Si Clive yung unang tao na nag approach saakin sa school. I can clearly remember how bright his smile was on the first day that I met him. He’s kind and sweet, being with him that time makes me feel safe. Noong nalaman ng nanay ko na may kaibigan ako, hindi siya natuwa kaya nang magbakasyon ay kinulong niya lang ako sa mansion. Ganoon pa man pagbalik namin sa school hindi nagbago ang pakikitungo saakin ni Clive kahit buong bakasyon akong walang paramdam. Pinaliwanag ko naman sa kanya, parehas nga kaming nagtataka kasi ang pamilya namin ay kilala sa pagiging sociable at maraming koneksyon pero ito ako pinagbabawalan ng nanay ko makipagkaibigan sa kahit na sino. Naintindihan ako ni Clive kaya patago na lang kung aalis man kami.
Nakatulala ako sa mga bulaklak na pinipitas ko habang nakaupo dito sa garden namin. Seeing him makes me remember our happy moments together. Naging mabuting kaibigan saakin si Clive hanggang noong lumaki kami kaso nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pamilya namin at pamilya nila kaya ang tagal din muna naming hindi nagkita, tapos nangyari yung trahedya sa nanay ko, doon simulang nagbago ang pakikitungo niya saakin. Isang taon akong nakulong sa The Tower pero parang pakiramdam ko sampung taon na akong nandoon, tapos pagkalabas ko doon sinubukan kong ayusin yung pagkakaibigan namin pero may nangyari na tuluyang sumira sa pagkakaibigan namin. That’s when I lost him for good.
I wanted to fix our friendship and explain everything to him but he won’t give me a chance. That’s when I lost everyone in my life, the end.
I sighed as I pluck the last petal of the flower that I am currently holding.
“Miss Alicia??”, napalingon ako sa baritong boses na tumawag saakin. Napatayo naman ako nang makita kung sino ito. Pagkatapos niyang masigurado ako nga yun at mabilis siyang pumunta papalapit saakin at niyakap ako.
“Missed me that much?”, naramdaman kong mas niyakap niya ako ng mahigpit. I smile a bit; it feels good to know that someone is happy to see me here.
Kumalas siya sa pagkakayakap at humarap saakin na parang manghang mangha pa rin.
“You’re back!”, masaya niyang sabi
“Yeah”
“Is this for good?”, para siyang batang excited dahil sa pag uwi ng nanay niya. As much as I don’t want to disappoint him but I also can’t lie to him.
“You know I can’t stay here because I don’t have place in here”
Biglang nagbago yung expression ng mukha ni Sixto, halatang nadisappoint siya sa naging sagot ko.
“Ikaw lang nagsasabi niyan”, na-aappreciate ko si Sixto sa tuwing sinasabi niya na hindi totoong wala akong lugar dito sa Realm.
“I’m not even welcome here”,dagdag ko pa at nagsimula kaming maglakad papasok sa mansion.
“That’s not true—”
“You didn’t see their faces when they saw me”, pagpuputol ko sa kanya. The people in our mansion hates me, my grandmother hates me, Clive hates me and the people here in the Realm don’t like me because of my reputation but still every time I walk out my room,
I always make sure I look confident and strong. Hindi ko sila bibigyan ng pagkakataong kawawain ako no.
Tumigil sa paglalakad si Sixto.
“Ikaw lang ata yung masaya sa pagbabalik ko”, napangiwi ako at nauna nang maglakad papasok.
Pagdating namin sa mansion ay naabutan ko sa sala yung batang napulot kung saan ni Sixto. Naramdaman ko naman ang pagsunod saakin ni Sixto.
“Kuya!”, tawag nung binata kay Sixto pagkapasok nito. Tumakbo siya at masayang niyakap si Sixto. Kita rin ang saya sa mga mata ni Sixto nang makita ang binata, mukhang tinuturing niya talagang kapatid ang lalaking ito.
“Tapos na ba yung mission mo kuya? Hindi ka na ba aalis dito? Kuya ayoko na doon sa school na pinapasukan ko, masasama ugali ng mga tao doon—”
Sunod sunod yung sinasabi niya kaya tinakpan ni Sixto yung bibig niya para tumigil. Sixto cleared his throat.
“Paumanhin Miss Alicia”, yumuko siya sa harapan ko at pinilit niya rin payukuin yung binate sa tabi niya.
“Ito nga po pala ang kapatid kong si Zachary, pasensya na po kung pinatira ko siya dito nang hindi niyo nalalaman”
“It’s fine”, I motioned my hand for them to stop bowing at me and stand up straight instead.
Tinalikuran ko sila at naglakad patungo sa hagdan.
“It’s fine daw pero halos paalisin niya ako dito noong una niya akong nakita”, rinig kong sumbong nung lalaki kay Sixto pero binalewala ko lang siya at tuluyan nang umakyat sa kwarto ko. Nagshower ako at nagbihis ng pantulog, pagkatapos ay nilabas ko ang paborito kong wine at pumwesto sa study table ko. Binuksan ko yung folder na binigay saakin ni Clive at inaral ito, dahil tatanggapin ko yung kaso. Well, I’m really going to take the case in the first place.
Payapa akong umiinom ng wine sa garden habang maganda ang sikat ng araw nang biglang may masamang espiritu na dumating sa mansion. Nakacrossed ako habang nakatingin pa rin sa mga halaman at hindi pinapansin ang presensya ng lola ko na umupo sa gilid ko.
“My granddaughter is already home, but you didn’t even bother to visit me?”, naglapag ng wine glass yung isang katulong at sinalinan siya ng wine kaya napairap ako sa isip isip ko. Mukha ba akong bibisita sa kanya, alam ko naman parehas naming ayaw makita ang isa’t isa pero bakit ba nitong nakaraan gustong gusto niya ako makausap.
“Inuna mo pa bisitahin yung lalaking inabanduna ka noong kailangan mo siya”, she scoffed as she drinks the wine. Nanatili akong tahimik kahit sa loob loob ko para na akong sasabog. Kailangan niya ba talagang sabihin yun.
“Obviously he’s just using you to accomplish a case that will please the council, don’t be fool my dear granddaughter”, she said mocking me. Wala na talaga siyang magandang sinabi saakin. Lumingon ako sa kanya at malamig siyang tinignan.
“Too bad, I already accepted the case, not to please anyone but to piss off someone”, I smirk the drink of my wine. Nawala na tuloy yung sarap noong wine dahil sa pinagsasabi niya. This is supposed to be a good day, the sun is bright, the weather is good but thanks to my grandmother, my day is already ruined.
She chuckled.
“I knew you’ll do that but I’m sorry to tell you, whatever your decision is I don’t care. Ikaw naman ang masasaktan diyan sa pinaggagawa mo. Anyway, I’m here to remind you to visit me at my office later.”
Tumayo siya at sinuot ng alalay niya yung cardigan niya.
“Don’t make me repeat myself Alicia if you don’t want me to get in your way while you’re here”, masamang tingin ang pinukol niya saakin pero agad niya dun yun pinalitan ng isang pekeng ngiti. Hindi ko maiwasang mapakuyom sa inis dahil sa pinagsasabi saakin ng lola ko. Parehas lang naman sila ni Clive na may kailangan saakin kaya nila ako hinahanap tsk.
“Anong sabi ni Madame Anna?”
Napalingon ako kay Sixto na kakarating lang. Nagkibit balikat lang ako at inubos yung wine ko.
“Prepare the car, magbibihis na ako”, nilagpasan ko si Sixto at pumasok sa loob para magbihis na. Pinili ko ang pink pastel na dress ko at yung pink na royal coat ko. Malamig din kasi dito kaya karamihan ng mga tao dito ay nakacoat lalo na yung hindi naman vampire.
Pagdating ko sa baba ay naabutan ko si Sixto na nakasandal sa kotse habang naghihintay, nang makita niya ako ay napatayo siya ng maayos at pinagbuksan ako ng pinto. Nakatingin lang ako sa labas habang nagda-drive si Sixto.
“Are you really taking the case?”
Napalingon ako kay Sixto sa tanong niya.
“Why is everybody asking me that?”, napangalumbaba ako.
“I heard it’s a big case”, dahil nagtrabaho siya sa secret service unit, malamang nakasagap siya ng chismis tungkol sa case na ito.
“And that makes it more interesting”
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa headquarters ng SSU, hindi katulad noong unang punta ko rito, wala nang humarang saakin at dire-diretso kaming pumunta sa office ni Clive since wala naman siyang meeting. Sinamahan kami ng secretary niya at pagpasok namin ay napalingon siya saamin. Meron pa siyang kausap sa phone niya kaya, pinaupo muna kami ng secretary niya. Pagkatapos niya makipag usap ay lumapit siya saamin. Napalingon siya kay Sixto bago napatingin saakin.
“Mr. Alexander Sanchez, you’re here”, he looked surprise to see Sixto here. Nagbow sa kanya si Sixto bilang respeto dahil mas mataas ang ranggo ni Clive sa kanya.
“He’s my driver s***h semi bodyguard”, casula kong sabi na mas ikinagulat ni Clive, samantalang si Sixto ay tahimik lang sa tabi ko.
“You gave up working here….. to be a driver”, hinarap ko si Clive dahil halatang hindi siya makapaniwala at may halong dismaya sa mukha niya. I guess Sixto must be a really good agent that’s why he was so disappointed when he quit. Sa totoo lang hindi ko rin alam bakit nagquit si Sixto, okay lang naman saakin kung magpapatuloy siya dito sa SSU pero sabi niya ayaw niya na raw. Hindi naman akong chismosa kaya pinabayaan ko na lang siya.
“that’s what you called loyalty” , sagot ko muli habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Clive.
Wala ka kasi nun Clive.
Mukhang natahimik naman siya dahil sa sinabi ko.
“Anyway, I didn’t come here so we could talk about Sixto. I’m here to tell you that I’m accepting the case.”
------