Ang Muling Paglisan

1353 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- At dahil hindi ko nga naman boyfriend iyong tao hindi puwedeng gawin namin iyon. At hindi ko rin pwedeng alukin siyang kunin ko ang kanyang serbisyo... Parang ang sagwa kasi. Simula kasi noong magbalik ang magandang samahan namin, pakiramdam ko, wholesome lang ang turing niya sa akin, wala nang iba. Platonic baga. Hindi kasi siya nagparamdam na hayan puwede kami... Di ba kapag ganyan ang trabaho, dapat alam niya kung paano mang-akit. Alam niya kung ano ang gagawin upang maengganyo niya ang taong malunod sa batis ng kanyang patibong. Ngunit wala... Iyon sana ang hinihintay ko; ang landiin niya ako, tsansingan. Wala talaga. At kaya parang hindi ko rin ma-imagine ang sarili na m************k sa isang "kaibigan" na ako lang ang nasasarapan... baka iyon pa ang magiging mitsa ng paglayo muli ng aming loob. Kaya para sa akin, mas maiging makipag s*x ako sa isang bayaran kaysa isang taong ayaw kong mawala sa buhay ko... Isang araw, nag-inuman kami sa terrace ng apartment, dating gawi. At marahil dahil sa lasing na, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipalabas ang itinatagong sama ng loob. Sinumbatan niya ako. "Nandito pala si Dindo kagabi?" tanong niya, ang mga mata ay nakatutok sa mukha ako. "O-oo. Bakit?" ang gulat kong sagot. "Sana, kung aliw lang ang pag-uusapan, bakit siya pa? Nandito naman ako." Mistula akong binatukan sa narinig, napatingin sa mukha niya. "M-magkaibigan tayo Rigor. Magbest friends. N-nagyayarian ba ang magbest friends?" ang naisagot ko. Na sinagot naman niya ng, "Bakit hindi? Kung ano ang pwedeng ibigay ng ibang lalaki sa iyo, kaya ko ring ibigay. Wala namang problema sa akin e. Bakit sya pa ang kinuha mo? Hindi ka ba nasarapan sa serbisyo ko?" Hindi ko alam kung mainsulto o maawa sa kanya. Syempre, pera kaagad ang nasa isip kong dahilan kung bakit nagagalit siya. "K-kung pera lang ang dahilan Rigor... hindi mo naman kailangang makipagsex sa akin e. Bibigyan kita hanggang sa makakaya ko dahil kaibigan kita." Ang naisagot ko. Ngunit ang sagot ko palang iyon ang lalong magpasama ng kanyang loob. "Ang hirap sa iyo, hinuhusgahan mo kaagad ang hangarin ko eh. Kung ibang tao ang nagsasalita sa akin ng ganyan, hindi ako masasaktan kasi, hindi nila ako kilala at totoong pera lang naman ang habol ko sa kanila. Ngunit ikaw... lalo mong pinababa ang pagkatao ko. Ganyan ka na ba ngayon? Porket may pera ka, may magandang trabaho, nabibili ang luho... ang tingin mo na sa akin ay mukhang pera na? Tanginang buhay to o! Bakit hindi mo na lang sabihin na nandidiri ka sa akin?" Sabay tayo at nagmamadaling tinumbok ang pintuan. Mistula akong nabilaukan sa narinig, hindi kaagad nakasgot. "B-bakit ka ba nagagalit?" ang tanong ko. Napahinto siya sa mismong pintuan, hawak-hawak pa ang door knob at matulis ang mga matang lumingon sa akin. "Hindi mo alaaaaammmm!!!!! P***** inaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!" bulyaw niya sabay labas ng kuwarto, hinambalos pa ang pagsara pintuan. Dali-dali ko siyang hinabol hanggang sa labas ng bahay. Ngunit mabilis itong nakasakay ng taxi. Iyon ang huli naming pagkikita ni Rigor. Masama ang loob ko dahil nasaktan ko ang kanyang kalooban. Hindi ko naisip na masakit pala ang binitiwan kong salita. Tinawagan ko siya sa kanyang cp, ngunit wala na itong contact. Tinanong ko siya kay Dindo ngunit ang tugon lang daw nito sa kanya ay huwag ibigay ang kanyang bagong numero at address kung saan na siya nakatira. Hindi na ako mapakali. Naitanong ko tuloy sa sarili kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa akin at kung ganoon na ba talaga kalaki ang nagawa kong kasalanan upang hindi na siya magpakita pa sa akin. Tinawagan ko uli si Dindo at nakiusap na kahit gagawa na lang ako ng sulat para kay Rigor at iaabot na lang niya ito. Pumayag naman si Dindo. Kaya dali-dali kong isinulat sa isang papel ang mga paliwanag ko, at ang pagbunyag sa matagal ko nang itinatagong pgmamahal sa kanya. "Dear Rigor... gusto kong humingi ng paumanhin sa nasabi ko sa iyo. Maling-mali ako, hindi ko naisip na ginawa mo ang lahat ang bagay na iyan dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa iyong balikat. Napaka-selfish ko; wala akong iniisip kundi ang katayuan ko, nalimutan kong may isang best friend ako na may sariling buhay, na may sariling mga problemang pinapasan. Nalungkot ako dahil hindi ko nakita ang side ng buhay mo, na hinuhusgahan na kaagad kita. Ngayon ko lang narealize tol na napakabuti mong tao, napakabuti mong anak, napakabuti mong kapatid, na handa mong gawin ang lahat para sa kanila. Napakaswerte nila na nagkaroon ng mahal sa buhay na katulad mo. Napakaswerte ko na nagkaroon ng isang kaibigan na katulad mo. Kaya nga, idol talaga kita... Kaya nga ikaw ang nag-iisang hero ng buhay ko. Kaya nga... mahal kita. Totoo tol... mahal kita, simula noong bata pa lang tayo. Bago pa lang tayo nagkakilala, mahal na kita. Bago mo pa lang ako sinagip sa pagkalunod ko sa ilog, mahal na kita. Hindi ko lang masabi-sabi sa iyo ito tol... wala akong lakas na sabihin sa iyo ang lahat. Natatakot akong mawala ka kapag nalaman mong hindi lang pala pakikipagkaibigan ang turing ko sa iyo. Sana tol ay patawarin mo ako. Kahit hindi mo man ako mahalin, tanggap ko ito dahil sanay na ang puso ko eh... Sanay na masaktan, kuntento na akong pagmasdan ka, tanggap ko nang hindi ka magiging akin. Ngunit sana lang ay maibalik natin ang pagiging magbest friends natin. Iyan lang ang hiling ko tol. Sana ay mapatawad mo ako... Ryan." Ibinigay ko ang sulat ko na iyon kay Dindo sa pag-asang makarating ito kay Rigor. Subalit lumipas na lag ang isang linggo, hindi pa rin daw naibigay ni Dindo ang sulat. "Bakit? Nasaan ba si Rigor?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko nga alam e. Hindi na sumasagot sa text ko at wala na raw sa tinitirhan niya!" Nagulat naman ako sa narinig. At lalo akong nalungkot at kinabahan. Maraming naglalaro sa isip ko at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng guilt sa mga nasabi ko sa kanya. Naghintay ako ng isang linggo, dalawang linggo, hanggang sa hindi ko na natiis, nanawagan na ako sa radio, sa newspaper. Wala pa rin. Hanggang sa naisipan kong magpagawa ng malaking streamer at inilagay iyon sa harap ng building mismo ng dating tinutuluyan niya, may nakasulat, "Rigor, patawarin mo na ako. Hihintayin kita sa dati nating tagpuan, malapit sa mga daungan ng barkong patungong CorregidorIsland... Sabado, alas 6 ng gabi." Nghintay ako sa takdang oras. Ngunit alas 10 na ng gabi ay walang Rigor na sumipot. Lumipas pa ang dalawa linggo noong di inaasahang makatanggap ako ng tawag mula kay Dindo. "Ryan! May masamang nangyari kay Rigor! Nagpatiwakal daw ito sa ilog ninyo sa probinsya. Sumakay siya ng bangka, tinalian ng malaking bato ang leeg at tumalon. Kumuha ka ng flight ngayon din, baka sakaling maabutan mo pa ang paghahanap nila!" Sumikip ang dibdib ko noong marinig ang sinabing iyon ni Dindo. Parang hindi ako makahinga. "Ha??!!!" Sigaw ko. "Ano ba daw ang dahilan Dindo? Bakit niya ginawa iyon?!" "Na depressed daw ito dahil sa resulta ng pa-check up niya!" "B-bakit ano ba ang resulta?" "HIV-positive siya!" Para akong binagsakan ng ilang toneladang bato sa aking narinig. Sobrang awa ang naramdaman ko para sa kanya at may pangamba din ako para sa sarili. Syempre, nakatalik ko rin siya. Wala na akong sinayang pang oras. Dali-dali akong nag-inquire online sa pinakamalapit na flight pauwi ng probinsya. Walang humpay ang pagdaloy ng aking luha habang nasa himpapawid ang ang sinasakyan kong eroplano. Noong makalapag na ito sa mismong airport, dali-dali akong sumakay ng taxi. Mistulang hindi lumapat ang aking mga paa sa lupa habang nagtatakbo na ako deretso sa ilog kung saan din kami naglalagi ni Rigor noong mga bata pa kami. Ngunit walang katao-tao ang lugar. Sumagi sa isip na baka tapos na ang paghahanap nila sa kanyang labi. Aalis na sana ako upang tumbukin ang bahay nila noong masumpungan ko ang malaking puno ng talisay kung saan namin inukit ang aming mga pangalan na may kanya-kanyang blankong linya sa ibaba. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD