Third Person's P.O.V:
Labag man sa loob ay inangat ni Austin ang kaniyang kamay para batiin ang bagong promote na si Dr. Williams. Effective ngayong araw ay si Dr. Williams na ang head ng anesthesiology department ng UFMC rason para lalong bumigat ang loob ng binata sa lalaking bumighani sa kaniyang Ate Nadia.
"Congratulations Dr. Williams."
"Thank you very much Austin."
"First name basis huh? Please do not forget that I'm a doctor as well so you might wanna change how you address me."
"Right. I'm sorry Dr. Clemente."
Nahihiyang paumanhin ni Dr. Williams bago nakipag kamay sa iba pang bumati sa kaniyang promotion. Bagama't mas bata si Austin at anak ng isa sa may ari ng ospital na pinag tatrabahuhan niya kung kaya't mas pinili nalamang ni Dr. Williams na huwag itong patulan bagkus habaan pa ang pasensya lalo na't hindi lingid sa kaalaman niya ang nararamdaman nito sa kaniyang nobyang si Nadia. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan ay hindi pa rin niya maiwasang magkaroon ng guilt feeling at awa kay Austin dahil alam niya rin ang pakiramdam ng mabasted.
"Dr. Clemente?"
"Yes?"
"No hard feelings?"
Isang ngisi ang kumawala sa mga labi ni Austin sa tanong ni Dr. Williams bago siya umiling at nag paalam na lalabas na ng conference room. Nang makalabas ay huminga muna ng malalim si Austin para pakalmahin ang kanina pang nag pupuyos niyang damdamin.
"No hard feelings his ass. Tsk!"
Para tuluyang pakalmahin ang sarili ay nag simulang mag lakad si Austin papunta sa kabilang building ng UFMC kung saan ang nursery area ng ospital. Ang masilayan ang mga cute at bagong silang na mga sanggol ang nagbibigay sakaniya ng peace of mind kung kaya't mas pinili niyang daanan ito bago bumalik sa hospital area kung saan siya naka assign. Bagama't kilala siya sa buong ospital kung kaya't kaliwa't kanan ang pagbati ng mga hospital staff sakaniya rason para lalong bilisan niya ang paglalakad dahil wala siya sa mood para bumati sa kaniyang mga nakakasalubong.
"Why so serious doc?"
Tanong ni Sugar habang natatawang nakikipag sabayan sa bilis ng paglalakad ni Austin. Walang buhay niya namang sinulyapan ang kaniyang "kaibigan" mula sa records department ng ospital habang patuloy sa pag lalakad.
"I'm not in the mood Sugar so leave me alone."
"Nuh uh unless you tell me why you're so grumpy in this beautiful day."
"I don't see any beauty in this day so don't add to my frustration, will you? Again, leave me alone or else.."
"Or else what baby?"
Pang aasar ni Sugar kaya naman natigil sa pag lalakad si Austin at hinarap ang babae rason para humagod ang tingin nito mula sa maamong mukha ni Austin pababa sa dibdib, tiyan, at pang huli sa pagitan ng mga hita ng binata. Muli ay napa buntong hininga si Austin at umiling bago nag salita.
"You really won't leave me alone huh? I'm telling you, you won't like me when I'm frustrated."
"I don't mind. Frustrated or not you're still the same, Austin baby."
"Hmm.. Okay then. Meet me in my quarters after 15 minutes."
"Absolutely. Anything you want me to bring in your room?"
"Yeah, your stuff 'cause after I f**k you you're out of this hospital. Am I clear, Sugar?"
--------------------------------------------------------------
Candice's P.O.V:
Nag sisimula ng magpakita ang mga bituin sa langit ng marating namin nila Alyson at Cholo ang Saint Agatha. Straight from duty ay agad kaming nag punta rito dahil nag request ang mga kagrupo ko sa dance competition na magkaroon ng final rehearsal para raw masigurong plantsado na ang lahat.
"Okay lang naman kaming manuod diba?" Ani ni Cholo habang nag pupunas ng kaniyang pawis sa noo.
"Oo naman. Salamat ah, sinamahan niyo ako rito kahit pagod na kayo."
"Ano ka ba Candice, pare-pareho lang naman tayong pagod. At saka, hindi ka naman mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi ka namin inalay ni Cholo sa kataas-taasan kaya maliit na bagay lang 'to."
"Oo nga pala, ginawa niyo akong sacrificial lamb. Tunay talaga kayong mga kaibigan."
Nagkatawanan tuloy kaming tatlo na lumikha ng ingay sa corridor. Pag karating ng faculty room ay nakita naming kompleto na ang lahat. Dahil obvious na galing palang kaming duty kaya binigyan muna ako ng mga kagrupo ko ng 10 minutes para makapag pahinga at sila raw muna ang mag pa-practice.
"Kain na rin muna kayo. May pancit malabon diyan saka maruya."
"Kasali po kami ma'am?" Tanong ni Alyson.
"Oo, ang dami pa niyan kaya sige na't kain na kayo bago pa tuluyang lumamig ang pagkain."
"Maraming salamat po ma'am."
Sa mga kagaya naming patay gutom ay hindi na uso ang hiya kaya kaagad kaming kumuha ng kaniya-kaniyang pinggan at pagkain dahil nakakagutom talaga ang araw ngayon. Simula kaninang umaga ay bukod sa pag re-review para sa nalalapit naming exams ay kung todo support din kami sa mga players ng department namin at sa hapon naman ay duty. Oo, kahit intramurals ay hindi excuse ito para matigil ang duty namin.
Kanina nga lang kahit hindi naman required sa'min ang mag bed bath ng pasyente ay nag volunteer na akong tutulong sa isa naming pasyente na senior citizen. Mag isa lang kasi si lolo na bantay sa kwarto at dahil malambot ang puso ko sa mga matatanda kaya kasama si Gellie with permission and supervision galing sa C.I namin at kay Ma'am Mandy ay nag tulungan kaming paliguan si lola ng hindi naapektuhan ang bagong kabit sa kaniyang PEG tube.
"Woah. Practice ba talaga 'tong napuntahan ko o concert? Ba't ang bongga to the highest level?"
Pwera biro napaka powerful ng mga kagrupo ko kaya naman matapos kumain at ilang minutong pagpapatunaw ng kinain ay sumabak na rin ako sa practice. Kahit sila Cholo at Alyson na nanunuod lamang ay hindi rin maiwasang sumabay sa likod hanggang sa isa sa mga professors namin ang nag suggest na irecord daw ang rehearsal para malaman kung may kailangan pang baguhin o kung perfect na ang ipepresent namin bukas sa dance competition.
"Kami nalang po ma'am ang mag rerecord tutal kami naman ang saling pusa rito tapos pinakain niyo pa kami. Ako na po rito sa harap, si Alyson naman ang sa likod."
"Good idea Mr. Buendia. O siya, position na everyone."
Kasabay ng pag play ng music ay nag simula na rin sila Cholo at Alyson mag record. Una kaming mga estudyanteng sasayaw dahil sa mga professors at C.I namin talaga ang spotlight ng aming performance. Nahahati sa KPop at PPop ang music na ginamit namin dahil halos fan ng korean pop music ang mga co-students ko samantalang sa mga professors at C.I ko naman ang pinoy pop music or should I say puro Sarah G songs actually dahil masyado silang fan. Nahirapan man ako noong una para pag tugmain ang music at transition ng sayaw pero by the power of will ay nagawan ko naman ng paraan. Nang malapit ng matapos ang I Got A Boy ng Girls Generation part namin ay dahan dahan na itong nag fe-fade at napalitan ng music na sasayawin ng mga prof. At C.I hanggang sa oras na para sila naman ang mag pasikat.
( B.M: Record Breaker by Sarah Geronimo)
"Nice mga Ma'am."
Nakakatuwa silang tingnan dahil bukod sa naka outfit sila ay sabay sabay na sila ngayong gumalaw with all the facial expression. Pwede na silang bumuo ng girl group. Naku, pag hindi kami talaga manalo nito dadanak ng bagoong dito sa Saint Agatha. Itaga niyo 'yan sa mga kidney stones. Bago tuluyang matapos ang performance ay bumalik na kami ng mga co-students ko sa formation para sumabay sa Tala finale ng mga prof. At C.I hanggang sa kani-kaniya na kaming pose hudyat na tapos na ang dance performance namin.
"Woooh! Ang mind blowing!"
Pare-pareho kaming lumingon sa pinto at natagpuan ang pumapalakpak na si Elijah. Kailan pa siya nakapasok dito at hindi man lang namin napansin?
"What are you doing here Mr. Pangilinan?" Tanong ng isa sa mga professors namin.
"Iiwan ko lang 'to Ma'am sa mesa ni Dr. Clemente. Napag utusan lang."
Isang blue paper bag ang ipinakita sa'min ni Elijah kaya tumango sakaniya ang mga professors at C.I namin sabay turo sa mesa ni Dr. Clemente. Nagulat pa nga ako ng malamang mesa pala ni Dr. Clemente ang pinag lalagyan ng mga pagkain namin kaya imbes na ilagay sa mesa ay iniwan nalamang ni Elijah ang paper bag sa upuan ni doc.
"Nandito pa si doc?" Tanong ko kay Elijah.
"Wala na. Umalis na. Papasok sana siya rito sa faculty room kaso mukhang may emergency ata siya after niyang sagutin yung tawag sa cellphone niya kaya nang saktong nakita niya ako, ako ang inutusang pumasok dito."
"Oh. Ganun ba?"
Ano kayang emergency ni doc? Tatawagan ko ba siya? Itetext? O hahayaan ko nalang? Gusto ko sana siyang kumustahin kung okay lang siya. Ganoon naman ang magkaibigan diba? In good times or bad times nga raw sabi sa isang kanta.
"Sooo.. Tapos na ba ang practice niyo?"
"Oo, tapos na. Nag papahinga lang tapos uwi na rin kami."
"Great. Saan tayo kakain?"
"Haah? Anong saan tayo kakain?"
"Kailan ka pa nag ka alzheimers? Alam mo naman siguro ang tinutukoy ko diba?"
Nag taas baba pa ang kilay ni Elijah kaya naman nagets ko na ang gusto niyang sabihin. Doble.. Hindi.. Mahigit pa pala sa 16 points ang pinuntos niya sa second basketball game kaya naman kailangan kong tumupad sa napagkasunduan namin. Ang bilis naman ata.
"Ano kasi Elijah, pwedeng next time nalang? Pagod kasi ako eh."
Pag dadahilan ko which is totoo naman at saka ewan ba.. Pakiramdam ko magagalit sa'kin si Dr. Clemente kapag nalaman niyang nakipag date ako ng walang pahintulot sakaniya. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin makalimutan yung klase ng pagkakatingin niya sa'kin nang malaman niya ang "date" ko kuno kay Elijah kahit sinabi ko namang gusto lang akong ilibre ni Elijah.
"Sabagay. Sige, after intramurals and exams nalang para nakapag beauty rest ka na. Ang kapal na ng eyebags mo oh."
"Tse! Hu u ka sa'kin kapag nakapag beauty rest na ako. Kala mo ah."
"Haha! Biro lang. Kahit 'di ka na mag beauty rest maganda ka pa rin para sa'kin."
"Ah.. Hehe! Ano ka ba, maganda talaga ako."
Pagbibiro ko para hindi kami maging awkward sa isa't isa na sa tingin ko'y effective naman dahil tumawa si Elijah. Nag volunteer din siyang ihatid ako pauwi na kaagad kong tinanggihan dahil kasama ko sila Alyson at Cholo. Ang kaso ang magagaling kong kaibigan mabilis ding tumugon na may dadaanan pa raw sila kaya mabuti na raw na nag volunteer si Elijah para raw kampante silang makakauwi ako ng ligtas. Pinanlakihan ko sana ng mata ang dalawa pero wa-epek dahil tumatawa-tawa pa sila na animo'y mga hyena sa Lion King.
"Ingat kayo Candice. Ikaw ng bahala sa kaibigan namin Elijah."
"Oo, ako ng bahala Alyson. Ingat din kayo."
Parehong kumaway ang dalawa kong kaibigan bago sumakay sa na-book nilang Grab car at umalis. Ako naman ay inayos muna ang pagkakalagay ng helmet bago sumakay sa motor ni Elijah.
"Hold on tight to me Candice."
"Eh.. Nakakahiya naman Elijah."
"Kakapit o mahuhulog?"
"Kakapit syempre."
Nahihiya man ay dahan dahan kong inilusot ang aking braso para ipulupot sa tiyan ni Elijah. In fairness, may abs.
"Good para huwag ka basta bastang mahuhulog kahit kanino lalong lalo na kay Dr. Clemente."