Chapter 3

1450 Words
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na siya. Sa pinakamataas na floor ang opisina ni Craig. Exclusive iyon para rito kasama siya at isang sekretarya. Hindi nga lamang iyon basta-basta opisina. Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang bumukas ang elevator. Hindi naman siya nagugulat ngunit sa pagkakataong iyon ay mismong si Craig ang nakatayo sa harap ng elevator. Dahilan iyon ng biglang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Bakit bigla-bigla na lamang siyang nagkakaganoon? Ngunit hindi lamang si Craig ang nasa harapan niya ngayon. Napansin niya na amy kasama ito. Medyo nasa likuran nito iyon. Maingat na hinila ang magandang babae sa tabi nito. Hindi na niya kailangan pang magtanong dahil kilala na niya ito mula dokumentong hawak na agad niyang itinago sa kanyang bag. Simple niyang isiniksik doon kahit na magusot pa. "You just came?" tanong ni Craig. Kunot-noong sinipat nito ang relong nagsusumigaw ng karangyaan. It was the latest model, a gift from her. Mahilig kasi ito sa relo kaya niregaluhan niya ito. Para makaiwas ang paningin sa dalawa ay kunwari din sinipat niya ang lumang relo na suot. Nanlaki ang mga mata niya nang matantong five minutes late siya. Ni-compose niya ang sarili at hindi nagpahalata nang muling balingan ang dalawa. "Hmmm, kanina pa ako narito. May dinaanan lang ako sa HR department," aniyang napatingin sa babaeng nakatayo lamang at nakamata sa kanya. Nang mapansin nito na tumingin siya ay tila nahihiya itong ngumiti. Napayuko pa ito. Tila maamong tupa. Inosenteng inosente ang hilatsa ng mukha. "Miss Salvador, nice to meet you. I'm Sofia Alegre, bagong secretary ni Craig," pakilala nitong nahihiya pa rin. Hindi pa rin makatingin sa kanya ng tuwid. Napakapit pa nga sa braso ng lalaking katabi. Nagmukha tuloy siyang lobo na anumang oras ay lalamunin ito ng buhay. Gusto niyang taasan ng kilay ang babae pero nagpigil siya. Tahimik na lang siyang natawa. Mukhang binigyan na talaga ng special treatment ni Craig si Sofia. The fact that she's calling him by his name is enough proof of that. Tuluyan siyang lumabas sa elavator. Hindi siya nagpakita ng anumang emosyon habang patuloy na nakaalalay si Craig sa bagong empleyado nila. Nilagpasan niya ang mga ito para pumasok na sa kanyang opisina. "I want you to train Sofia personally, Maxine," saad ni Craig na nakasunod sa kanya. Napatigil siya sa paghakbang dahil sa narinig. Humarap siya sa mga ito. Napatingin muna siya kay Craig bago balingan ng tingin ang babaeng may tipid na ngiti sa mga labi. Napakainosente talaga nitong tingnan. Parang walang masamang tinapay ito sa katawan. Pero ewan niya, may kakaiba siyang pakiramdam sa babae. Hindi siya komportable sa presensiya nito. Maging ang ipinapakita nitong kainosentehan. "Craig, can I talk to you for a minute," aniya. Imbes na ang opisina ang pupuntahan ay humakbang siya palapit sa opisina ng lalaki. "Go back to your desk, Sofia. Mag-uusap lang kami," rinig pa niyang sabi ni Craig sa babae bago sumunod sa kanya. Nag-isang linya ang nga labi niya habang nagpatuloy na lamang na naglakad patungo sa opisina nito. May inis sa kalooban niya pero gaya ng dati, alam niya kung paano itago iyon at kontrolin ang emosyon. "What's the matter?" agad na tanong ni Craig sa kanya nang pareho ng nasa loob. Humarap siya sa lalaki pagkatapos kalmahin ang sarili. Matamang tinitigan niya ito. Gusto niyang basahin ang nilalaman ng isip nito. Pero gaya ng dati, hindi siya binigyan ng pagkakataon. "Is there a problem?" muling tanong nito. Kakaiba ang awra nito ngayon. Maliwanag. At ayaw man niyang aminin, alam niyang dahil iyon sa bagong sekretarya nito. "What?" aniyang tila nainip sa kasagutan niya. Humakbang ito palapit sa kanya. Nilagpasan siya nito kaya muli siyang humarap kung saan ay umupo ito at hinarap ang mga papel sa mesa "You bypass my decision. Why?" nagawa niyang itanong. Sinubukan niyang maging kalmado at normal sa pakikipag-usap dito. Marami na silang mga argumento dahil sa mga impulsive na desisyon nito. At sana, isa lang iyon sa personal na pagha-hire nito ng sekretarya. "May problema ba? Gusto ko lang na ako mismo ang mamili this time..." aniya. Napabuga ng hangin si Maxine. "Walang problema doon pero hindi mo ako ininform, Craig." "It doesn't matter," ika nitong ikinagulat niya. "Isa pa, dumaan si Sofia sa screening and security checks. She passed all of that," ayon pa rito. Pinaninindigan ang desisyon. "Not that I'm against that, Craig..." gusto niyang umapela. "Then what?" Pabagsak nitong nilapat sa mesa ang papel na binabasa. Agad itong tumayo. Humakbang palapit sa kanya. "Dahil ba sa ikaw ang gusto kong mag-train sa kanya. You don't want to do that?" Tiningala niya ang lalaki nang makalapit na ito sa kanya. Nakipagmatigasan siya rito ng titig. Una nga lamang siyang nagbaba. Hindi niya matagalan ang titig ng lalaking tila laging hinahalukay ang kaluluwa niya. "Are you jealous?" biglang tanong nito dahilan upang muli siyang mapatingin dito. Bigla rin sumikdo ang puso niya. Sinubukan niyang umiling. "Nagseseslos ka ba kasi maaaring mahati ang oras na binibigay ko sa iyo? Or maybe mawalan ng tuluyan?" His words pierce a piece of her heart. Lantaran at diretso itong magsalita. Nasaktan siya sa sinabi nito. Pero naitago niya gaya ng dati. Napraktis na niyang maging manhid. Showing that she doesn't care. Sa paraang iyon, kahit papaano ay protektado niya ang sarili. Maloloko niya ang lahat na wala lang sa kanya iyon. Maloloko niya maging ang sarili. Umiling siyang mas determinadong pabulaanan ang akusa nito habang nakatitig sa lalaki. "Good!" aniyang hinapit siya bigla sa beywang. "Know where you stand." Napakurap siya nang makitang nakatitig ito sa mga labi niyang napaawang na lamang. Gusto niyang magsalita pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Sofia. "Oh, I'm sorry..." aniyang gulat na gulat batay sa panlalaki ng mga mata nito. Mabilis na tumalikod nang makita ang pagkakapuwesto nila ni Craig. "Wait," pigil naman ni Craig nang paalis na sana ito. Binitiwan siya ni Craig at mabilis na nilapitan si Sofia. Hinawakan nito ang babae at pinaharap. "Do you need anything?" malambing ang pagkakatanong ng lalaki dito. Lihim na napairap si Maxine patalikod sa dalawa. "May tawag sa iyo, Craig. Hindi ko alam paano i-transfer sa opisina mo kaya pumasok ako para sabihin. Sorry kung naistorbo ko kayo," ika naman ng babae na sumulyap kay Maxine. "Sorry, Miss Salvador. Hindi ko sinasadya na makaistorbo..." Tuluyan nang napatawa ng mahina si Maxine. Humarap siya at tinaasan ng kilay ang babae. Hindi niya itinago iyon sa paningin ni Sofia. Hindi naman iyon nakita ni Craig dahil nakatalikod ito sa kanya. Naiinis siya dahil basang basa niya ang babae. Hindi naman siguro ito bobo para hindi alam ang gagawin. Sinadya nitong pumasok sa opisina ni Craig. "Una sa lahat Miss Alegre, knocking first before entering a room is a common courtesy. Alam mo naman siguro at napag-aralan iyan. Kahit hindi nga pag-aralan, sa bahay pa lang natututunan na ang bagay na iyon. We called that respect!" mariin niyang pangangaral dito. Humakbang siya palapit sa dalawa.. Gumawa ng tunog ang takong na suot niya sa marble na sahig. "I'm... sorry. Unang araw ko kasi kaya kinakabahan ako..." naiiyak na paliwanag nito. Tiningala pa si Craig habang naiiyak. Nagpapasaklolo. Lalo siyang napairap nang tuluyang lumuha ito. Agad naman na ni-comfort ito ni Craig na siyang lalong nagpataas sa kilay niya "Shhhh. You didn't do anything that was wrong. It's okay," pang-aalo ng lalaki. Kinulong pa ang babae sa bisig nito. Nilingon din siya nito. "Don't be harsh, Maxine. Remember, it's her first day," pagtatanggol pa ng lalaki. Lalong nagpuyos ang kalooban ni Maxine. Hindi na nga lamang siya nakipag-argumento dahil wala na siyang magagawa. Matatalo lamang siya. Ayaw na niyang ubusin ang enerhiya niya sa mga ito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang sa malagpasan niya ang mga ito. Tumigil lamang siya saglit at nagsalita. "You can't survive kung sa maliit na bagay na ganito ay umiiyak ka na at tumatakbo sa kanlungan ng boss mo, Miss Alegre. This is work, hindi palaruan ng batang kailangan alagaan!" aniya bago umalis. Imbes na pumunta siya sa opisina niyang katabi lamang ng opisina ni Craig ay dumiretso siya sa washroom ni-lock niya ang pinto saka nanghihinang napaharap sa salamin. Napatitig siya sa sarili niya doon. Mapait niyang inismiran ang sariling repleksiyon. Ang nakikita niyang babaeng naroon ay isang talunan. Mahinang nilalang na hinahayaan ang sariling mahulog sa patibong na hindi na niya yata kayang makaahon. Kahit anong pigil niya ay pumatak ang kanyang mga luha. In realization of something. It is because of love. She has loved Craig for a very long time now. Nasasaktan siya dahil mahal na mahal niya ang lalaki. Pumayag siya sa sitwasyon nila ngayon dahil mahal niya ang lalaki... It is because of love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD