Nagising si Ellah nang may maramdamang palad na humaplos sa kaniyang pisngi. Namimigat ang mga matang nagmulat siya, at unang nasilayan niya ang lalaking totoong pumatay ng kaniyang ama. Awtomatikong nabuhay ang galit sa kaniyang sistema dahilan para bumangon siya. Bago pa niya ito masampal ay hinawakan na nito ang kaniyang pulsuhan at ipininid siya sa kamang kinahihigahan. “Bakit, Kleve? Bakit mo pinatay ang ama ko? Akala ko ikaw ang lalaking dapat kong pagkatiwalaan, pero mukhang nag-kamali ako ng taong sinamahan!” Pagod na pagod na siyang umiyak, at wala na siyang lakas para doon sa sandaling ito. Hindi ito umimik. Basta lang itong nakatitig sa kaniya, at nakaramdan siya ng takot sa mga titig nito ngayon—parang may pahiwatig. Ilang segundong katahimikan ang namutawi bago ito nagsalita

