SAGE
Days passed by and finally, it's Sunday again. Sa isang linggo na nakalipas, dalawang beses pa akong nanood ng mga laro ni Leo.
Truth be told, he really is an amazing basketball player and not to mention, I wouldn't know he's a crackhead if not for our coffee shop duties. Kapag naglalaro kasi, nagbabago si Leo. His goofy mode automatically switches off the moment he steps inside the court.
"Sage! I have a game later, can you come again?" Leo asked me yesterday before I left the shop. He handed me a small paper envelope which surely contains the same VIP ticket he gave last time.
The perks he has as a team captain are impeccable! Imagine, free VIP tickets to watch their games?
I nodded and smiled. Wala naman akong ibang gagawin sa bahay kaya walang problema sa akin. "Sure! May extra ticket ka uli?"
"Marami nga e, ang dami kasing binibigay ng coach ko."
"Alrighty, Leonardo the Great!"
"Thanks, Sage! Da best ka talaga!"
Medyo matagal ang game kahapon kaya late na akong nakauwi. Sa totoo lang, nalalaman ko na ang mga galawan sa basketball dahil sa kapapanood ko ng mga laro ni Leo. It is not a bad thing though. At least, sa mga susunod na laro, hindi na ako magmumukhang ewan na papalakpak lang kapag pumalakpak ang ibang tao.
Oh well, back to reality. Ngayon, naglalakad na naman ako sa gitna ng kagubatan papunta sa treehouse. Ganito na siguro talaga ang mangyayari sa buhay ko every Sunday.
May dala na naman akong bag pero mas maliit na. Ilang libro uli, snacks at digital camera lang ang dala ko.
Not long ago, I planned on making a journal. It will serve as my diary and a compilation of photos na kinuha ko sa mga importante o tipikal na araw sa buhay ko. You know, to not forget about things.
Since I finished reading Of Years and Memories by Wean Li just last week, I figured forgetting really is a terrifying thing.
Sa kuwento kasi, ang bidang fairy ay unti-unting nakalimot dahil sa isang sumpa. And the story perfectly portrays how scarring it is to remain as a mere, blurry memory in someone's life.
Kaya nang natapos ko, sinimulan ko na ang journal na matagal ko nang hindi sinisimulan.
While I was walking, I kept muttering no Riel please. Don't get me wrong, okay. I do not hate him and I am actually getting better around him but I just want some me time now.
Maya-maya pa, nakarating na ako sa spot kung nasaan ang acacia tree. Sinilip ko ang kapaligiran at nang sigurado na akong walang bakas ni Riel dito, dire-diretso na ako papunta sa puno.
But I was wrong. . .
Nakita kong nakasandal si Riel at talagang nakakrus pa ang mga braso sa trunk ng acacia tree. Hindi ko siya nakita kanina dahil masiyadong malapad ang puno na natakpan ang buo niyang katawan.
I sighed. Ano na naman ba ang ginagawa niya rito? "You again?"
"Me again," Riel answered. Umayos siya ng tayo at ngumiti. "By the way, that sigh was personal."
"Bakit ka na naman nandito? You wanna chill again? You wanna experience a day here?" kalmado kong tanong. Umalis siya sa daraanan ko at nagsimula na akong umakyat sa aking treehouse.
"I have nothing to do at home so I went here," tugon niya. Naramdaman ko na umaakyat na rin siya kaya binilisan ko ang pagsampa sa treehouse. "Welcome pa naman ako, 'di ba?"
"Siguro."
"Siguro? Bakit naman hindi ka sure?"
Nagkibit-balikat ako at tuluyan nang pumasok sa bahay ko. "Ayaw ko kasing laging nakikipag-usap. Isa pa, hindi ko gusto sa maingay at lalong ayaw ko sa mapang-asar."
"Alright," he replied. "You didn't say that you don't like me so I guess, ayos lang na nandito ako."
♡ ⋆。˚
Isang oras ang nakalipas at napaka-awkward na ng paligid dahil sa presensya ni Riel. I'm leaning against a wall, reading a book and Riel's just there, looking at me.
I can't even move dahil sa ginagawa niya. Bawat gagawin ko ay nakatingin siya at gusto ko na lang maglaho.
Naubos na ang pasensiya ko sa kaniya at padabog kong binaba ang libro ko. "What is your problem?"
"Huh?"
"Bakit ka ba nakatitig? Hindi ako makapagbasa!"
"Sabi mo ayaw mo sa madaldal," sagot niya at ngumuso. "Nananahimik na nga ako, e. You hate it when I talk, you also hate it when I'm silent. What do I do?"
"So it's my fault now?"
"I did not say that."
Nagkatitigan kaming dalawa. Noong una, intense ang titigan pero habang tumatagal, natatawa ako. Hindi ko alam kung bakit pero nabasag ang katahimikan namin nang humalakhak ako.
I am not crazy or something pero bigla na lang talaga akong natawa! Napatingin sa akin si Riel gamit ang nagtataka niyang mga mata.
"You good?" Riel asked.
I nodded, still laughing. "Y-yeah, don't mind me!"
"May dumi ba ako sa mukha?" Riel asked, roaming his hands on his face.
"Wala naman. Ewan ko, bigla na lang akong natawa."
Napa-face palm siya bago siya bumuntong-hininga. Nagulat ako nang gumapang siya palabas ng treehouse at bumaba.
"H-hey. Where are you going?" I asked.
Tuluyan na siyang bumaba ng puno at naiwan akong nagtataka dahil hindi man lang siya sumagot sa akin. Is he upset?
♡ ⋆。˚
After reading a chapter of the book I'm reading, nagpasiya na rin akong bumaba sa treehouse, bitbit ang tuwalya at camera ko. Nakita ko si Riel doon na nakaupo sa nakatumbang troso, nakatingin sa mga hinahanging halaman.
I'm starting to feel bad, not going to lie.
Hindi man lang siya lumingon sa akin kahit nakababa na ako at naapak-apakan ko na ang mga malutong na dahon sa lupa.
Galit ba talaga siya sa akin? I swear, I did not do it on purpose! Bigla lang talaga akong natawa siguro dahil na rin sa sobrang tindi ng awkwardness sa aming dalawa.
But. . . if I actually offended him, then I have to do something. I am not very comfortable around him yet but he's my friend. Always has been.
"Uh, Riel, I-I'm going to the river, gusto mong sumama?" I asked him, smiling sweetly.
Riel casually shook his head. "Dito lang ako. Enjoy."
Oh, he's really mad. Like mad mad. Hindi naman 'yan suplado e, pero ngayon ang sungit-sungit.
Hindi ko pa alam ang gagawin ko para makipagbati sa kaniya kaya nagpaalam na lang ako at nagpunta na sa ilog.
Pagdating ko sa gilid ng kalmadong ilog, I quickly removed my thick sweatshirt and unzipped my pants. Lumingon-lingon muna ako bago ko 'yon ginawa dahil baka mayroong tao sa paligid.
Hindi ko na tinanggal ang tank top at ang cycling shorts ko na hanggang tuhod. Ayos na ito, as long as makakaligo pa rin ako at komportable.
With that, tumalon ako sa ilog at hinayaang yakapin ng malamig at malinis na tubig ang katawan ko.
Lumangoy lang ako nang lumangoy hanggang sa medyo hiningal na. Naramdaman ko rin kasi na nagiging malakas na ang ragasa ng tubig kaya umahon ako saglit at umupo sa isang malaking bato.
Dahil gusto ko nang maumpisahan ang journal ko, kinuha ko ang camera at sinubukang kuhanan ng larawan ang ilog. I succeeded and took more pictures of the beautiful scenery.
Naisip ko bigla na mas maganda kung may selfie entry ako sa journal ko kaya sinubukan kong mag-selfie gamit ang digital camera pero hassle! Laging 'di tumatama sa mukha ko ang kuha.
"Paano ba 'to?" I asked myself. Pinuwesto ko na uli ang camera, tinatantsa ito sa mukha ko, at akmang pipindutin na ang shutter button nang may umagaw nito sa kamay ko.
"Ako na."
Napabalikwas ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Riel 'yon. "Riel! A-akala ko ayaw mong sumama?"
"Boring," sagot niya, malamig pa rin ang tono. "What are you waiting for? Kukuhanan na kita ng picture."
I covered my chest and shook my head. "A-ayos na! Kahit hindi mo na ako kuhanan ng-"
Impatient, he grabbed the towel on top of the rock and handed it to me. "Use that."
Medyo kinabahan tuloy ako kasi ang sungit-sungit niya.
Tumango na lang ako sa kaniya at kinuha ang towel na iniaabot niya saka nilagay iyon sa balikat ko at umupo nang maayos. "D-do I look okay?"
Hindi siya sumagot, sa halip, lumapit siya sa akin at nanlamig ako lalo nang ilapat niya ang daliri niya sa mukha ko at tinanggal ang mga takas na buhok doon. "Yup, you look good."
Kabado ako pero nag-pose na ako. Gusto ko sana 'yung pak na pak kaso galit si Riel sa akin, e. Gusto ko pa sanang ilabas ang inner Asia's Next Top Model ko kaso hayan, masama ang loob niya sa akin at baka itulak niya lang ako sa ilog 'pag masiyado akong nag-feeling.
After a few shots, sinabi ko na ayos na 'yon without looking at the photos. Nakakahiya na kasi. I offended him earlier tapos may kapal pa ako ng mukha na magpakuha ng pictures sa kaniya.
Riel then handed me my camera at akala ko ay aalis na siya pero umupo lang siya sa malaking bato at sinawsaw ang mga paa niya sa ilog.
Walang nagsasalita sa aming dalawa. Parehas kaming nakikinig lang sa mabagal na paggalaw ng tubig pati na ang huni ng mga ibon.
Napabuntong-hininga ako. I guess this is the perfect time to apologise. "Riel. . ."
"Hmm?"
"Galit ka ba?" tanong ko, nakayuko at tinitingnan ang mga paa kong nakasawsaw rin sa tubig.
"No," sagot ni Riel, malamig pa rin. E, ano pala 'yan kung hindi siya galit?
I pouted and looked at him. "You're mad."
"I said, I'm not."
"E bakit ganiyan ka?" I asked Riel. Hindi ko na namamalayan na nagbabago na pala ang boses ko at naging. . . pa-cute?
Napatingin na rin sa akin si Riel, magkasalubong ang mga kilay. "What are you doing, Sage?"
Naumpisahan ko na ang pagiging pa-cute kaya tinuloy ko na. This is not my usual self but I'm doing this dahil ayaw kong mayroong galit sa akin.
I leaned closer to him, still pouting. "Ang sungit-sungit mo kaya! Bakit ka ba nagagalit?"
Kumunot ang noo niya at napaatras na para bang nakakatakot akong nilalang which is partly true, by the way. Gusto kong matawa uli sa reaction niya kaso baka mabadtrip na naman sa akin. "Hey, I told you-"
Umiling na ako kaagad. Natahimik si Riel at para kuhanin uli ang atensyon niya, marahan kong hinila ang manggas ng shirt niya at tiningnan siya. "Riel. . . sorry na."
Riel looks more disgusted than ever. Nagpipigil na lang ako ng tawa dahil kinikilabutan na rin ako sa ginagawa ko. "Hindi nga ako galit, Sage."
"Sige nga, ngiti ka kung 'di ka na galit?"
Riel looks so done with me. Napairap pa nga siya bago pinilit ang sarili na ngumiti. "See? I'm smiling. So sweetly."
"Okay na 'yan kahit pilit," natatawang sabi ko at umayos na uli. That minute of acting cute was really horrible but I needed to find a way. I hope that worked. "Pero, sorry talaga. I did not realize that I'm doing something that could offend you. I'm sorry, Riel."
He looked away. "I'm not really mad but apology accepted. How can I even resist that cuteness. . ."