2 Weeks Later..
"Sigurado ka bang itutuloy mo pa rin 'yang love letter.."
"Crush letter, Alyson. Inuulit ko, crush letter."
"Oo na. Pareho lang naman eh. Pero seryoso, may ibang paraan pa naman para maexpress mo ang feelings mo para kay doc."
"Ba't naman ako titigil kung alam ko naman ang katotohanan? Isa pa mukhang wala namang crush si Mabel kay doc. Kaya kahit mag harap pa sila ay walang mapapala si Dr. Clemente."
"Sabagay. Pero malay mo sa pag haharap nila doon pala mag sisimula ang pag usbong ng damdamin ni Mabel para kay McYummy."
Poker face kong tiningnan si Alyson kaya naman binigyan niya lamang ako ng peace sign habang nag aabang kami ng timing para iwan ang crush letter ko sa sasakiyan ni Dr. Clemente. Siguro mahigit 30 minutes na ata kaming nakatayo lang malapit sa sasakiyan ni doc sapagkat maraming pakalat kalat ngayon dito sa campus dulot ng opening ng intramurals namin ngayong week kaya kailangan mag doble ingat.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang kapatid ni Mabel ang jowa ng ate mo."
"Ako rin. Kaya pala nagkaroon din siya ng customized pink paper ni ate."
Nang gabing hinatid ako sa'min ni Dr. Clemente dalawang linggo ang makalipas ay naabutan ko sila ate Candy at ang kaniyang boyfriend na si kuya Mason na nakaupo sa aming sala set kaharap sila nanay at tatay. Matapos pala nilang manuod ng sine ay dumiretso na sila sa bahay para pormal na ipaalam ang relasyon nilang dalawa. Dahil nasa tamang gulang na si ate Candy kung kaya't wala namang pag tutol kaming narinig mula sa aming mga magulang kahit na kapareho ko rin silang nagulat ng malamang may jowa na si ate.
Sa bahay na rin nang gabing iyon nag hapunan si kuya Mason kung kaya't nagkaroon ng q&a at kwentuhan hanggang sa nalaman kong kapatid niya pala si Mabel. Bagama't mahilig raw mangolekta ng iba't ibang klase ng papel si Mabel kung kaya't binigyan siya ni ate Candy ng pink na papel ng kagaya sa'kin. Kaya ngayon heto, ang buong akala ni Dr. Clemente ay si Mabel at P.M.S ay iisa.
"Kung sakaling magkatuluyan na talaga ang ate mo at yung kuya ni Mabel parang kapatid mo na rin si Mabel."
"Parang ganun na nga. Wala naman problema sa'kin lalo na kung may pagkakataon na tayong iwan itong sulat sa kotse ni doc. Kaya tara na."
Hila si Alyson ay nag madali kaming lumapit sa kotse ni Dr. Clemente at sa isang iglap ay hinulog ko ang sulat sa loob tutal hindi masyadong nakasara ang bintana ng kotse. Sa tulong ng mapagmatiyag kong kaibigan ay matagumpay kaming nakalayo sa kotse ng walang bakas ng kung ano mang anomalya.
"Candice."
Speaking of Mabel ay palapit siya ngayon sa'min kung kaya't natigil kami ni Alyson sa paglalakad patungong gym. Mukhang papunta rin siya sa gym dahil suot na niya ang kaniyang volleyball jersey meaning may laro siya ngayong umaga. Nang makalapit ay ngumiti siya sa'min at nag paalam kay Alyson kung pwede niya raw akong makausap ng solo.
"Napaka confidential ba ng sasabihin mo at kailangan ko pa talagang umalis?"
"Sorry Alyson. Sandali lang naman."
"Okay."
Dala ng pakiusap ay nag paalam muna si Alyson na pupunta ng canteen kaya naiwan akong mag isa kaharap si Mabel. Muli ay ngumiti lamang siya bago sinabi ang kaniyang pakay sa'kin.
"Candice, sabihin mo nga sa'kin ang totoo. Ikaw ba ang nag bibigay ng love letter kay doc Austin?"
"H-haah? Paano mo naman nasabi?"
"Nagkausap kami ni doc kanina."
Oh my veggies! Ito na ba ang tinutukoy namin ni Alyson? Kung kanina'y tuyo ang kili kili ko ngayon ay nag sisimula na itong umiyak. Ewan ko ba kung bakit pag ganitong kinakabahan o napapraning ako sa dinami dami ng pwedeng unang pag pawisan ay kili kili ko pa talaga. Buti nalang wala itong dynamite effect kaya kahit papaano ay hindi naman naapektuhan ang confidence ng inyong lingkod. Anyway, balik tayo kay Mabel na ngayon ay ngumingiti ngiti na parang ewan kaya naman sinabi ko na sakaniyang sa'kin nga galing ang mga sulat tutal alam naman niyang kaming dalawa lang ang meron ng customized pink paper ni Ate Candy.
"May nabanggit ka ba kay doc. Tungkol sa'kin o doon sa papel?"
"Wala syempre. Hindi ko magagawang ipahamak ang kapatid ng jowa ni kuya noh. Hehe!"
"Anong sinabi mo?"
"Sinabi kong hindi sa'kin galing ang sulat. Pinakita ko pa nga sakaniya ang notes ko para maniwala siyang malayo ang penmanship ko sa hawak niyang love letter."
"Crush letter Mabel. Crush ko lang naman si doc."
"Naku Candice kung ganiyan ang definition mo ng crush sinasabi ko sa'yo hindi normal 'yan."
"Mabel naman, huwag mo sabihing pati ikaw hindi rin naniniwala na crush ko lang si Dr. Clemente?"
"Hindi talaga. Aaminin kong magandang lalaki si doc Austin kaya nga tinawag siyang McYummy diba? Pero kung ako sa'yo huwag ka masyadong mag invest ng feelings at time sa mga kagaya niya. Masasaktan ka lang lalo na't hindi naman siya full time faculty member dito sa Saint Agatha. Kapag umalis siya rito makakalimutan niya rin tayo."
"Hindi naman siguro. Kasundo niya naman ang lahat ng estudyante niya rito at magaling din ang memory ni doc."
"Ewan. Sana nga. Iba kasi ang kutob ko kay doc. Hindi naman sa sinasabi kong masama siyang tao ah pero most of the time tama ang kutob ko."
"G-ganun ba? Ano bang kutob mo kay doc?"
"Parang hindi siya 'yan. Alam mo 'yun, parang may maskara ba. Basta ang hirap i-explain. Pero malay natin at saka nagbabago naman ang tao."
Tama. Change is one of the constant things in this world kaya nga binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataong makilala pa si Dr. Clemente dahil baka nag bago na nga siya ngayon kahit papaano. Siguro dala ng galit at hindi pagkakaunawaaan kaya may nagawang hindi maganda si Dr. Clemente kay Ma'am Princess noon pero hindi ibig sabihin ay masamang tao na talaga si doc. Isa pa, meron ngang kasabihang there are three sides of a story kaya mabuti na sigurong huwag ko munang isarado ang aking sarili kay doc. Lalo na't itinuturing niya na akong kaibigan.
Bago mag tapos ang aming pag uusap ni Mabel ay nakabalik na rin si Alyson na may dalang pagkain kaya sabay sabay na kaming nagpunta ng gym para manuod ng laro. Kasalukuyang nag haharap ang department namin at department ng business administration sa basketball kaya pala kung todo ingay dito sa gym. Matagal na kasing may rivalry sa dalawang department pag dating sa basketball kaya isa pa ito sa mga inaabangan tuwing intramurals. Sa right side naman ng gym ay nag hahanda na rin ang volleyball team namin at volleyball team ng engineering dahil sila ang unang mag haharap ngayon. Isang good luck ang ibinigay namin ni Alyson kay Mabel bago siya sumali sa kaniyang teammates para mag warm up.
"Aaah! Go Elijah, Go Go Elijah!"
Aba! Pag dating talaga sa basketball walang makakapigil sa isang Elijah Pangilinan. Biruin niyo, tatlong bantay na nga ang hinarap niya pero nakapag lay up pa rin siya kaya naman walang humpay ang supporters niya kung mag cheer sakaniya at sa department namin. Bagama't sampung puntos na ang lamang ng department namin kontra business ad. Kaya napilitan silang tumawag ng time out. Isang killer smile lamang ang ginawad ni Elijah sa mga supporters niya bago dumiretso rito sa bench nila para makapag pahinga at uminom ng tubig.
"Masyado naman talaga 'tong si Elijah. Bigyan mo naman ng kahit three points yung kalaban."
"Hah! Ewan ko sa'yo Alyson. Hi Candice, kumusta?"
"Ba't si Candice lang ang kinukumusta mo?"
Umiiling na uminom ng tubig si Elijah saka ngumiti sa'kin. Hindi man kami magkaklase na ngayon ni Elijah pero may pinag samahan namin kami dahil noong first year ay madalas kaming magka partner sa ibang subjects. Nakakatuwa nga siyang ka-partner dahil bukod sa cooperative siya ay siya pa ang palaging sumasagot ng miryenda namin kaya malaki ang natitipid ko.
"Maayos naman ako. Galingan mo ah."
"Syempre lalo na't andito na ang favorite partner ko. Nakakahiya naman kung hindi ko gagalingan. Baka ikahiya mo ako."
"Haha! Ikakahiya talaga kita kapag natalo tayo."
Nang maubos na ang oras para sa time out nag simulang maglakad ulit ang mga players pabalik ng court pero bago pa man tuluyang makabalik ng court si Elijah ay tinawag niya ako.
"Anong favorite number mo?"
"Number 8. Bakit?"
"Okay, eight points for you then."
Sagot niya na sinabayan pa ng ngiti at kindat bago siya tuluyang nag laro. Nang tingnan ko si Alyson ay makahulugang tiningnan niya rin ako bago ibinalik ang mata sa court at nag simulang mag cheer. Nasa business ad. Ngayon ang bola kung kaya't may mga hand signals na binibigay ang kanilang point guard ngunit hindi pa man ito tapos ay mabilis ng naagaw ni Elijah ang bola sakaniya rason para magkagulo ang mga players ng business ad. sa court ngunit huli na para pigilan si Elijah dahil naka puntos na ito. Matapos makapuntos ay lumingon siya sa'kin at binigyan ako ng peace sign na sa tingin ko ay two points. Hindi ko tuloy maiwasang mangiti kaya napa palakpak na rin ako kasabay ng mga supporters niya hanggang sa nag patuloy ang laro at binigyan ako ni Elijah ng eight points na nag bigay sa basketball team namin ng unang panalo.
"Totoo pala talaga ang sinabi mong eight points noh?"
"Oo naman. Sabi ko naman sa'yo eh. Nag duda ka ba?"
"Hmm.. Medyo."
"Grabe. Hayaan mo sa susunod dodoblehin ko ang puntos para huwag mong pag dudahan ang kakayahan ko."
"Haha! Sige ba. Aabangan ko 'yan."
"May premyo ba ako kapag nagawa ko 'yun?"
"Hala, alam mo namang wala akong pera diba kaya nga tuwang tuwa ako noon kapag nililibre mo."
"Eh di 'yun nalang. Kapag nagawa kong doblehin o triplehin ang favorite number mo sa next game ililibre kita. Just like the old times, kakain tayong dalawa kung saan."
"Ganun? Parang hindi naman ata win-win situation 'yan."
"Trust me, win-win situation 'yan para sa'kin. So it's a yes?"
"Sino ba ako para tumanggi sa libre? Galingan mo ulit. Good luck."
"Yes! I will. Thanks Candice."
Masiglang nag paalam si Elijah sa'min ni Alyson bago siya sumama sa mga ka-team niya. Maglalakad na sana ako patungo naman sa on going volleyball game ng team namin at ng engineering ng pigilan ako ni Alyson kaya nag tataka akong tiningnan siya.
"Friend, alam mo ba kung anong pinasok mo?"
"Alin? Anong pinasok ko?"
"Takte naman Candice, nabudol ka ni Elijah."
"Budol? Anong budol dun? Mukhang ako pa nga ang nang budol sakaniya dahil ako pa ang ililibre niya."
"Haay friend. Ang L.G mo rin kung minsan. Gusto ka lang naman i-date ni Elijah Pangilinan kaya kung ako sa'yo ihanda mo na ang sarili mo dahil hindi 'yun papalya sa sinabi niya."
"H-haah? D-date?"
"Who's having a date?"
Pareho kaming nagulat ni Alyson ng makitang papalapit sa'min si Dr. Clemente bitbit ang ilang papeles na sa tingin ko'y test papers dahil after ng intramurals namin ay examination week na.
"Si Candice po. May date kay Elijah."
Pagmamalaking sagot ni Alyson kaya naman kaagad na nalipat sa'kin ang mata ni doc. At kagaya noon sa sinehan ay kakaibang kilabot na naman ang aking naramdaman ng mag tama ang paningin namin.
"Is that so, Miss Amorsolo?"