
Siguro nga ay kinaiinggitan si Amber Vilacosta ng maraming kababaihan at hinahangaan ng maraming kalalakihan dahil isa siya sa may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz. Siguro nga ay lagi siyang nakangiti sa camera at inaakala ng marami na perpekto na ang kanyang buhay, ngunit sa likod ng ngiting iyon ay nagtatago ang lungkot ng pagkatao. People only love her for her achievements and looks and her father never loved her. Hanggang ang lungkot ng buhay niya ay nadagdagan ng takot nang siya ay makidnap! She’s afraid to death, pero ang takot niyang iyon ay dagling naglaho nang matameme siya sa kanyang abductor. The man has the sexiest voice she ever heard, and even he has his fiery eyes, she knew that he was gentle and always lonely on the side. The rough and rugged man whose name is Raiden was longing for love, naramdaman niya iyon nang marubdob siyang nakipaghalikan sa lalaking dapat ay kinatatakutan niya. Pero paano nga siya matatakot dito kung dito siya nakaramdam ng tunay na kalayaan at kapayapaan? Kailangan niya bang ipagpatuloy ang hibang na pagtingin lalo na’t hindi niya alam kung ano ang totoong pakay nito sa kanya?
