“I’ll update you after our meeting”
Tumayo kami parehas ni Clive at inabot niya ang kanang kamay niya saakin na sa loob loob ko ay ikinabigla ko.
“Thank you for accepting the case, Miss Alicia”
Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito pero sa huli ay nakipagkamay din ako sa kanya. Si Sixto ang naunang nagpunta sa pinto para pagbuksan ako at parehas kaming lumabas na ng headquarters ng SSU. Pagkatapos ng meeting namin ni Clive, gaya ng sinabi ng aking lola ay dumiretso ako sa office niya.
“I don’t understand why you want to see me so badly”, sabi ko habang ang dalawang kamay ko ay nasa likod ko at tinitignan yung mga libro niya. Obvious, naman na ayaw namin sa isa’t isa pero bakit ba gustong gusto niya akong makita.
“Can you please take a sit”
Humarap ako sa kanya kung saan ang kamay niya ay nakaturo sa upuan.
“Hindi naman ako magtatagal”
Baka wala pa ngang sampung minuto ay umalis na rin ako dito. Napabuntong hininga siya at umuuling na umupo sa swivel chair niya.
“Siguro naman alam mo na yung balita tungkol sa pagdating ng anak ng chancellor”
Tinaas ko ang dalawa ko kilay habang bored na tinitignan ang mga kuko ko, sana pala nagpa-nail polish muna ako bago umalis.
“Medyo nagkakaroon ng commotion regarding that matter at hati ang opinion ng mga founding families”
Syempre lahat naman big deal sa lugar na ito, walang bago doon. Alam ko na kung saan ito patungo, gusto na nila maghalal ng bagong Chancellor dahil wala silang tiwala doon sa biglaang pagsulpot ng anak ng Chancellor.
“Malapit na rin ang pagpili ng mga bagong representative ng mga founding families and I want you to be our representative.”
Napaangat ako ng tingin at kilay sa sinabi ni Lady Anna. May sakit ba siya? Ako gagawin niya representative ng pamilya? Onti na nga lang isusuka na niya ako sa pamilyang ito tapos gusto niya na ako ngayon maging representative.
“Why me? Ang laki ng angkan natin, ang daming choices”
Kaya most influential ang pamilya namin kasi kami ang pinakamarami sa founding families. Ang structure sa pamilya dito, meron kaming tinatawag na 1st generation, 2nd generation 3rd generation and so on. Ang mga 1st gen at 2nd gen sila yung majority na original royals, meron din naman sa 3rd gen na original royals katulad sa pamilya ng mga Royceston. Original royals yung mga tao na sumailalim sa spell ni Amanda para maging immortal tapos ginamit silang weapon sa war ni Amanda laban sa kapatid niyang si Cleopatra kaso hindi lahat ng tao sa tribe ay sumailalim sa spell, they spared those who are 13 years old under. Pagkatapos ng war, marami ring royals lalo na galing sa 1st gen ang namatay dahil alam na rin pala Cleopatra ang tungkol dito. Yung mga batang na-spare at mortal pa rin ay hindi nila agad ginawang vampire, hinayaan nilang lumaki ang mga ito ay makapag asawa para dumami pa ang lahi namin, pagkatapos nila magkaroon ng anak doon na nila sila pinainom ng dugo galing sa mga royals at pinatay para maging vampires na rin. Isa rin yun sa mga sikreto bakit dumarami pa rin ang founding families. Kaya marami ang mga Blaunche kasi yung 2nd gen nila ay lagpas sampu ata at lahat sila ay pakalat kalat sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kahit mga immortal at malalakas ang mga original royals minsan napapatay pa rin sila lalo na during war kasi pilit na gumagawa ang mga kalaban lalo na ang mga witch ng bagay makakapatay sa kanila o saamin.
“Two of my eldest brothers died during the war so that makes me the eldest among the Blaunche family kaya dapat lang na ang anak ng anak ko ang maging representative natin”
Ang mga magulang ko ay parehas na 3rd gen which means hindi sila parte ng original royals na nag-undergo sa spell ni Amanda, they were just the product and after I was born, they immediately turned them into vampire. Usually, lalaki unang nagtatransition after malaman na nakabuntis na sila pwede na sila magdecide na maging vampire pero sa mga babae kailangan muna nilang manganak. Tapos kapag 18 ka na pwede ka na magdesisyon kung gusto mo bang maging vampire agad o gusto mo pa magreproduce.
Matagal ang oras na binibigay saamin para mag-isip kasi yung iba gusto na lang maging tao at mamuhay ng simple, yung iba naman na gusto mamuno at gusto maupo sa pwesto dito sa Palace gusto na agad maging vampire at ayaw mag-anak. Pero sa sitwasyon ko gusto ko na maputol ang bloodline ng mga Blaunche kaya hinding hindi ako mag-aanak at gusto ko na agad maging vampire to have a power. Since desidido na ako bata pa lang ako, pagkatuntong ko ng 18 sinabi ko na agad na gusto ko na maging vampire pero tutol ang lola at tatay ko kasi syempre saakin mapuputol ang bloodline though I can turn many people as I want pero di pa rin daw considered as family yun kasi hindi sila pinanganak mismo, sila ay sire ko lang. Kaya noong 19 years old ako doon ako naging ganap na vampire, taon kung saan natanggap na nila na wala talaga ako balak mag-anak kaya tantanan na nila ako. Ayoko nga sa pamilyang ito tapos ipagpapatuloy ko pa ang bloodline nila, hindi namna ako baliw para gawin yun.
“I’m sorry but I have to decline that offer”
Mariin na napapikit si Lady Anna at halatang nagpipigil na siya ng inis.
“When will you listen, Alicia? This isn’t about you anymore; this is about the family! Your responsibility to this family.”
I’m so sick of hearing the word family, especially since this isn’t exactly one.
“I don’t actually care about this family, if this is what you call it”
Naglakad na ako patungo sa pinto, handa na lumabas ng muli siyang magsalita.
“Mark my word Alica, I will make you the representative of this family whether you like it or not”
Umiiling akong lumabas ng office niya. Habang naglalakad ako sa hallway ay marami akong nakitang pamilyar na mukha pero wala naman silang pake saakin kaya hindi nila ako binabati at ganoon din ako sa kanila. Sumakay ako sa kotse namin kung saan naghihintay na dito si Sixto.
“Let’s go to the lake, but bring some wine first”
The thing about here in the Realm, karamihan ng wine nila may halong dugon a. Hinahalo nila yung dugo sa mga inumin namin para naman daw sophisticated or may class man lang habang nainom kami ng dugo, ayon saakin.
Pagdating namin sa lake ay pinagbuksan ako ni Sixto ng pinto at humanap kami ng pwesto na mauupuan. Habang nakaupo ay dinama ko ang hangin and the sound of nature. Gusto ko talaga sa mga ganitong lugar kasi tahimik tapos puro puno lang at walang tao.
“Why did you actually take the case?”
Napalingon ako kay Sixto na nagsasalin ng wine sa baso.
“I just feel like doing it.”
Kinuha ko yung nasalinan na niya at ininom ito.
“or because Clive asked you to do it”
Alam ni Sixto yung history namin ni Clive because all throughout he was there. Katulad ng sabi ko, pinalaki siya para protektahan ako and I really do commend his loyalty to my family especially to me. Lalo na noong nakulong ako sa temple siya lang ang bumisita saakin at nagsundo saakin nang makalaya na ako doon.
“Clive was part of the reason why; another reason is Lady Anna and gusto ko lang din talaga gawin”
Walang rason para magsinungalin kay Sixto kasi alam na naman niya iyan.
“Lady Anna told me na ako raw ang gagawin niyang representative ng pamilya. Does that even make sense? I’m the weirdest among the family”
Majority of my family are involved in politics, well lahat naman talaga ng member ng founding families involved dito. Most of them are all around the world kasi hindi lang naman dito sa Pilipinas may royals, some of them build different organization in different countries. Pero syempre meron pa ring 5% sa pamilya ang walang pake sa mga kaganapan nila katulad ko at iba pang umalis sa
Realm at piniling mamuhay ng tahimik. Lagi na lang kasing may gulo dito sa Royal Realm, hindi nauubos ang mga kaaway namin.
Gagawa at gagawa sila ng paraan para pabagsakin ang mga royals.
“I understand her. Ever since you’re young, you’ve been trained for this. You’re strong and smart”
“And gorgeous--- oh wait no, and perfect”, dagdag ko na ikinangiti lang ni Sixto.
“You know what I’ve been through with this family, I have so many cousins who could take that position—”
“But they are not as competent as you—I mean those who are competent already have a position.”
Bakit parang pabor siya na maging representative ako ng pamilyang ito, alam naman niyang ayaw ko dito.
“I’m sure the whole family is against it, so why is that old Anna still pushing me to do this”
Nobody likes me in our family, I’m like the outcast here. Whenever we have gatherings, its either I’m at my room or I’m alone watching them have fun. Some of my cousins and older ones tried to talk to me but there’s never a group in our family that I belong.
“I don’t even have connections, I only have what, 5 friends? You, Zion and probably I'll count, Juliana, Eloise, and Gavin in.”
Connection is important in our family especially if you are going to have a position in the palace. I mean marami akong kilala pero hindi sila yung tipo ng tao na komportable akong hingian ng pabor kasi una sa lahat ayokong nagkakaroon ng utang na loob.
“Who’s Zion? Is he a guy?”
Muling nagsalin ng wine si Sixto sa mga baso namin.
“Yep, Z is my friend at the prodigy”
Parehas kaming masama ang ugali kaya nagkakasundo kami, tama nga ang kasabihang, birds of the same feather flock together.
“How about the girl named Jessica? Yung nakilala ko noong binisita kita last Christmas”
Napapailing na lang ako kapag naririnig ko ang pangalan ng babaeng iyon, akala ko rin kaibigan ko siya pero it turns out na ginagamit niya lang ako para ipagkalat na meron siyang isang royal na friend na parte pa ng founding families.
“Please, I don’t want to hear that name anymore and she is not my friend, she is just someone I knew and I wished I haven’t known.”
Nilapag ko ang baso ko nang maubos ko na ito, akmang lalagyan pa sana ito ni Sixto ulit pero sinenyasan ko na siya na huwag na.
“Enough with me, let’s talk about you. Aren’t you going back to SSU? You seem to be doing a great job there”
Hindi madaling makapasok sa SSU kasi mataas ang standard nila unlike sa security or army dito sa Realm. Kailangan magaling ka talaga at nakapag-render ka ng tatlong taong serbisyo sa army.
“You’re here now so what’s the point on working there. Kaya lang naman ako sumali doon para may magawa kasi ayaw mong sundan kita sa labas ng Realm”
Si Sixto ang tunay na depinisyon ko ng kaibigan at ng loyalty, he’s been there through thick and thin. So, if he betrayed me that would be like the second most painful thing that will happen to me, next to the death of my mother. I trust him 99%, of course we’ll always leave 1% of doubt.
“Sixto, you’ve done more than enough. I know you promised to protect me but if you would like to resign as my bodyguard, or leave our family, I will willingly and wholeheartedly let you go as long as you’re happy. You can even try to have your own family, marry a mundane and have a child or adopt one, I’m not sure how it works.”
Kahit naman ganito ako marunong akong maka-appreciate ng tao.
“You know I never wanted to have a child. Hindi naging maganda ang experience ko sa tatay ko kaya hindi ako sigurado kung deserving ba ako maging tatay kasi hindi ko alam paano ko siya tuturuan maging mabuting tao”
I scoffed. Hindi ko siya masisisi kasi parehas kami ng pinagdaanan, our parents are tough to us. Hindi ko alam kung matuturing ba iyong tough love kasi parang wala naman kami masyadong naramdamang pagmamahal sa pamilyang ito, puro sama lang ng loob. They don’t tolerate weakness. Bihira nga lang kaming makapaglaro ni Sixto sa isang taon kasi lagi kaming nag-aaral at nagsasanay.
“Pero kahit na ganoon ang dinanas mo, you grew up a good person”
Napatingin naman siya saakin kaya nginitian ko siya.
“It’s because I need to be a good person for you”
------