10: DINNER

1593 Words
SAGE It is still six in the morning at dilat na dilat na ang mga mata ko. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa nangyari kagabi. What a chaotic night! Well yes, I did not drink alcohol last night but the thing is, something happened crazier than any booze. Naparami ang inom ni Riel kagabi sa bar, which happens to be the same bar kung saan kami tinreat ni Hera. Nagce-celebrate rin kasi sina Riel sa sunod-sunod na panalo ng Cerulean Ravens at dahil may chance raw na tumungtong sila sa championship. Riel was wasted last night. Ni hindi nga makadilat ang lalaking 'yon at kulang na lang ay humiga na sa sahig. I should've taken a photo of him para makita niya kung anong pinaggagawa niya sa buhay niya. Nang nasa kotse na kami kagabi, I suddenly fell over his body at ilang minuto kaming nanatiling gano'n because no matter how much I try, napakahigpit ng yakap niya sa akin. Yes, that guy hugged me. Crazy, isn't it? I slapped his hand but he just wouldn't stop hugging me. Halos pasuko na ako ngunit maya-maya, lumuwag na rin ang yakap niya. Doon ko napagtanto na tulog na pala siya. Bumagal na ang paghinga niya at nakapikit na talaga. I called Ralph at tinanong ko kung saan sila nakatira so I can send his brother home. Nag-volunteer pa nga si Ralph kagabi na sunduin kami pero tumanggi na ako, ayaw ko na siyang istorbohin dahil napakalalim na ng gabi. Pasado alas dose na nang makarating kami sa bahay nila. Nakakagulat nga dahil sa parehas na lugar pa rin sila nakatira, doon sa bahay na tinirhan nila more than a decade ago. Ralph thanked me for taking Riel home, and with that, umalis na ako. Now, I'm staring at the ceiling. Dapat ay natutulog pa ako ngayon pero hindi talaga ako dinadapuan ng antok. Baka mas mukha pa akong sabog mamaya lalo at alas nuwebe pa ang pasok ko. "I shouldn't be wasting time," I whispered to myself. I still have three hours to prepare for work so I guess I might use an hour for sleep. Inayos ko na ang unan ko at huminga na nang maayos ngunit biglang tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng side table. Who's calling at this time of the day?! Tinatamad, hindi na ako bumangon at pinilit na lang na kuhanin ang phone sa ibabaw ng mesa at sinagot ang tawag, hindi na tiningnan kung sino ang caller. "Hello?" I said in a hoarse voice. "Morning, Sage." "Teka, sino—Riel?!" Napabangon ako sa higaan ko. This is Riel. This is his voice. Pero paano niya nakuha ang number ko? I don't remember giving him my number. Nakarinig ako ng malalim na paghinga sa kabilang linya at tunog na parang lumalagaslas na tubig. Is he taking a bath? "I got your number from my brother, don't freak out," sagot niya matapos ang saglit na katahimikan. "W-well. . . bakit ka napatawag?" "I want to say sorry for last night." Pakiramdam ko ay namula ang tainga at pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nag-flashback na naman sa akin ang awkward na posisyon namin last night. "I got really drunk. Forgot that I still have to drive to get home," Riel continued. "I don't remember anything because I was drunk as f*ck, but my brother told me you sent me home." Buti na lang at 'di niya naaalala. It's better this way. At least, ako lang ang nakakaalam sa pangyayari na 'yon sa sasakyan. "It's alright. You don't have to explain and apologize." He remained silent, naghihintay na may sabihin pa ako. "But next time, please drink responsibly. Paano kung wala kang kakilala ro'n to send you home? It's dangerous. Don't do that again." Narinig kong natawa siya sa kabilang linya at tumigil na ang lagaslas ng tubig. "Yeah. . . I'll remember that." Nabalot kami ng katahimikan. May sasabihin pa ba siya? Kapag wala na, ibababa ko na 'to. I still have to sleep, come on. "So, are you free later?" "Huh?" tugon ko, nakakunot ang noo. "I'm asking you to go out later for dinner. Are you free or not?" Wow, ang demanding naman niyang magtanong. Napakurap ako at kahit hindi pa ako fully decided, sumagot na ako. "Y-yes, I'm free later. . ." "Alright. I'll pick you up later. See you, Sage." "O-okay bye. . ." "You hang up," sagot niya sa ma-awtoridad na tono. "Oh right. Bye." Then, I hung up. Napahawak ako sa aking phone at pabagsak na humiga sa kama. Did he just ask me to go out with him? ?♡ ⋆。