"What did you just say?!" Gulat niyang tanong at napatigil sa pagkain. Nilapag nito sa sahig ng rooftop ang tupperware na may laman ng lunch na pinasabay ko rin kanina sa lunch ko para sa kanya. Tumigil siya sa pagkain at kumunot ang noo. "Are you sure about that?" Nag-aalala ang boses at buong mukha niya. Ngumiti ako at tumango. "Yes. Sigurado na ako rito. No matter what happens... I'll do this." "Pero–" I cut him off. "Don't worry. Tiyak na magugustuhan ka nina mom at dad. Si kuya kasi, gusto ka na naman niya talaga." Bahagya akong natawa at kumindat. "Iba talaga ang karisma ng isang Acril de Silva!" "W-What the hell... you're embarrassing me..." Mahinang aniya at umiwas ng tingin. "Kapag nasabi ko sa kanila na may boyfriend na ako at hindi magkaro'n ng komplikasyon, ipapakila

