"Huh? Vacation?" Kunot-noo kong tanong at napatigil sa pagkain. "Yeah. Kasama ang Serrato," Casual na sagot ni kuya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. "Bakit kailangang kasama sila?" Hindi ko maiwasang magkaro'n ng bitterness sa boses ko. "Well, family friend sila. Natural na 'yon. Bakit mo natanong? May problema ba kayo ni Quen?" Magkasunod na tanong niya. He saw through me that fast. Sabagay, hindi naman ako mahilig magtanong ng ganito kapag binabanggit sa'kin ni kuya ang mga ganitong bagay. Kadalasan na response ko sa ganito ay busy sa school kaya hindi ako sasama. Ang totoo no'n... wala akong balak na maglibang at makisama sa iba. Gusto ko talagang matupad 'yong pangarap ko. Weird man pero ang pangarap ko ay magkaro'n ng pangarap. Kaya nag-aaral ako ng mabuti. Dinevote k

