05: A DAY IN A LIFE

1851 Words
SAGE If I were to be asked, everything is just happening fast. A little too fast. It wasn't that long since I've seen Riel again, discussed things with his older brother, mourned for a lost friendship, and now, Riel is sitting calmly beside me breaking twigs with his bare hands. Yes, all of that happened in one week. One week! Just seven days! Imagine! Naguguluhan na tuloy ako kung anong dapat kong maramdaman; kung dapat ba akong malungkot kasi hindi na ako kilala ni Riel o dapat matuwa kasi nagkakaroon na kami uli ng interaksyon. "Will this be okay?" Riel showed me the sticks of wood he had broken into pieces as I told him to do so. Nabalik ako sa reyalidad at napakurap bago naintindihan ang tanong niya. "Y-yes, ayos na 'yan." I told him that we have to make a small fire to shoo insects away. I do this everytime and since Riel wants to experience a day in Sage's life, I told him that he needs to collect sticks first. I did let him experience a day here. Ngayon lang naman at walang masama kung pagbibigyan ko siya. Isa pa, hindi naman siya nakakairitang kasama. Ako lang ang may problema sa aming dalawa. Lahat ng problema kong ito? Nasa isip ko lang lahat. Hindi naman alam ni Riel na kaibigan niya ako dati kaya one-sided ang discomfort na ito. I suddenly remembered those YouTube videos I see whenever I browse on the app for fun—a day in a life vlogs. Kung isa lang akong vlogger, malamang ginawa ko na itong content at puputaktihin si Riel dahil pinagmukha niya akong alipores sa outfit niyang parang New York Fashion Week ang datingan. "You seem so tensed," biglang sabi ni Riel. Nilagay niya sa gitna ng tatlong bato ang mga kahoy at umupo siya sa malaking troso sa tabi nito. "Relax your muscles a bit." "What do you want, Riel? Really. Ang random ng mga ginagawa mo." "You know my name?" "Of course I do, duh," mabilis na sagot ko at huminga nang malalim. "Parang ang random naman na gusto mo lang sumama rito out of curiosity, right?" Tinagilid niya ang kaniyang ulo at tiningnan ako na parang kataka-taka ang sinabi ko. "What's so random about that? Mali bang makipagkaibigan? Kuha ko, hindi mo ako kilala nang sobra pero mali ba 'yon?" "I mean. . . look, y-you don't know me," tugon ko at tinuro pa ang sarili. "Kaya bakit ka sasama sa 'kin? You could've built a treehouse of your own tapos tinry mo, 'di ba? Tapos pumunta ka sa coffee shop where I work. Isn't that too much? Besides, kung ako sa 'yo, 'di ako magtitiwala sa akin." "At bakit?" I formed my hand into a g*n and made a serious face. "Kasi baka masama pala akong tao tapos ako at ikaw lang dito. BANG!" Akala ko ay magugulat siya nang gayahin ko ang putok ng b***l pero sa halip, huminga siya nang malalim na parang isa akong biro. "Wow, ang sakit. Tinamaan ako sa ulo." I face palmed. Kuhang-kuha niya na nga ang inis ko, ang hirap niya pang patawanin. Riel continued. "Let's just say that I want to test how deep is that certain connection I felt when we met at the coffee shop." He said observed a while ago and now, he wants to test a connection. Baka naman ginagawa lang akong thesis nito? "Bakit mo naman gagawin 'yon?" "Bakit ang dami mong tanong, Sage?" sagot niya na parang naiirita na sa sobrang dami ko ngang tanong. Hindi ko na napansin. "Hindi ba puwedeng sumama lang ako rito at ituring mo ako na bisita, at least?" "Ang weird lang kasi! Hindi mo ba ako naiintindihan? Wala pang isang linggo nang makilala mo ako tapos ngayon nandito ka, nakikisama!" Natahimik si Riel at kumunot ang noo niya. Dahan-dahan niyang tinaas ang hintuturo niya at itinuro ito sa direksyon ko. What? "Wait. . . don't assume too much," sabi ni Riel at dahan-dahang namuo ang nakalolokong ngisi sa manipis niyang labi. "Ano?" "I'm not hitting on you, in case you're getting it wrong." Tuluyan na siyang humalakhak, nakahawak pa sa kaniyang sikmura na parang ako na ang pinakamalaking biro na nakita niya sa buong buhay niya. Wow. Kung ayan ang observation niya sa akin bilang researcher, itapon niya na ang research paper niya. He got everything wrong, goodness! Hindi ba't siya ang assuming dito Nagtanong lang, gusto agad siya? Ang pagkakaalam ko nga, ayaw kong nandito siya. If I could, I would drag him away just to enjoy this moment alone! "Ikaw ang assuming," depensa ko at ngayon, tinuro na rin siya. "Wala akong sinabi na gusto kita. And that won't happen, thank you very much." "Nagsasalita ka nang tapos—" "Stop it, stop it," pagpuputol ko sa kaniya. "Sindihan mo na lang 'yan." "See, kung kanina mo pa sana in-enjoy ang presence ko, hindi sana tayo nag-aaway." Nagtaas ako ng kilay. "Nag-aaway ba tayo? I was just asking you." "Para sa akin, nag-aaway na tayo," sagot ni Riel at kinuha ang lighter na ibinigay ko sa kaniya kanina pa. Sinindihan niya ang maliit na papel na hawak niya at nilagay ito sa kumpol ng mga kahoy. "We were like an old married couple a while ago. Fighting over petty things. . ." Nag-iwas ako ng tingin nang sabihin niya na para kaming mag-asawa kanina. That is exaggerated. Nagkaroon ng maiksing katahimikan sa pagitan namin bago ako magpasyang tumayo para magpunta na sa ilog. It is almost lunch time and we have nothing to fill our bellies with. I do have snacks in my bag and Riel got protein bars but I'm sure those aren't enough to make us full. "Where are you going?" tanong ni Riel na tumayo na rin at nagpagpag ng binti. Tinuro ko ang direksyon kung nasaan ang ilog. "Huhuli ako ng isda para may makain pa tayo rito. Do you eat fish?" "I do. And I'll come with you." ♡ ⋆。˚ "Mas marami na akong nahuling isda kaysa sa 'yo!" Iyan ang sigaw ni Riel nang makakuha na naman siya ng isang isda sa ilog gamit ang matulis na patpat na napulot namin papunta rito. "Apat na ang akin at isa pa lang sa 'yo," natatawang sabi niya at tinuro ang apat na isdang nakalapat sa malaking dahon ng gabi. "Ano naman?" naiinis na tanong ko. Ang yabang niya, palibhasa mas marami ang nakuha niya, ganiyan siya? What happened to being humble? To being down to earth? Riel smirked. "Ikaw ang nagsabi na paramihan ng huli, 'di ba? Wala pa tayong kalahating oras dito, nahuhuli ka na." "I said that but it was just a joke," tugon ko at muling kinuha ang stick na ginagamit kong panghuli. "Bahala ka. Huhuli na lang ako uli kaysa magyabang dito. Tatlo lang naman ang lamang." Narinig kong tumawa siya na kinainis ko pa lalo. Naramdaman ko rin naman na sumunod na siya sa akin papunta sa gitna ng ilog para humuli na naman ng isda at ipagyabang ito sa akin. Lalo akong naiirita sa presensiya niya. "Got anything?" Iyan agad ang bungad niya, wala pa akong isang minutong nakatitig sa malinaw na tubig ng ilog para humanap ng target. "Can you please catch some fish without bothering me?" "Alright, you said it," he answered but his tone wasn't so convincing. Parang sinabi niya lang para 'di ko na siya sermunan. Ilang sandali pa, nakakita ako ng malaking isda. Agad akong nag-focus at sinigurong hindi ako masiyadong malikot para hindi ito magulat. Dahan-dahan, humakbang ako palapit sa kung nasaan ito at akmang itutusok na sa tubig ang kahoy para mahuli ang isda nang may naapakan ako na muntik ko nang ikapahamak. May malaki at malumot na bato sa gitna ng ilog. Naapakan ko ito at halos matumba na ako sa malamig na tubig ngunit naramdaman kong may humawak sa akin para hindi ako tuluyang lamunin ng tubig. Tiningnan ko ang kamay na nasa baywang ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Nang iangat ko ang tingin ko, nakita ko ang mukha ni Riel na sobrang lapit sa akin. Isang maliit na galaw ko lang, maglalapat ang mga labi namin. "Are you okay?" Riel asked. May mga talsik ng tubig sa mukha niya at medyo nabasa na rin ang buhok niya. Nang mapagtanto ko kung anong itsura namin sa gitna ng ilog, agad akong kumawala sa hawak niya at dire-diretsong naglakad papunta sa gilid. Nakakahiya. Nagkukunwari lang ako na maayos ngunit nanlalambot na ang tuhod ko sa kahihiyan. Ang lakas pa ng loob ko na hamunin siyang magparamihan ng isda tapos madudulas lang ako sa isang bato! Napailing ako at binasag ang katahimikang namamayani sa amin habang umaarteng walang dulas na nangyari. "O-okay na siguro 'tong limang isda, ano?" "Dalawa lang tayo, I guess that's enough too," pagsang-ayon niya at umahon na rin sa ilog. Kinuha ko na ang mga isda at ibinalot ito sa malaking dahon, 'tsaka binitbit at naglakad na pabalik sa treehouse. ♡ ⋆。˚ Tahimik lang akong nakatitig sa apoy kung saan nakapatong ang limang pirasong isda. Since we don't have anything here to cook these, we decided to just grill them. Giniginaw na ako dahil hindi ko pa rin naaalis ang basa kong damit. Nahihiya kasi akong magbihis dahil nga nandito si Riel. "Hindi ka ba nilalamig?" tanong ng kasama ko. "Basa pa ang damit mo." "No, I'm fine." "If you say so." Tumahimik siya uli at nakititig na rin sa apoy na umiihaw sa mga isda na nakuha namin. Ang awkward. Maya-maya pa, bigla siyang tumayo at walang ano-ano'y tinaas niya ang kaniyang t-shirt at tuluyan itong tinanggal. No, not that thing! Hindi ko naman sinabi na maghubad siya para matanggal ang awkwardness dito! But. . . Riel has a nice body. His chest is wide and his shoulders are strikingly broad. Now that he has nothing on his upper body, his veiny arms looked more defined. Hindi ko rin napalampas ang abs niya na halatang alaga sa gym. "Baka malusaw ako niyan," nang-aasar na sabi niya at umupo na muli. Hindi na lang ako sumagot at nilibot ang tingin ko sa kung saan. Ang kapal talaga ng mukha niya! I swear, the American air did something to his freaking personality! "Is this your first time seeing a man's body? Bakit ganiyan ka mag-react?" Riel chuckled before adding wood to the fire. "No, but why would you remove your shirt when there's someone in front of you?" Pinilit kong magtunog na naiirita ako sa kaniya. "Ayoko namang matuyuan dito. Ayokong magkasakit." "But Riel, it's rude," I argued. He smirked again. I can't remember how many times he smirked this day but it's becoming unhealthy. "What?" Bumaling ako sa kaniya at dahil wala ako sa sarili, nakipagtitigan pa. Tinagilid niyang muli ang ulo niya at tumitig din sa akin. "If removing my shirt is rude, then why would you stare at my body? You only shifted your gaze when I called you out." Can I say it again? Ang kapal talaga ng mukha niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD