sayo. Saka salamat dito." Inangat nito ang nakabalot pang t-shirt. "I will keep it as a souvenir from you." He smiled. Nagkatinginan sila at kapwa napangiti. She felt special sa sinabi nito. And she was lucky enough to meet a guy like Kean. **** Pasado alas otso na ng gabi ng lumabas sila ng restaurant. "Thanks sa dinner, Kean. I really have great time with you. So, pano mauna na ako. Thanks again," ani Sherri. "Your very much welcome. Hayaan mo pag may time ako, kain ulit tayo. Treat ko. " He promised. She smiled. Hindi siya makapaniwala na ang bilis ng mga pangyayare. Hindi rin niya akalain na ganun din kabilis na maging malapit sila. Halos nakalimutan niya ang kanyang problemang dinadala habang kasama niya ito. Seems like he's been a fresh of breath air for her. And she's very thankful for him. "Tara na hatid na kita hanggang main road," presinta ni Kean. Tumango siya bilang pagsang-ayon at sabay na silang naglakad. Pinarahan pa ni Kean ng tricycle si Sherri na masasakyan. "Ingat ka," anang binata ng makasakay na ang dalaga. "Ikaw din. Salamat uli," sagot rin nito habang papaalis na ang tricycle. Wala na sa paningin ni Kean ang tricycle na sinasakyan ni Sherri. Pero nakatayo pa rin siya dun ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Andy ang tumatawag at agad niyang sinagot iyon. "Bro, nasaan ka?" tanong ni Andy na nasa kabilang linya. "Bakit?" On a serious mode. "Tumawag 'yung contact natin. Kasalukuyan daw nasa isang bar 'yung lalaking hinahanap natin," he informed. "Eh, 'yung Sabel Montero?" tanong niya. "Wala pa. Ico-confirm niya pa. Pero 'yung lalaki sigurado na nandoon." He also confirm the location. "Sige, pabalik na ako diyan. Hintayin mo ko," ani Kean at naputol na ang tawag. Nagmadaling siyang bumalik ng hotel. **** JAMMING BAR. Iyon ang pangalan ng bar na sinabi ni Andy na mula sa kanilang contact. Dito raw namataan ang lalaking tumangay kay Sabel Montero. Umiilaw-ilaw pa ang pangalan ng bar sa labas. Medyo may kalakihan ang lugar. Medyo marami din ang mga taong nag-iinuman, nagsasayawan at nagha-happy happy. Nasa entrance na sila Kean at Andy. Pumasok sila sa loob. Naging matalas ang kanilang paningin sa hinahanap. Malamlam ang ilaw sa loob at medyo may kadiliman. Pero hindi iyon naging handlang na makita ang hinahanap nila. Kumpirmado nandun nga ang lalaki at kasalukuyang enjoy na enjoy sa pagsasayaw sa dance floor. Kahit mapusyaw ang ilaw nakilala agad nila ito. Umikot pa ang mga paningin nila. Maliban dun sa lalaki ay may hinahanap pa sila pero hindi nila makita. Walang Sabel Montero na nandoon. "Wala talaga 'yung Sabel. Ayon sa contact natin mag-isa lang daw ang lalaki. Wala itong kasama." Si Andy ng makalapit kay Kean na nanggaling sa kabilang side. "Kung ganun nasaan si Sabel?" pagtataka ni Kean. "Yan nga ang di ko rin alam," sagot nman nito. "Nakakapagtaka." Hindi kumbinsido si Kean. Napa-isip si Kean. Bakit hindi nito kasama ang babae? Bakit nag-iisa lang ito? Parang may mali. Ayaw man niyang mag-isip ng kung anong posibleng nangyare sa babae pero di niya mapigilan. Wag naman sana. Agad niyang iwinaglit sa isip ang kanyang naiisip. At muli nilang itinuon ang paningin nila sa lalaki. Babantayan nila ang bawat galaw nito at aasang may isang Sabel na lilitaw ano mang saglit. Ang babae lang talaga ang kailangan nilang mahanap at wala na silang pakialam sa lalaki. Kailangan maibalik nila ito sa mga magulang niya. It's their job to return her safe. Kanina pa silang nakaupo sa bar stool at paunti-unting umiinom ng beer. Hindi nila inaalis ang mga tingin sa lalaki. Kanina pa ito pabalik-balik sa table nito at sa dance floor. Mukhang lasing na ito pero ni anino ng Sabel wala pa ding lumilitaw. Mukhang hindi nga talaga nito kasama ang babae. Ilang sandali pa ay nasa table na muli ito at tumutungga muli ng beer. Isang babae ang napansin nilang lumapit dito. Nakasuot ito ng pulang tube na damit na halos lumuwa na ang malaking dibdib at maiksing palda na konting galaw ay labas na ang tinatago nito. Makapal ang make-up nito sa mukha. Sexy at maputi din ito. Halatang isa itong p********e na nag-aalok ng panandaliang aliw sa ayos nito. Pero hindi ito si Sabel Montero na hinahanap nila iba ito. Umupo ang babae sa katapat na silya. Panay ang ngitian ng dalawa at mukhang nag-uusap. Nakahanap ng bagong prospect ang babae. Hindi nila marinig ang pinag-uusapan ng mga ito dahil sa lakas music at medyo malayo ang kinaroroonan nila sa lamesa nito. Umisod pa ang babae palapit sa lalaki. Mukhang nagkasundo na ang mga ito. At walang anu-ano ay kinabig na ng babae ang lalaki at hinalikan sa mga labi. Laplapan ang dalawa. The kiss was so hot and intense. Halos wala silang pakialam sa mga taong andun. Sanay na sanay 'yung babae. Mukhang normal na nitong gawain 'yun. Tumagal ng ilang segundo ang halikan na iyon. At ngumiti pa ang babae ng mapang-akit na ngiti pagkatapos nun. Biglang nakadama ng init sina Kean at Andy. Hindi nila alam kung epekto ng beer na nainom nila o nang eksenang nasaksihan nila. "Bro, ang hot nun. Bigla akong nainggit putcha!" ani Andy na di pa rin inaalis ng tingin. Napailing si Kean. Pero hindi siya kumibo sabay tungga ng beer. "Kung ganyan ba naman ka sexy at kaputi. Hindi na talaga ako magdadalawang-isip na tirahin 'yan," dugtong pa ni Andy na halatang nangigigil. "Siraulo. Kamanyakan mo na naman," supalpal ni Kean dito. Kung ano-ano na naman naiisip nito. "Eto talaga ang kj. Pero aminin mo type mo din ang babae noh?" kantiyaw pa nito. "Hindi ako ganun ka-cheap. Kaya sa iyo na magsawa ka." At muling tinuon ang mga mata sa dalawa. Binayaran agad nila ang kanilang nainom at nagmadaling lumabas para sundan ang kalalabas lang na lalaki kasama ang babae. Umaasa pa din silang may Sabel na mahahanap sa pagsunod sa mga 'to. Ayon sa kanilang impormasyong natanggap kanina ang lalaki ay nagngangalang Greg Sto. Domingo. Bente syete anyos at nakatira sa isang exlusive subdivision sa Caloocan City. Nag-iisa itong anak at may kaya ang pamilyang kinabibilangan nito. At sinasabing kinakasama ito ni Sabel Montero. Nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan si Greg at ang kanyang ama kaya naglayas ito. Dahil na din sa pagmamahal ng dalaga sa binata ay sumama daw ito umano. Base iyon sa kwento ng mga magulang ni Sabel. Tutol kasi ang mga ito sa relasyon ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD