"Riane, baba na raw. Nand'yan na sila Quen!" Rinig kong sigaw ni kuya sa labas at kinatok ng ilang beses ang pinto ko. Minulat ko ang mata ko at inunat ang kamay. "Opo! Susunod na!" Narinig ko ang mga yabag ng paa nito na paalis na. Umupo ako sa kama at humikab. Ang balak ko sana bago 'tong Christmas party namin with Serrato family ay umidlip muna dahil kanina ay halos matumba na ako sa antok. Tiyak na ala singko o ala sais pa ang tulog ko mamaya. Halos dalawang oras na akong nakapikit at paiba-iba ng pwesto pero hindi ako makatulog. May nag-iisip siguro sa'kin? Kinuha ko ang cellphone sa gilid ko at binuksan para tingnan kung may mga bagong dating na message. Pero blangko pa rin. Isang oras na lang din pala bago mag-Christmas. 11:03pm na. Pinatong ko ulit sa mesa ang cellpho