˚? "Good morning, Sage!" Bumungad sa akin ang masiglang bati ni Leo nang makarating na ako sa shop. He was already mopping the floor and blasting rock music through our shop speaker. Ang lakas talaga ng loob nito, e. Ang gusto ng manager namin, mellow at soft music ang i-play para raw mag-match sa aesthetic ng shop. Pero ito si Leo, sinusugal na naman ang trabaho niya rito sa shop para sa paborito niyang banda. I understand him, though. At isa pa, medyo gusto ko ring rock music ang pinapatugtog. Hindi ako inaantok at para bang hinehele katulad ng ginagawa sa akin ng mellow songs. "Good morning, Leo," tugon ko at tiningnan siya sa ginagawa niyang paglilinis. "Maaga yata si Great Leonardo ngayon, ha?" "'Wag mo nga akong tawagin niyan!" iritableng sagot niya na ikinatawa ko. Napangiwi siya sa akin. "Pero tama, maaga ako ngayon." "Siyempre, Great—" "Sabing 'wag, e!" Humahalakhak akong pumunta sa staff room dahil hahambalusin ako ni Leo ng hawak niyang mop. Nang nasa loob na ako ng room, nagpalit na ako ng damit at naghanda na para sa isa na namang busy day sa coffee shop. Sunod-sunod kaagad ang naging orders opening pa lang. Mahihirap na drinks and desserts pa talaga ang unang nagsidating ngayong umaga tulad ng frappe at cremé brulee na kailangan ko pang i-blow torch ang sugar sa ibabaw. "Sage, my friend!" Agad akong tumingin sa pinto nang marinig ang nakabubulahaw na sigaw ni Hera sa shop. She ran towards the counter and gave me a hug. "Ikaw ha! Tinakasan mo kami kagabi!" Hera said and took off her Prada sunglasses. Hera is my rich, rich fashionista friend. She is actually the only daughter of our city's mayor. That is right. Sa katunayan, si Hera rin ang inaasahang magiging sunod na mayora rito sa amin dahil nga anak siya ng current mayor, but my friend does not like the idea of being involved in politics especially in a dynasty and having too much paperwork. Si Hera kasi, ang first love niya ay fashion. Iyon din ang primary source of income niya dahil nagiging matunog na ang pangalan niya sa local fashion industry at nakakatanggap na rin ng invites sa ilang foreign fashion shows. She earns money through promotions and modeling. I love that for her. Hera ordered a strawberry latte which I prepared and served immediately. Babalik na nga sana ako agad sa counter dahil akala ko ay gagawa siya ng design kaya siya naparito pero pinigil niya ako at inayang umupo kasama niya. "Sage, you're not telling me something," Hera said and stared at me while smiling sheepishly. She then took a sip off her strawberry latte. "Oh, this is so good by the way." "Ano naman ang hindi ko sinasabi sa 'yo?" natatawang sagot ko at umiling. "Uhm, singkit na galing sa States? Basketbolista?" "What?!" gulat kong tanong. Parang alam ko na kung ano ang pinapahiwatig niya! Hera laughed hysterically na napatingin sa kaniya ang ilang customer. Ang babaeng 'to talaga! "Ayan, huli ka balbon! Kagabi, nakita ko 'yon ha." She saw us last night?! "You're getting it wrong, Maria Herrera—" "Oh please, not my ancient name!" wika niya na nanlalaki ang mga mata. Sabay kaming humalakhak. Hera really hates her full name dahil sabi niya, napakalumang pakinggan. "Pero Sage, nakita ko talaga 'yon, at may nakakita rin sa inyo sa parking lot, my goodness gracious!" Hera continued and took another sip from her drink, staring at me. "A-ano?!" "Yes, girl! Someone saw you guys on top of each other last night. I didn't know you are this freaky, Sage! Love that for you—" "H-hindi! He's drunk and I lost my balance, that's it!" Hera doesn't seem to be interested with my explanations and just smiled sheepishly yet again. "Boyfriend mo?" "What? No!" tanggi ko at ngumiwi. Hera squinted her eyes and smirked. Nakakakaba na ang facial reactions niya. "Really. . ." I chuckled and looked away. "Of course! Saka, 'di ko type 'yon, 'no." "Alam ko na pala kung ano kayo." Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Her tone made me worry. She is about to say something very rude or very disturbing—nothing in between. "Ano?" Hera leaned closer to me. "F-buddies?" Nanlaki ang mga mata ko at agad na napailing nang agresibo. See? Ang disturbing ng sinabi niya! I stood up and Hera remained laughing like a mad woman. Grabe, nakakakilabot ang babae na 'to! "You did not, Hera," kinikilabutang bulong ko. "Tandaan mo 'tong oras na 'to ha." Hera shook her head, still laughing. Enjoy na enjoy siya sa gulat kong hitsura. "What?" "Tandaan mo 'tong oras na 'to na nakalimutan mong iuntog ang sarili mo because there's no way you came up with that?" natatawang sabi ko. Sabay kaming humalakhak sa mga pinagsasabi naming dalawa. Iba ka talaga, Maria Herrera! Kuhang-kuha mo ang inis at kilabot ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD