Bakit nga ba humantong sa ganito ang sitwasyon ko? Namin? Kunot noong kinuha ko ang order naming popcorn at inumin bago nag lakad pabalik sa entrance ng sinehan kung saan nag hihintay si Dr. Clemente.
"Heto na po yung popcorn niyo."
"Thank you Candice. Shall we go inside or will you have your bio break first?"
"Kailangan pa po ba talaga nating manuod nitong horror movie?"
"I thought you're.. I mean, we're stalking your sister? She's inside with her guy so we'll go inside too."
"Eh.. Okay na po 'yung nakita ko sila sa restaurant. Mukhang mabait naman ang boyfriend niya."
"My, my, my Candice."
My Candice? Ngumiti siya sa'kin bago umiling iling na para bang may mali sa sinabi ko.
"You really have no idea what's inside a guy's mind huh?"
"Po? Hindi ko po magets ang ibig niyong sahihin."
"Nevermind. Anyway, it's up to you if you want to go inside or not. Your call."
"Nakabili na po kasi tayo ng tickets eh. Sayang ng pera ninyo kaya sige na nga po, pasok na po tayo."
Unang nag lakad si Dr. Clemente papasok ng sinehan habang sa likod niya naman ako nakasunod. Bagama't madilim na sa loob kung kaya't hindi ko maiwasang mabunggo siya o mauntog ang ulo ko sa likod niya rason para huminto siya sa pag lalakad at harapin ako.
"Give me your hand."
Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi niya ay kinuha niya na ang kamay ko't pinagsalikop sa kaniyang mga daliri bago siya nag patuloy sa pag lalakad para hanapin ang upuan namin. Harujusko! Kahit breathing technique hindi na ata uubra para mapakalma ang puso kong nag simula ng mag cartwheel at back flip. Ganito pala ang pakiramdam ng HHWW, yung pag aalinlangan ko kaninang manuod ng horror movie dahil sa takot kong madala ko ito sa panaginip ay tuluyan ng nag laho. Pakiramdam ko tuloy blessing in disguise ang horror movie na 'to sa crush life ko. May plano siguro talaga sa'kin si Lord. Hehe!
Nang mahanap ang upuan namin ay una niya akong pinapasok bago siya. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko na tuloy hanapin kung saan naka upo sila ate Candy kung kaya't nang maka upo ako ay kaagad kong tinakpan ang mukha ko ng dala kong popcorn.
"Your popcorn will not save you from being caught so put that down."
"Asan na po sila ate? Nakita niyo po ba?"
"They are on the other side. Peacefully watching the movie."
Sabay turo niya sa'kin ng direksyon kung saan naka upo sila ate Candy at ang kaniyang boyfriend. Pero dahil nagulat na ako ng todo kanina kaya nang makita kong naka hilig ang ulo ni ate sa balikat ni Kuya Cute ay wa-epek na ito sa'kin though nakakapanibago pa rin sa paningin na ang sweet nilang dalawa. Parang hindi siya ang ate kong nakilala at nakagisnan.
"So far we're good I must say. We're not being noticed at all."
"Oo nga po. Parang naniniwala na tuloy ako ngayon sa love is blind. Kanina pa tayo nakasunod sakanila pero mukhang wala na silang ibang nakikita sa paligid bukod sakanilang dalawa."
"Yeah. You are right. Well, you cannot blame them. When a person is in love nobody could ever be so perfect in their eyes aside from the person they love the most."
Buntong hininga niya matapos mag bigay ng kaniyang sentiment at sinimulang papakin ang barbecue flavor popcorn na order niya habang nakatuon ang atensyon sa pelikula. Sapagkat ramdam ko at alam ko ang tinutukoy niya kung kaya't pinili ko nalamang manahimik at manuod ng pelikula kahit wala naman akong interes sa horror movies.
"How about you Candice? Have you ever been in love?"
"Hindi pa naman po. Hanggang crush lang po ako. Tamang inspiration lang, ganun."
"And who's the lucky person that inspires the one and only Candice Amorsolo?"
Eh di ikaw. Haller, kailangan pa bang imemorize 'yan? Pero syempre hindi ko sinabi 'yon. Ano ako hilo para ipahamak ang sarili ko? Kaya ibinigay ko nalang sakaniya ang pangalan ng isa sa mga celebrity crushes ko.
"Ganoon pala ang ideal guy mo. Unexpected for an innocent looking girl."
"Ah hehe! Mukhang inosente lang po pero maniwala po kayo, marami po akong alam."
"Really? That's news."
Muli ay kumuha siya ng popcorn para papakin at itinuon ang mga mata sa wide screen pero this time may nag lalarong ngiti sa kaniyang mga labi hanggang sa ibinalik niya ang kaniyang tingin sa direksyon ko. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay nag bigay ito ng kakaibang kilabot sa'kin. O baka epekto lang ng pelikula?
"You're a good young lady Candice. Now, I'm not saying this because you are already a friend of mine.."
"Po? Friend niyo po ako?"
"Hindi ba? Shame on me for assuming. Bawiin ko na ba ang sinabi ko?"
"Eh. Hehe! Si doc naman. Hindi na mabiro. Hindi lang po ako makapaniwala."
"Nah, you just broke my heart Candice."
"Hala, sorry na po doc.. Este.. Friend. Sorry na friend."
Ano ba 'yan, frienzone is real. Nakaka guilty tuloy, ang tingin niya pala sa'kin ay kaibigan niya na samantalang ako ay may tamang pagtingin lamang sakaniya. Char!
"Anyway, prioritize your studies above anything else. Alright? It's okay to have a crush as long as it inspires you. Once you graduate and passed your exam, call me."
"Bakit po?"
"I just thought you might need a place to practice your profession with pay."
"Hala, seryoso po? Sa UFMC? Parang ang labo ko pong makapasok sa ospital niyo."
"Why is that?"
"Eh UFMC po 'yan. Nakita ko na po kung paano kayong lahat mag trabaho. Pakiramdam ko po mahulog ko nga lang ang thermometer maliligwak kaagad ako sa trabaho."
"Haha! You're exaggeration is too cute you know. Candice, we're humans too and we make mistakes sometimes. UFMC is not Utopia so from my perspective as your professor you're definitely qualified in our hospital. We need your skills especially that I know now you're not that 'innocent'."
Kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng huling sinabi niya ay nag pasalamat nalamang ako dahil sa tiwala at paniniwalang pwede akong mag trabaho sa UFMC pagkatapos kong mag aral. Mismong doktor na ng ospital at anak ni Mr. Jonah Clemente ang nagsasabing pwedeng pwede ako sa UFMC kaya ba't pa ako mag dududa? Ang kailangan ko nalang talagang gawin ay ang mag aral para hindi ko madisappoint ang mga taong naniniwala sa'kin.
Sa natitirang oras ng pelikula ay patuloy lamang kaming nanuod kahit minsan ay hindi ko maiwasang sumigaw at mapamura dala ng gulat. Nakakahiya man pero ako lang ata ang nakaka experience ng horror saming dalawa sapagkat ang katabi ko ay panay tawa lamang ang ginawa dahil nagiging komedyante ako sa paningin niya. Minsan ay sumusulyap din ako sa direksyon ni ate Candy pero wala naman kahina-hinalang ganap sa kanilang dalawa hanggang sa may hindi inaasahan akong nakita.
"Aymaryosep!"
Kasi nga chismosa ang inyong lingkod kung kaya't imbes na umiwas ng tingin ay patuloy ko lamang itong tiningnan rason para maging si Dr. Clemente ay lumingon din sa direksyon kung saan ako nakatingin.
"First time seeing that?"
"O-opo. Ba't dito sila nag hahalikan?"
"Well, it's a perfect place to share a kiss. A steamy kiss based from what we're seeing right now. The place is dim, cold, and nobody will notice. Except you. And me. I noticed because of you."
"Ganern? Hindi po ba sila niyan nahihiya? PDA pa rin 'yan eh."
"Good question. Let's just say their oxytocin, dopamine, and serotonin are euphoric right now that's why their affection towards each other are overflowing which ironically happened to me also when I kissed ate Nadia. So, based from experience, I doubt that there's a room for shame when you're already in that state."
"Ah. Hehe!"
Ngiting alanganin nalamang ang sinagot ko kay doc at piniling manahimik hanggang tuluyang ng matapos ang pelikula. Nag hintay muna kaming makalabas sila ate at ang kaniyang boyfriend bago kami sumunod ng hindi na naka HHWW. May ilaw na kasi eh. Tsk!
"I don't see any horror in that movie."
"Eh paanong hindi ka po matatakot pinag tatawanan niyo lang po ako."
"Sorry. I just can't help it. So, where are we going next?"
"Hindi pa po kayo uuwi?"
"Nah. It's only 6 in the evening. Asan na ang ate mo?"
"Hindi ko na nga po alam kaya baka umuwi na po ako."
"What? You're abandoning our date?"
"H-haah? Date?"
"Unbelievable. First, our friendship and now this, our date. You aren't that good young lady after all."
"Hala."
Nag simula siyang humakbang palayo kaya naman sinundan ko siya habang humihingi ng tawad. Hindi ko naman kasi alam kahit na pakiramdam ko date nga ang nangyayari talaga sa'min sa kabila ng pag sunod namin kila Ate Candy.
"Doc, sandali po."
Isa pa, hindi ko akalain na may ganitong ugali pala ang isang Dr. Austin Clemente. Magaling, gwapo, may abs, mayaman pero humahaba ang nguso pag naiinis? Inirapan pa ako. Nagulat man ako pero hindi ko maiwasang mapangiti sa inasal niya hanggang sa pareho kaming natigil sa tapat ng isang bookstore.
"May bibilhin lang ako then ihahatid na kita sainyo."
"Naku, huwag na po. Kaya ko naman umuwing mag isa."
"Candice."
Seryoso at may halong finality nang sambitin niya ang pangalan ko kung kaya't tumango nalamang ako at sumunod ulit sakaniya sa loob. Sa bookshelves kami ng fiction stories huminto at doon ay nag simulang kumuha ng libro si Dr. Clemente. Wala man akong tanong pero sinabi niya sa'kin na para raw iyon sa mga bata sa foundation nila.
"On my next day off it's my turn to read stories aside from their monthly check ups."
"Madalas niyo po bang gawin 'yan?"
"Yeah, it's my way of giving back and even before na kahit student palang akong kagaya mo madalas ako sa foundation. The only difference now is that mag isa nalang ako."
"Bakit doc?"
"Magkasama kami palagi ni Ate Nadia pag pumupunta ng foundation but seems like she's already busy with someone else so I have to do it alone."
Alam na kaya ni doc ang tungkol kila Ma'am Lorenzana at Dr. Williams? Nang tingnan ko siya huminga siya ng malalim at umiling bago ipinag patuloy ang pagkuha ng mga librong bibilhin niya.
"Okay lang po bang sumama ako sainyo? Baka kailanganin niyo po ng assistant. Baka lang naman."
Naka ngiting pagpepresinta ko sakaniya kaya sa isang iglap ay nasilayan ko na naman ang signature smile ni McYummy na walang mintis kung makapag bighani ng puso. Lalo na sa'kin. Charot! Dahan dahan din siyang tumango kung kaya't napapalakpak pa ako rason para masagi ko ang isang babaeng namimili rin dito sa bookstore.
"Sorry miss. Oy, ikaw pala Mabel."
"Oy, Candice. O, doc. Andito ka rin po pala. Hello po."
Bati ng dati kong kaklase na si Mabel. Isa rin siyang nursing student sa Saint Agatha pero sa ibang section na siya. Mukhang hindi naman nakahalata si Mabel sa'ming dalawa ni doc kung kaya't kaagad din siyang nag paalam matapos makuha ang kailangan niyang bilhin.
"Her?"
"Haah? Ano po?"
Kunot noong sinundan ni Dr. Clemente ng tingin si Mabel kaya maging ako ay nagtaka rin kung bakit ganoon nalamang kung tingnan siya ni doc. Nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy ni Dr. Clemente ay maging ako ay kumunot na rin ang noo ng makita ang kulay at itsura ng papel na hawak ni Mabel.