Chapter 52

2179 Words

"Dito na lang po ako, manong," I politely said as I smiled a bit. Iginilid ng personal driver namin ang kotse at saka hininto. "Ingat kayo, Lady Riane," I nodded. "Yeah, salamat." Lumabas ako ng kotse at sinakbit ang bag ko sa balikat. Tumingala ako sa langit at lumaki ang ngiti nang makitang maganda at maaliwalas ang kalangitan ngayon. Hindi pa gano'n kasikat ang araw pero alam kong magiging maganda ang araw ngayon. Hindi uulan mamaya. Mukhang katamtaman lang ang magiging init at lamig. Magandang araw para mag-date. Maaya ko na lang si Ril. Tutal ay hinihintay rin ako no'n sa may gate. To be honest, medyo late na ako. 10 minutes akong huli sa usual na hintayin namin. Pero ang sabi ko naman sa kanya ay magte-text ako tuwing hindi ako darating para hindi na siya maghintay pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD