“Sabay-sabay na bumagsak ang Vergan’s Hospitals pati na ang Vergan’s Pharmaceuticals. Malaking pagsubok ang kinahaharap ni Doc. Kleve Vergan, maraming pamilya ang naapektuhan, at malaking dagok ito para sa mga taong nagtratrabaho sa kaniya.” Pinatay ni Cuhen ang malaking telebisyon at pinaikot-ikot sa kamay ang remote. Nasa loob siya ng kaniyang opisina, at ilang sandali pa ay nag-ring ang cell phone niya. Kinuha niya iyon at nakitang si Herrence. That f*****g asshole! May kasalanan ito sa kaniya, at kating-kati siyang gilitan ang leeg nito. “What?” asik niya nang pindutin ang loudspeaker button. “Chill, pare!” Tumawa ito sa kabilang linya, pero hindi niya iyon ikinatawa. Kung hindi lang niya ito matalik na kaibigan ay matagal niya na itong pinatay. “Last time you bothered me, she ran

