He'd been like that since then. Too cold, that is. No'ng una, nalilito ako kung bakit siya ga'non pero habang patagal nang patagal, naintindihan ko rin. Ako ang may gusto no'n. Probably, gano'n siya umakto dahil sa sinabi ko no'ng nakaraan. So, tinotoo niya 'yon. Hindi ko alam na seryoso siya. Nanghihinayang ako na gano'n. Kahit na hindi na masyadong maayos ang relasyon namin ni Quentil, kaibigan ko pa rin siya at siya ang una kong nakilala sa kanilang tatlo. Wala si Ril at Daphne ngayon sa buhay ko kundi dahil sa kanya. Gusto kong makipag-usap kay Quentil at humingi ng sorry pero natatakot ako na baka kapag tinawag ko siya ay hindi na siya lumingon. Vina-value ko pa rin ang pride... kahit na average person lang ako. "Is there something bothering you, Riane?" Tanong sa'ki

