SAGE
"So how's living here so far? I heard from Ralph that you grew up in the States."
Halos isang oras na kaming nag-uusap ni Riel sa gilid ng ilog. Parehas kaming tinatamad pa na bumalik sa treehouse at na-enjoy na rin namin ang katahimikan dito.
I asked him that question para magkaroon kami ng bagong topic. Naiinis nga ako na kailangan ko pang magsinungaling para sa tanong na 'yon pero choice ko rin naman.
"Masaya," Riel answered. Pumulot siya ng sa maliliit na bato sa tabi niya at inihagis ito sa ilog isa-isa. "I've met a lot of new people, experienced new things. . . made new relationships."
I smiled. Kahit papaano, natutuwa ako na masaya siya sa lugar na ito kahit pa matagal din siya sa ibang bansa.
I heard that it's specially difficult to adjust in a new country after growing up in another. Siyempre, kahit naman sabihin ko na dito sa Pilipinas lumaki si Riel, he doesn't remember that. Kaya ang nasa isip niya ay lumaki siya sa America, at talagang maninibago siya sa Pilipinas.
"But to be honest, I really feel more at home here in the Philippines," Riel said, picking up a few more pebbles and throwing those at the river.
"Really? Why?"
"May mga tao rito na pamilyar sa akin pero hindi ko pa naman nakita dati. There are places here that I've never been to but feel very familiar to me. I don't know. I don't understand."
Hindi ako nakasagot. He may have lost his memories but the fragments of the past are still there. Maybe he can't remember the names and places. . . but he can remember how it feels to meet those people and go to those places.
"Like you, Sage. You feel very familiar to me. It is like I know you very well and you're really close to my heart. Funny, right? And this place? Very nostalgic. Para akong balikbayan, eh."
It's because you've been here before. Balikbayan ka naman talaga, Riel.
I chuckled. "You're kidding me. Baka naman nakita mo lang sa movies o sa social media, right? At ako? Baka naman may kamukha lang ako sa States."
"Maybe. . ."
♡ ⋆。˚
"COME ON, YOU GUYS! LET'S HAVE FUN!"
Dumagundong lalo ang bar nang magsisigaw ang mga kaibigan at ilang kakilala ko. My friend, Hera, just went back here from her out of the country trip. Tatlong buwan siyang naglakbay sa iba't-ibang bansa kaya nang makabalik siya, katuwaan na agad.
"I missed you guys so much!" Hera shouted. Itinaas niya ang hawak niyang bote ng beer at nagsasayaw.
Tinawanan ko na lang siya at nanatiling nakaupo sa isang sofa. I don't like dancing dahil una sa lahat, hindi ako marunong at pangalawa, napakarami ng tao sa gitna.
Sumimsim ako sa baso ng apple juice ko. Yes, apple juice. I drink alcohol sometimes pero dahil may maaga akong shift bukas, minabuti kong fruit juice na lang muna.
Saka na ang tequila kapag mahaba ang break sa trabaho.
"Sage, my girlie! I missed you so much!" Hera exclaimed when she saw me sitting on the red couch.
Humahalakhak ako at tinanggap ang yakap ni Hera. "I missed you too, Hera! How's your trip?"
She sat down and took a sip of her blue martini. "One word, sister: amazing! Ang dami kong nakilalang fashion enthusiasts!"
I smiled. I am glad that Hera enjoyed her trip. She needed that break from her very pressuring life here in the Philippines.
Hinawakan ni Hera ang braso ko at hinila ako para may ibulong. And I know this means tea. "And I tell you what, Sage. . ."
Naningkit ang mga mata ko, nag-aabang sa ibubunyag niya. "This is going to be messy, Hera, right?"
She chuckled and sipped on her drink again. "Girl, may nakilala akong Italian investor abroad!"
Sabay kaming humalakhak ni Hera. Kilig na kilig siya habang ako ay napaisip na agad sa kung anong mga naging pakulo ng kaibigan kong ito.
"Anong nangyari? Where did you two meet? And, nako-contact niyo ba ang isa't isa?!"
Hera placed her martini glass on the table and giggled. "We met at a bar in Italy. I was with a designer friend there tapos siyempre, ha-hang out ako, 'no! And then, I got really drunk-"
"Hera don't you dare tell me—"
"No, no! Hindi pa kami nag-one night stand agad—"
Kumunot ang noo ko. "Hindi pa?! So it did happen—"
"Of course not! Sorry na, pumapalya ang Filipino ko! But, we met at a bar. Lumapit siya and he asked for my name, you know, the usual."
Kinikilig na rin ako para sa kaibigan ko at alam kong seryoso na ang kilig kapag iniikot niya na ang buhok niya. "Siyempre, I told him my name, duh? Tapos we met a few times more and we're chatmates!"
"I don't believe ayan lang ang nangyari—"
"Ang hirap magtago ng details sa 'yo, Sage! Pero sige na nga, oo na. We did make out a little, okay? But that's about it! Nothing more—"
"Umayos ka, Hera! Behave!"
At sabay kaming nagtawanan. She told me more about her Italian beau and how he took her to the fanciest restaurants in Italy. She also said that the guy is an ultimate green flag which I am really happy about.
She deserves this, if that guy really is a good one. Pero kung hindi at maging katulad lang siya ng lahat ng abusive exes ni Hera? I will make a video of myself ripping spaghetti in half before cooking it in boiling water just to piss that Italian guy off.
And the night went on like that for hours. Habang lumalalim ang gabi, nagiging mas wild ang mga kaibigan ko rito sa loob.
May ilang nakasalampak na sa sahig sa kalasingan, may ilang tumakas na at may ilang matibay talaga ang sikmura na laklak pa rin nang laklak.
I shook my head. Ano kayo ngayon? Ang gagaling mag-aya ng inuman pero tumba naman lahat. Mabuti ako, heto at alive and kicking pa rin!
Naiihi nga lang.
Uminom akong muli sa aking matamis na apple juice na bagong refill pa lang. Nang nakainom at nailapag ko na ang baso sa mesa, nilibot ko ang tingin ko sa madilim na bar at sa 'di kalayuan, may natanaw akong pamilyar na tao.
Is that. . . Riel?
Nakatayo siya malapit sa may hagdan at nakasandal doon. It was really dark and I can't see his face properly but I have a feeling that this is Riel.
Curious, tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagpaalam saglit kay Hera na ngayo's halos wala nang malay sa kalasingan. Naglakad ako papunta sa paikot na hagdan at nang malapitan ko na ang lalaki, na-confirm ko na si Riel nga ito.
"Riel? What are you doing here?" tanong ko.
He did not answer. Nakasandal lang siya sa hagdan at para ngang tulog na. May disenteng distansiya pa kami pero amoy na amoy ko na sa kaniya ang alak.
"Hey? Are you okay?" muling tanong ko. Lumapit pa ako at marahang tinapik ang pisngi niya. "Hoy, matutumba ka na rito—"
Bigla na lang siyang humakbang palapit sa akin at isinabit ang dalawang braso niya sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko hindi lang dahil sa gulat kundi dahil muntik pa kaming ma-out balance.
"Teka, Riel! Matutumba tayo! Hey!"
Pero hindi siya nakikinig. Nakakapit lang siya sa akin at bumubulong ng mga salitang hindi ko mawari kung ritwal ba o ano.
I looked around to see if there's someone available to help me out but all of them were either asleep or drunk as hell. Wala na akong magawa kaya inakay ko na lang si Riel palabas.
"My goodness, gaano ba kahirap intindihin ang drink responsibly? Ang bigat-bigat mo!" reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot. "Ang baho mo! Amoy alak ka na!"
Hindi ko alam kung naiintindihan niya pa ang sinasabi ko. He looks so wasted! Is he even allowed to drink this much? Hindi ba ito masama sa kaniya?
Nang makarating na kami sa parking lot, hinanap ko muna kung nasaan ang sasakyan niya na sa kabutihang palad ay nasa bandang unahan lang.
Sinandal ko muna siya sa hood ng sasakyan niya habang maingat kong kinakapa ang bulsa niya para sa susi.
Nang makuha ko ang susi, agad kong binuksan ang pinto sa passenger's seat gamit ang remote feature. Hindi ako bihasang driver but I know the basics. Minsan na rin akong nagmaneho kaya sure akong 'di naman namin ikapapahamak 'to.
Siguro.
"You are not a freaking teenager pero kung maglasing ka parang 'di mo alam na kailangan mo pang umuwi," sermon ko sa kaniya na baka hindi niya naman naririnig. Pinipilit kong hilahin ang pinto ng kotse para makapasok kami at makalayas na rito.
Nang malampasan na namin ang pintuan, oras na para iupo siya sa passenger's seat. Dahan-dahan ko siyang nilapit sa upuan pero dahil mas mabigat siya sa akin, napasubsob lang ako sa kaniya at halos mapahiga na kami sa loob ng sasakyan.
We were in a very awkward position. Nakapatong ang maliit kong katawan sa kaniya. Napakalapit namin sa isa't-isa na naririnig ko na ang t***k ng puso niya.
My heart skipped a beat. Napakurap din ang mga mata ko at parang nanlamig ang sistema ko sa nangyari.
"Sage. . ." Riel whispered in a husky voice. Amoy na amoy lalo ang alak sa kaniya ngunit masiyado akong okupado sa hitsura naming dalawa na hindi na ako nakasagot pa.
Napatitig lang ako sa kaniya at tiningnang maigi ang mahaba niyang pilik mata at maninipis na labi. He looks perfect but our position isn't right.
Akmang tatayo na ako nang maramdaman kong may pumulupot ang mga bisig ni Riel sa aking manipis na baywang na lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko.
"Riel! Ano ba, baka may makakita sa atin!"
"Sage. . . "
Napalingon ako sa labas ng sasakyan. Please naman, oh! Baka may makakita sa amin at magkaroon pa ng eskandalo rito!
I slapped Riel's hand just so he would let me go. "Riel! Baka may makakita sa atin dito!"
"Wala. . ."
"Anong wala?!" inis kong tugon. "Yayakap ka riyan tapos 'pag nagka-issue tayong dalawa, for sure hindi mo naman sasaluhin!"
"Sage. . . you're noisy—"
"E kasalanan mo!" bulyaw ko at pinalo uli ang kamay niya. "Bitaw na, Riel!"
Hindi na siya sumagot. Ang galing! Natulog pa!
Napa-face palm na lang ako nang makumpirma na tulog na nga siya. Dahan-dahan, tinanggal ko ang braso niya sa akin at umatras, tumayo sa labas at tinitigan siyang matulog nang mahimbing sa upuan.
Naningkit ang mga mata ko at pumameywang. "Lasing na lasing, oh. Ever heard of drink responsibily, Riel?"
Hindi niya naman ako naririnig, kaya ayos lang na magsalita ako nang magsalita rito.
"Nakakainis ka talaga, Riel Delgado," bulong ko at padabog nang pumasok sa driver's seat para makaalis na.