Ang Pangalan Sa Puno Ng Talisay (Last Part)

1314 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- At laking gulat ko noong may nakita akong pangalan na nakaukit na sa blangkong linya sa ibaba ng kanyng pangalan. At nakapaloob pa ang dalawang pangalang ito sa hugis na puso. Inaninag kong mabuti kung hindi ba ako nagkamali sa aking nabasa. Inilapit ko pa ang aking mukha dito. "Rigor" at sa ibaba nito ay... "Ryan" "Pangalan ko ang nakaukit!" sigaw ko sa sarili. Lalo naman akong napahagulgol kasi, kung siya man ang umukit noon, anlaking panghinayang ko ngayong nawala na siya. Nasa ganoon akong pag-iiyak noong isang batang nasa 12 ang edad, may dalang pako at martilyo ang lumapit sa kinaroroonan ko. "Ako po si Nante. Kayo po ba si kuya Ryan?" tanong noong bata. "A-ako nga. Bakit?" "Ako po ang nagbabantay sa niyogan dito at may habilin po sa akin si kuya Rigor na kapag nakarating po kayo at nakita ang inukit niya, alam nyo na daw po ang ibig sabihin. At kapag nagustuhan daw po ninyo ang pagsulat sa pangalan nyo sa ibaba ng pangalan niya, ibaon daw po ninyo itong pako. Alam nyo na rin daw po kung saan" ang paliwanag noong bata sabay abot sa akin sa dala-dala ninyang martilyo at isang malaking pako. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Rigor noong inukit niya ito. "...upang malaman nating orihinal na tayo ang umukit ng mga pangalan natin, ibaon natin ang pako sa pinakahuling letra ng ating pangalan. Tiningnan ko uli ang pangalan kong inukit niya. Wala nga itong pako. Agad kong tinanggap ang pako at martilyo na iniabot sa akin ni Nante atsaka tiningnan muli ang mga pangalan naming nakapaloob sa isang hugis na puso. Binasa ko ito. "Rigor... Ryan..." atsaka dahan-dahang itinutok ang dulo ng pako sa gitna ng letrang "N" sa pangalan ko atsaka pinukpok nang pinukpok ang ulo nito hanggang sa tuluyan nang mabaon. "May sulat po pala si kuya Rigor para sa iyo." Sabay abot naman ni Nante sa sulat. Noong nasa kamay ko na ang sulat, kinuha ni Nante sa kamay ko ang martilyo at nagtatakbo nang umalis. Napako ako sa kinatatayuan sa bilis ng mga pangyayari. Sinundan ng aking mga mata ang lumalayong si Nante hanggang sa hindi na siya naaabot pa ng aking paningin. Noong mapag-isa na, ibinaling ko ang mga mata ko sa sulat na hawak-hawak. Dali-dali kong binuksan ito. "Tol... Pasensya na kung sa ganitong paraan hahantong ang buhay ko. Hindi ko na nakayanan ang hirap at pasakit na pasan-pasan ko kaya minabuting ganito na lang ang gagawin ko. Hindi ko na kaya tol; hirap na hirap na ako... Sa sulat na ito ay may isang importanteng bagay akong aaminin. Mahal kita. Kung naalala mo noong sinulatan mo ako na may girl friend ka na at hindi na ako sumulat pa sa iyo, ito ay dahil nasaktan ako. Naisip kong wala na akong halaga pa para sa iyo. Naawa ako sa sarili at pinilit kong kinalimutan ka. Ngunit hindi ka mabura-bura sa isip ko. Bata pa lang tayo, tol, naramdaman ko na ito para sa iyo. Ngunit natakot akong ibunyag ito sa kadahilanang baka itakwil mo ako, pagtawanan. Una kitang napansin noong tinitigan mo ako habang nag-aaral ka sa likod ng school building at nagkatuwaan kaming mga barkada. Halos matunaw ako sa mga titig mo. Simula noon, hindi na maalis-alis sa isip ko ang titig mong iyon. Ngunit mailap ka... hanggang sa nakita kitang naligo at nalunod sa ilog habang nasa itaas ako ng puno ng niyog. Naisalba kita... Noong magkalayo tayo at magkita muli sa Maynila, hiyang-hiya ako sa sarili noong nalaman mo ang lihim ko at lalo na noong maramdaman kong parang may pandidiri ka sa akin. Nasaktan ako. At lalo akong nasaktan noong si Dindo ang kinuha mong magbigay ng aliw sa iyo at inakusahan mo pa akong pera lang ang dahilan... Noong una tayong mag s*x, alam mo bang hindi ako nagpapatira sa puwet? Sa iyo lang. Tiniis ko ang sakit dahil mahal kita... Iyon ang pinakauna ko, tol. Ikaw ang nakauna sa akin sa parteng iyon. Ngunit nagsisi din ako dahil napag-alaman kong HIV-positive ako at wala ka pang proteksyon. Sorry tol... Hindi ko na talaga makayanan ang bigat na dinadala ko. Hiyang-hiya na ako sa mga tao. Hiyang-hiya na ako sa iyo. At dahil wala rin namang patutunguhan ang buhay ko, kaya heto... umalis sa Maynila at piniling ditto ko wakasan ang buhay ko, sa lugar kung saan natin sinimulan ang ating pagiging magkaibigan. Oo nga pala, Alam mo ba kung ano ang hinihiling ko kapag kinakanta ko ang kantang itinuro mo sa akin? Ah... huwag na lang. Kasi, wala na ring silbi ito. Paalam tol. Sana hindi ka magagalit sa akin..." Nahinto ko ang aking pagbasa gawa nang pagdaloy na naman ng mga luha ko sa aking mg mata. Pinahid ko ang mga ito at pagkatapos, ipinagpatuloy ang pagbasa sa huling linya ng sulat niya. "May isa pa pala akong hiling, sana ay paunlakan mo. Puwede bang humarap ka sa kubo...?" Parang may biglang sumundot na kung anong bagay na nakakagulat ang huling parte ng sulat niyang iyon. Baka kasi may isang importanteng bagay pa siyang inihabilin. Humarap ako kaagad sa kubo. At laking pagkamangha ko noong ang tumambad sa mga mata ko ay si... "Rigor! Ikaw ba yan?!!!!" Ang sigaw ko. Hawak-hawak ang gitara niya, kinaskas niya ito at kumanta – Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako Naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin Alam kong di mo makita, narito lang ako Hinihintay lagi kita, umaasa kahit di man ngayon Hahanapin mo rin, hahanapin din Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako Baka t***k ng puso ko'y maging t***k ng puso mo Sana nga'y mangyari 'yon, kahit di pa lang ngayon Sana ay mahalin mo rin, pagdating ng panahon Alam kong hindi mo alam, narito lang ako Maghihintay kahit kailang, nangangarap kahit di man ngayon Mamahalin mo rin, mamahalin mo rin Di pa siguro bukas, di pa rin ngayon Malay mo balang araw, dumating din iyon Nagtatakbong nilapitan ko kaagad siya, nagyakapan kami habang walang humpay ang pagdaloy ng aking luha. "Huwag ka nang umiyak. Lintek na..." sabi niya. "Pinaiyak mo ako e! Hindi totoo ang sinabi ni Dindo at sa sulat mo na HIV-positive ka?" "Hindi ah... Malinis ito. Sa iyo lang ako pumayag ng walang condom." "Tinakot mo pa ako! At pinagbiyahe pa papunta dito!" ang pagmamaktol ko. "Gusto ko lang umuwi tayo upang dito sa malaking puno ng talisay, magsimula tayo, magsumpaan na magmahalan, at hindi na maghiwalay pa. Ipangako natin iyan sa harap ng puno ng talisay na ito." Syempre, sobrang saya ko sa narinig. "P-pangako Rigor..." ang naisagot ko. At muli kaming nagyakapan. "P-paano na pala ang ka live-in mo?" Na ikinagulat niya. "K-ka live-in? Sino nagsabi sa iyo?" "Di ba hindi ka pumayag na doon tumira sa akin?" "Nahiya lang ako sa iyo. Ngunit kung nagpumilit ka talaga, bibigay ako. Kaso ayaw mo yata e..." biro niya. Napangiti na lang ako sa narinig. Akmang hahalikan ko na sana siya sabibignoong, "D-doon tayo sa loob ng bahay kubo..." bulong niya. At sa loob ng bahay-kubo, naulit muli ang aming pagniniig. Tila mga batang paslit kaming gutom na gutom at uhaw na uhaw sa isa't-isa. Nag-aalab ang aming pagnanasa, puno ng pananabik, puno ng pagmamahal. Ngayon, nagsama na kami ni Rigor sa nirentahan kong apartment sa Manila. Tuluyan na rin niyang iniwanan ang pagko-callbay. At dahil med'yo mataas naman ang katungkulan ko sa aming kumpanya, ipinapasok ko si Rigor bilang isang filing clerk sa aking opisina. Alam kong hindi perpekto ang buhay. Alam kong sa darating na mga panahon, marami pang pagsubok ang aming haharapin. Ngunit gaano man kamapaglaro ang tadhana, habang pinaghahawakan namin ang pangako sa isa't-isa na hindi bibitiw at matatag naming panidigan ito, walang ano mang dagok o pagsubok ang hindi namin kayang malampasan. Wakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD