06: GAME

1796 Words
SAGE Alas singko na nang magpasya kami ni Riel na umalis na sa treehouse. Dumidilim na kaya nagmadali na kami dahil ayaw naming mangapa sa madilim na daan palabas. "Ganitong oras ka ba laging umuuwi?" Riel asked in a low tone, hands inside his pockets while we're walking. I shook my head. "I usually go home by three. . . but I have someone to accompany me kaya umabot nang alas singko ngayon." "Ibig mong sabihin, mag-isa ka lang ditong nagpupunta lagi?" tanong niya. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit palibot-libot ang tingin sa masukal na gubat. "You don't have friends?" Aray, ha. Parang ang personal ng 'you don't have friends?' na tanong niya. "May mga kaibigan ako, but I don't tell them about this place, except for someone. She's currently out and travelling so. . ." Tumango-tango siya at nabalot na naman kami ng katahimikan. Malayo-layo pa kami sa kalsada. Lumalamig na at dumarami na rin ang insekto na kumakagat sa balat ko. Good thing I brought an extra cardigan. "I remember you telling me that you built that treehouse with a friend." Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "T-that. . . yeah. That's true." "That friendship must be so strong. You had to keep this place a secret just to protect it even from your other friends." Ito na naman tayo. It's really frustrating to be around him and he will ask me questions like this. A part of me wants to spill everything. A part of me wants to let him know that he is the friend I am talking about. That he is the person who built that house with me. But the other part says that I should just keep on pretending and bending the truth. Maybe I'm scared. Baka kasi isipin niya na ilusyonada ako o ano pa. "Is your friend that special to you?" "That friend is really special to me," I answered him. Hindi na siya sumagot at tumango na lang uli. Ilang minuto pa ang nakalipas, narating na namin ang highway. Madilim na at nakasindi na ang mga poste upang ilawan ang mahaba at tahimik na kalsada. "Where do you live? Should I—" "No, I'm fine," sagot ko na agad. I am already comfortable around him but as much as possible, I'm keeping a distance. "I just live near here." "Sure?" "Oo naman," natawa ako at napailing-iling. "So. . . paano?" Riel nodded a little and smiled. "Thank you for today. It was quite an experience." "W-wala 'yon," sagot ko na lang at tumalikod na sa kaniya. Ilang hakbang pa lang ang layo ko sa kaniya, nagsalita siya na nagpatigil sa akin. "Take care." ♡ ⋆。˚ It has been almost a month since Riel and I spent a day together in the forest. Mula noon, hindi ko pa siya nakita uli pati na ang kuya niya. Ang bilis ng mga araw, 'no? I have also mastered the art of dodging interactions. I do not go to places where Riel and I would possibly meet, including the treehouse. I rarely visit and if I do, I'd check if Riel's around and just spend a good few minutes there to tidy up. Siguro naman nakuha na ni Riel na 'di ko talaga siya gustong kasama kaya hindi na rin siya nagpakita uli. "Sage!" Halos malaglag ang puso ko sa sahig na kasalukuyan kong mina-mop dahil wala namang masiyadong customer ngayon. "What is it Leo? Kailangan ba talagang manggulat?!" Napahawak ako sa dibdib ko na napakabilis ng t***k. Loko rin 'tong Leo na 'to, e! Kung makasigaw ay parang nasa labas ako! Napakamot sa kaniyang batok si Leo at ngumisi. "Sorry na, galit na galit naman 'to agad. Anyway, I just wanted to give you this." Iniabot niya sa akin ang isang kapirasong papel-ticket. "What is this?" "A ticket, obviously—" "Ticket saan? Namimilosopo ka na naman ah," may halong pagbabanta kong sabi at tiningnan siya nang mariin. 'Wag niya akong subukan at may hawak akong mop. "Sorry naman! Ano kasi, may spare tickets kasi na binigay 'yong coach namin para sa basketball game this week. Nabigyan ko na 'yong mga kaibigan ko at mga kamag-anak pero sobra pa rin. That's why I decided to give it to you." I nodded slowly. Well, I don't know that much about basketball. Nakanonood lang ako minsan pero nakikisigaw lang talaga ako kapag may nakakapuntos, e. Pero teka nga lang. Naglalaro pala ng basketball si Leo? "You're a. . . basketball player?" "Grabe ka! Hindi mo alam?!" Pabigla niyang tanong na ikinagulat ko na naman. Kaunting sigaw at panggugulat pa, Leo. "You never told me! Malay ko ba!" "Itong height ko na 'to," tinuro niya ang noo niya pababa sa sapatos niya. "Tapos itong guwapo kong mukha? Pasadong-pasadong maging player." Nag-dribble pa siya kahit walang bola, kumu-cross over pa! Hindi pa nakuntento ang loko at naghagis pa ng imaginary bola sa imaginary ring, sumigaw ng 'Del Fuego for three. . . bang!' sabay pinalakpakan pa ang sarili. Kinikilabutan ako sa tao na 'to! "Skills ang usapan dito, Leo, hindi kapogian. Siguro bangko ka?" Natigil siya sa imaginary basketball niya at pumamewang. "Bangko!" Leo exclaimed, looking a little bit disappointed. "Ako? Mukha ba akong bangko? Apat ba ang paa ko?! Buti na lang at sa 'yo ko binigay 'yang ticket na 'yan! Tingnan mo lang!" "Na ano? Nakaupo ka lang sa bench sa buong laro?" "Palalampasin ko 'tong mga insulto mo, ha," banta ni Leo habang naniningkit ang mga mata niya. "Today, 7 p.m. Manood ka at tingnan natin kung sino ang bangko!" "Yes, Leo! That's the spirit!" pang-aasar ko pa sa aking workmate na nangangasim ang mukha at kulang na lang ay irapan ako. I smiled at him before I continued mopping the floor. ♡ ⋆。˚ "A big round of applause for the Crimson Tigers!" Halos napatakip ako ng tainga nang sumigaw ang commentator. Nagsisimula pa lang na ipakilala ang players pero hindi ko na kinakaya ang sigawan dito. "Point guard and team captain, The Great Leonardo—Leonardo Del Fuego!" sigaw muli ng commentator at nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumatakbo si Leo papunta sa gitna ng court. Si Leo? Point guard at what, team captain? Team captain ng Crimson Tigers si Leo, ang makulit kong kaibigan mula sa coffee shop? For real? As in, legit? Sapat na iyon para gulatin ako pero nang marinig ang nakabubulahaw na tilian at sigawan nang pumunta na sa gitna ang energetic na si Leo, nagtindigan ang mga balahibo ko. Punong-puno ng "I Love You Leonardo" ang posters nila rito. Ang iba naman ay nakasuot ng jersey na may apelyido at jersey number ni Leo. Wow, sikat pala 'tong kaibigan ko! Ibang level! Ngayon, napahiya talaga ako sa ginawa ko kanina. Hindi nga talaga siya bangko at mukhang malayong-malayo siya roon. This level of fame equates to true basketball skills! Pero ang lakas naman ng trip niya? Kung ganito na pala siya kasikat sa basketball, bakit pa siya nagtatrabaho sa shop? Formal league na 'tong sinalihan niya! I stopped thinking about Leo and his curious life choices and just watched the game. Sunod-sunod nang ipinakilala ang mga miyembro ng Crimson Tigers na kapwa tinitilian ng mga tao. "Ang pogi talaga ni Donatello Novela! Hayun oh, 'yong number 32!" Iyan ang sabi ng katabi kong die-hard fan yata ng Crimson Tigers. Mula ulo hanggang paa, may Tiger merch siya. Suminghal naman ang katabi niyang babae na naka-high ponytail ang red na buhok. "Pero pinakagwapo pa rin ang baby Leonardo Del Fuego ko. I mean, just look at his shoulders. . ." Nagtayuan lalo ang mga balahibo ko sa sinabi nila. Kinilabutan ako ro'n! Parang nakakahiya na tuloy na asar-asarin si Leo sa trabaho, iba kung magmahal ang fans niya! "And now, let's welcome, the Cerulean Ravens!" Mga binatilyong nakasuot ng cerulean jersey ang tumakbo papasok ng court. Pumalakpak ako para makisabay kahit 'di ko nakukuha ang mga nangyayari. Fake it 'til you make it, they say. Saka, sayang naman ang ticket kung mauubos lang ang oras ko rito kung magtataka lang ako nang magtataka. "Number 41, power forward and team captain, Alastor Alegre!" Nagsigawan na naman silang lahat. Isa-isang pinakilala ang team members at nang sabihin na ang huling pangalan, napanganga na lang ako. "Number 30, power forward, Riel Delgado!" Hindi ako nagkamali ng dinig dahil nakita mismo ng dalawang mga mata ko na tumatakbo si Riel sa gitna ng court. So this is what he's been doing, huh? He's in a basketball team. At kalaban ng team niya sina Leo. ♡ ⋆。˚ Walang kamatayang cheering lang ang naririnig ko sa court. Wala na nga akong naiintindihan sa laro, hindi ko pa marinig masiyado ang sinasabi ng commentator. Sa ngayon, 45-48 ang score. Forty-five para sa Ravens at forty-eight sa Tigers. Paulit-ulit lang ang takbuhan nila sa court, pasa rito, pasa roon, tapos tira. While watching the game, I can't help but worry about Riel because Ralph said that he had a fatal accident. Sigurado ako na sa ulo ang pinakamatinding tama niya noon. And now, he's playing really hard and he is sweating all over. Paano kung madulas siya riyan at tumama ang ulo niya sa sahig? That would be a disaster. Speaking of Riel, he's in possession of the ball. Tumatakbo siya pa-half court at nakasunod ang mga kasama niya sa kaniya. "Riel Delgado in possession of the ball—passed it to Alastor, then to Theo, now back to Riel. . . had to pass through the great Leonardo's legendary move-and now bang, bang, bang! Tatlong puntos para sa umaaribang si Delgado!" Mabilis ang pangyayari pero nakapuntos si Riel bago nagtawag ng time out ang Tigers. Now, the game is tied. Malapit lang sa akin ang bench ng Cerulean Ravens. Mula rito, kitang-kita ang tagaktak na pawis ni Riel. Inabutan siya ng towel at isang bote ng tubig bago siya lumapit sa coach nila. I observed him as he listen to his coach. Tumatango siya at nagsasalita rin minsan, may paturo-turo pa nga sa mini whiteboard na hawak ng coach nila. Habang nakatingin sa sinusulat ng coach sa board, dahan-dahan niyang binuksan ang bote ng tubig niya at tumungga rito. Pag-angat ng panga niya para uminom ng tubig, nagtama ang mga mata namin. Nakatitig lang siya habang umiinom ng tubig at ako naman ay hindi makapagsalita rito. Maya-maya pa, binuhos niya sa ulo niya ang natirang tubig sa bote, nakatigin pa rin sa direksyon ko. Kumunot ang noo ko. Papansin? Nahalata niya yatang nagtaka ako sa ginawa niya kaya dahan-dahang namuo ang ngisi sa manipis niyang mga labi at walang ano-ano'y kumindat siya sa akin bago tuluyang nag-iwas ng tingin. What the hell was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD