"Hey! Watch your steps!" Sigaw sa'kin no'ng babae na nakasalubong ko rito sa hallway. Tumabi naman agad ako at bahagyang yumuko. "Sorry, miss." "Seriously!" Umirap lang ito sa kawalan at nilagpasan na ako. Napabuntong-hininga na lang ako at luminga sa paligid. Nawala na sa paningin ko 'yong dalawa. Kung kailan nakita ko na sila na magkasama. Well, ang mahalaga ay alam ko na kung saan sila nagkikita at madalas na pinupuntahan nila. I didn't think of this. Ngayon-ngayon ko lang din napansin na nawawala nga si Quentil tuwing lunch at minsan ko lang siya mamataan. I thought he was always in cafeteria. To think na nasa ibang building sila. Dito sa building ni Daphne sila nagkikita. Maraming tao rito tuwing ganitong oras kaya mahirap silang sundan. Great choice. Wala ring maka

