Sandaling natigilan si Ellah nang makita niya ang kabuuan ng isla—maganda pero nababalot ng misteryo. Naramdaman niya ang pagtayo ng mga balahibo sa kaniyang katawan. Pagbaba nila ay sinalubong agad sila ng maraming armadong tao. Bahagyang yumukod ang mga ito sa kasama niyang doktor at nagsalita ng ibang lengguwahe para hindi niya siguro maintindihan. Napakapit siya sa braso ni Kleve at biglang nakaramdam ng kakaibang takot. Hindi pa rin ito gaanong maayos, pero kaya na nitong tumayo. Ang soft-spoken at tila anghel na laging nakatunghay sa kaniya ay biglang tumigas at nag-iba ang kislap ng mga mata. “No, I won’t let him. Pinagbigyan ko lang siyang bugbugin ako but not this time,” hindi mapigilang sagot nito sa lalaking may malaking tatto sa kabilang braso. Nakasabit ang malaking armas s

