Pinagmasdan ni Ellah ang hitsura nila sa media nang gabing dumating sila. Nakaukit ang pagod sa kaniyang mukha hanggang sa pag-uwi; samantala, kitang-kita sa hitsura ng lalaking kasama sa harap ng telebisyon ang pigil nitong galit dahil sa sabay-sabay na pagbagsak ng mga negosyo nito. Ang pinagtataka lang niya ay kung bakit walang nakakaalam sa paligid o mismong media na nawala siya pati ang kaniyang ama. Isa rin ba ito sa kapangyarihan ni Cuhen—ang kontrolin bawat tao sa paligid? Iniwan siya ni Kleve sa mansiyon nito sa Tagaytay. Pinasamahan pa siya ng halos labinlimang bodyguard para masigurado ang kaniyang kaligtasan. Inayos nito nang personal ang mga negosyong bumagsak sa Manila. Nagpasiya siyang matulog at ipahinga ang pagod at dala-dalang problema. Mga tatlong oras din siyang natulo

