Chapter 7
Ang traidor niyang puso, bumigay ng hawakan siya ni Henry sa bewang at ipihit pabalik. “Mala-late na tayo Carrie,” bulong nito sa tenga niya.
Binitawan lang ang bewang niya ng makipag kamay sa magkakasal sa kanila.
Hawak pa nito ang kamay niya habang ikinakasal sila. “I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride.” And he did.
Hindi siya makapaniwalang nakalapat ang labi nito sa labi niya. Nakapaikot ang isang braso sa bewang niya, ang isang kamay masuyong nakahawak sa likod ng ulo niya.
Hindi iisipin ng makakakita na kasunduan lamang ang kasal na naganap.
Pumikit siya. Mali si Kaye. May hawak sa kanya si Henry, hawak ng binata ang puso niya. Nag-init ang pisngi niya matapos ang halik. “Congratulations,” bineso siya ni Brent.
Paglabas nila may nag-iintay na, na sasakyan. Pagkababa ng taxi nag paalam na siya sa dalawa, may pupuntahan siya. Magmumukmok lang naman siya sa hotel, mas maigi ng mag-gala siya
“Where is she going?” “Don’t know man. Bakit hindi mo tinanong ang asawa mo?” “Nevermind,” umiiling na pumasok sa hotel.
Tinawagan siya ng isa sa closest college friend niya ng makita nito ang post niyang view ng las vegas trip kagabi. Inaya siyang mag-meet up mamayang hapon. Dahil maaga pa mag gagala muna siya.
Kasalukuyan naka-duty pa ito sa fast food restaurant na pinagtatrabahuhan. Doon na rin siya nag-decide na mag lunch.
“Saan ka na nakaikot? tanong ni Tinay matapos ng matagal at mahigpit na yakapan nila. Sinabayan siyang mag-tanghalian. “Sa tabi tabi lang, ang ganda dito,” nilantakan niya ang burger.
“Heaven ‘to para sa ma-datung. Last week pala, one week na may tumugtog diyan na pianist at violinist.” Sinundan ng mata niya ang itinuturo nito.
“Alam ko na miss mo ‘yun.” Nakangusong tumango siya. “Hindi ka na talaga tumugtog after nung nang-yari?”
Umiling siya. “Busy na ‘ko sa work.” “May communication pa kayo ni maam?” “Oo naman.” “Tumutugtog pa siya sa mga hotel?” “Hindi na. Focus siya sa mga tsikiting niya.”
Nakabuntong hiningang sumandal sa upuan. “Isang beses ko lang kayo napanood ni ma’am Vanessa, pero nakaka-miss kayong tumugtog. Ang ganda ng jive ng piano mo at violin niya.”
“Sa mga hotel ‘yun,” tukoy niya sa piano. Inikutan siya ng mata. “Namilosopo pa.” Natawa siya.
“Sa kasal mo akong tutugtog ng wedding march mo, si ma’am Vanessa naman sa reception walk n’yo.” “Sira, wala ngang jowa.” “Hiwalay na kayo ni kuya in military uniform na hindi mo man lang naipakita ang mukha?” “Yup.”
“Last month ka lang nag-post na may jowa ka na ulit ah?” “Gano’n talaga. Ikaw? Hindi ka na nakipag balikan kay Marco?”
“Hindi na.” “Dalawang taon din kayo di’ba?” Tumango siya. “Bakit ba kayo nag break?” “Hindi nag-kasundo e.” “Sabagay, ganoon talaga,” tumayo na ito.
“Tapos na break ko. Ang bagal mo pa rin kumain.” “Ang bilis mo pa rin kumain, parang ‘di babae.” Nag beso sila. “Kita tayo mamaya.”
Pagdating ng hapon karay karay siya nito sa isang hotel. “Baliw, mahal dito,” nasa lounge area sila ng Ritz. Naupo na sila.
“Akong bahala. Baka sakaling ma-awake ko ang desire mo sa pagtugtog.” “Sira hindi na lang ako nagpe-perfrom pero natugtog pa din ako.”
“Basta, gusto ko mainggit ka.” “May jowa ka sa isa sa mga staff dito no,” hula niya. “I’ve change. Hindi na ‘ko ganoon.” “Talaga?” “Oo nga.”
“Hi!” naka ngiting pang boy next door na bati ni Brent. “Habit mo ba ‘yan? Maki seat in kahit madami namang bakante,” kunwaring pagtataray niya.
“Woah, this one is different. Magkakilala na tayo, asawa ka pa ng best friend ko.”
Pinandilatan niya ito, siya pa talaga ang nakalimot ng nakalagay sa pre-nup, ah.
“Si Tinay nga pala, kaibigan ko,” pag-iiba niya.
“It’s Cristina, Caridad,” pakiming pagtatama nito. “Cristina si Brent.” Nag-exchange ng plesantries ang dalawa. Ang akala niya nakalimutan na ni Tinay ang narinig kaka-pa-cute kay Brent.
“Wala pang three months kayong hiwalay ni Marco ah. Nagloko ka?” Pinanlakihan niya ‘to ng mata. “Gaga, hindi.”
Maaga silang nag-dinner libre ni Brent. Uminom sila sa bar ng hotel pag-kakain. Hindi pa nakuntento ang dalawa’t itinuloy pa ang inuman sa hotel room ni Brent sa Encore. The night is young pa daw kasi. Plus, celebration daw ng kasal niya. Letse.
“s**t,” mura niya ng malaglag siya sa higaan, lagapak ang balakang niya sa sahig. Naghaharutan kasi ang dalawa. Nahirapan siyang mai-upo ang sarili sa hilo. Tinamaan na siya.
Mas tinamaan pala ang dalawa na naghahalikan na ng torrid sa ibabaw ng kama. Nakalimutan na siya ng mga walanghiya.
Nahiya na siyang kumapit sa higaan para kumuha ng suporta para makatayo. Hila hila ang bag na gumapang siya hanggang sa may pader ng makakapitan. Naiihi ako.
Dalawa lang ang pinto ng kwarto, sigurado siyang banyo ‘tong binuksan niya. Matapos magbanyo hindi na siya lumingon o kaya nagpaalam sa dalawa, baka may makita siyang hindi dapat.
Nagsalubong ang kilay niya sa babaeng lumabas sa hotel room ni Brent. Umigting ang panga niya ng makilala ito. Nakatupi palabas ang harapang bahagi ng suot na skirt, lalong na-expose ang legs.
Kumatok siya kaninang mag-tatanghali sa kwarto nito para ayain sanang mag-lunch sa isa sa mga resto ng hotel. Nagbakasakali siya ngayong gabi baka bumalik na ito.
Kung bakit? Hindi niya alam.
Maybe, he feels like he owes it to her. Nagpakasal sila, it’s his obligation to dine her in a fine dining restaurant. He’s aware of the routine, wedding then reception. They should dine out even if it’s not a celebration. Hindi naman siya ganoon kasama.
Napailing siya, tapos ito ang makikita niya. Muntik muntikan ng matumba sa sobrang kalasingan. Kung hindi lang nakakapit sa doorknob humandusay na sa sahig. Idinikit ang katawan sa pader habang binabaybay ang daan pabalik sa hotel room.
Humakbang siya. Mental noting to cancel again his reservation.
“s**t!” nagmadali siyang lumapit. Napasubsob si Carrie ng bumukas ang pintong dinantayan nito sandali.
“You can have a rest in my room.” Hinigit niya si Carrie mula sa pag-alalay ng lalake.
“I am sorry man, I'll take her from here,” he firmly said, and fixed Carrie’s skirt. “Sa sobrang kalasingan mo naka taas na ‘yang skirt mo,” sermon niya. Yumuko ito bago ngumisi. “Hindi naman ah.”
“Do you know him?” tanong ng lalake.
Nginitian muna siya bago sumagot. “My Boss.” “I’m her husband.” Sabay na sambit nila.
“Nevermind,” bulalas ng lalake bago nag-tuloy lumabas ng pinto.
“Let me,” inagaw na ang paghahanap ng keycard sa bag, siya na rin ang nagbukas ng pinto. “Ooppss,” anito bago tumawa ng muntik ng masubsob kung hindi niya naagapan sa bewang. “Higaan, here i come!” ibinagsak padapa ang sarili sa kama.
“Phone ko,” ingit nito. Itinigil niya ang pagtatanggal ng sapatos at tinulungang ilabas ang tumutunog na cellphone sa nakasukbit pa ring bag.
“Hmm, o,” sagot nito sa kabilang linya. “Letse ka Brent! Ang sakit ng balakang ko. Ewan, kasalanan mo ‘to,” she paused. “Andito na ‘ko sa kama ko.”
“Dammit!” mura niya, badtrip na lumabas ng kwarto.
“Aghh,” daing niya ng magising. Sobrang sakit ng ulo niya, parang pinupukpok.
Wala akong matandaang pangalan ng mga pinag-iinom namin kagabi, basta ang alam ko alak. Naupo siya, nakaharap sa pader. Sinapo ang pumipintig na ulo.
Isang sapatos lang ang suot ko. Paano ba ako nakabalik? Wala siyang maalala sa sobrang kalasingan. Pinulot niya ang phone na nasa sahig.
Nanlaki ang mata niya ng mabasa ang oras. “s**t!!! Seven forty na! Baka iwan ako.” Alas otso ang checkout nila, hindi ko pa alam kung anong oras ang flight namin paalis. Dali dali siyang tumayo at pumasok sa banyo.
Akala ko madaling araw pa lang, walang makapasok na liwanag sa makapal ng kurtina. Lagot ako nito, ayaw pa naman niya ng late. “Masusungitan na naman ako,” gigil na bulalas niya.
“Aray,” daing niya sa naramdamang sakit sa balakang, parang napasaan. Nag-half bath lang siya. Sa sobrang pagmamadali hindi na niya ibinalabal ang tuwalya sa hubad na katawan basta ipinunas na lang at hinagis sa kama.
Hinila niya ang maleta sa paanan ng kama. Naglabas ng susuotin bago isinalampak na lang ang pinag hubaran. Mabilisan siyang nagbihis. Bumalik siya sa banyo, nag-suklay saka hinablot ang bag at cellphone sa toilet sink bago lumabas. Nagdarasal na sana hindi siya nito iniwan.
Tangina. Ilang ulit na mura niya sa sobrang paninikip ng pantalon. Nakita niya lahat. Lahat. Kanina pa siya nakaupo sa sofa, hinihintay itong magising.
Wala pa siyang maayos na tulog kaya nakaidlip siya. Nagising siya ng sumigaw ito. Nang tuluyang magising ang diwa niya hindi niya inakalang makikita itong hubo’t hubad. Hindi lang diwa ang nagising sa kanya. Niyuko niya ang sarili and silently cursed himself.
Hindi man lang siya napansin ni Carrie sa siwang ng nordic style partition wall ng kama at sofa. Nakadagdag sa pagtatago ng presensya niya ang nakasaradong kurtina ng glass wall.
Tumayo siya ng nakalabas na ito. Pulang pula ang leeg niya, sa biglaang pag surge ng dugo. Napamura na naman siya ng makita sa salamin ang namumukol na pantalon. Daig ko pa ang teenager. Tangina talaga.
Iika ikang bumalik siya sa sariling kwarto. I f*****g badly need a cold shower. I hope it will work.
Inaasahan na niya’ng nakasimangot na itong naiinip pagbaba niya. Wala siyang Henry Spencer na nakita. Nang mag-tanong siya sa front desk, hindi pa daw bumababa.
Tinawagan nila. Pababa na daw ito, at nasa kanya ang keycard ko. Ang tagal naman niya. Lagpas twenty something minutes na siyang naghihintay sa lobby.
"Tinanghali ka ng gising boss," tukoy niya sa basa nitong buhok. Hindi siya pinansin, ni hindi siya nilingon.
“Boss, pa’no napunta sa’yo keycard ko?” “You dropped it,” simpleng sagot nito, Mukhang mainit ang ulo kaya hindi na siya nag-follow up question pa, masaya na siyang nakaiwas siya sa penalty.
“Atleast, you’re smart,” anito, bago sumimsim sa tasa ng kape. Kasalukuyan silang nag-aagahan sa isang coffee shop sa loob ng airport.
“Pardon,” aniya ng malunok ang contraceptive pill. Nagsalubong ang kilay niya. Hindi mawari ang iniisip nito, itinatago ng shades ang mata. Na-deadma siya. Hindi na lang din siya nagtanong ulit.
Sinilip niya ang numero ng mga upuan, sa harap at likod. Nag-dalawang tingin siya sa hawak at sa numero. Magkatabi kami?
“Carrie, nakakaabala ka na,” sita ni Henry. Isinalpak niya ang carry-on bag sa bin bago naupo sa tabi nito.
Dahan-dahan niyang nilingon ang katabi. Nang masiguradong tulog ito pinagmasdan niya ang asawa. Surreal pa rin ang pakiramdam, na matawag itong asawa, kahit sa isip lang niya, kahit sa sarili lang niya. Masaya na siya.
Sa sakit ng ulo nakatulog siya.
“Akala ko mamaya pa kita susunduin?” bungad ni Vince ng pagbuksan sila ng gate. “Ayaw mo?” Niyakap siya ng mahigpit.
"I’ve miss you, Carrie.” Hindi pa nakuntento’t ilang beses na hinalikan ang bumbunan niya bago siya pinakawalan.
“Na-miss din kita, mokong.” Natural na malambing si Vince. Matapos mag-batian ang magkapatid pumasok na sila.
“Good thing you’re here already ate Carrie, we’ll have more time to practice,” anang pinsan nila Vince na taga Canada. Ngumiti siya. “I had an early flight.” Matapos makipag-kumustahan, nagpaalam siyang magpapakita muna kay lola.
“Ay, kalabaw!” bulalas niya ng may humawak sa bewang niya, ito na rin ang nag-tulak pabukas ng pinto ng kwarto no lola. Takang tiningala niya ito habang iginigiya siya papasok.
“Mga apo,” masayang tawag ng ginang. Nahihiyang ngumiti siya. Kitang kita ni lola na nakatanga ako sa apo niya.
“Hi lola,” unang nagmano si Henry, tangay pa rin siya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito sa bewang niya nag-mukha lang siyang nakipag holding hands.
Nahagip ng mata niya ang mapanuksong tingin ni Melba; Pilipinang caregiver ni lola. Inulit niyang alisin ang kamay ni Henry, this time nagtagumpay siya.
Nag-mano siya kay Lola Eva bago ito niyakap. “Na-miss kita, La,” magiliw nitong tinanggap ang yakap niya.
“Hindi halatang otsenta na La, parang seventy nine lang.” “Really, apo. Kutis seventy nine lang,” sakay naman nito.
“Oo naman, La, mukhang kaya mo pa ngang mag-tango sa birthday party mo.” “How i wish kung hindi lang ako inaatake ng rayuma.”
Kahit mag-o-otesenta na walang problema sa puso o sugar ang matanda. Osteoporosis at rayuma lang kaya mas madalas na nakaupo sa wheelchair.
Nag-catch up sila. Tungkol sa trabaho at pag-aasawa ang pulos tanong nito kay Henry. Maging siya natanong din.
“Di’ba apo nag propose na sa’yo ang boyfriend mo last year. Ano nga palang pangalan no’n,” pumitik pa ito sa hangin at tiningnan si Melba.
Matagal silang hindi nakapag video call ni lola Eva, ‘yun ang huling kwento niya sa tsikahan session nila.
“Si Marco,” si Melba. Humingi siya ng advice kay lola noong mga panahon na ’yon. “May pupuntahan na ba kaming kasal ni Lola sa Pilipinas ngayong taon?” si Melba ulit.
Bago pa siya makasagot malakas na tumikhim si Henry. “I don’t think so, that would be illegal according to the law,” sabi pa nito, tumalim ang mata sa kanya. Puno ng pagtatakang nabaling ang ulo ng dalawa dito.
“Break na po kami ni Marco, La. Sorry po, hindi ko na kayo na-update,” sansala niya, bago pa masundan ng tanong ang pagtataka nila sa sinabi ni Henry.
Kinunutan niya ito ng kilay. Ano bang ginagawa mo? Akala ko ba sikreto. Nakahalukipkip lang itong nakatingin sa kanya.
Naputol ang titigan nila ng mag-salita si Melba. “Ay, break na kayo ni professor,” nang-hihinayang na sabi nito. Nang sulyapan niya si Henry nakatingin ito sa sahig, tila malalim ang iniisip.
“Akala ko pa naman malalahian ka na ng genius,” biro ni Melba.
“Grabe siya.” Ka-biruan niya ito kaya no-offense sila. Para ma-iba ang topic, kinumusta niya ang kapatid nito’ng nagdo-doktor. Ang akala niya ma-o-out of place si Henry at lalabas na.
Habang nagkikipag kwentuhan siya ramdam niya ang mata ni Henry. Tahimik lang sa sinasandalang tokador. Lumabas lang ito ng kwarto ng lumabas na siya.
“Good morning,” bati niya ng maabutan si Henry nag-aagahan sa kusina.
“Morning,” balik bati nito. Katulad lang ng noon kapag nandito sila sa mansyon, babatiin niya ito kapag nagkasalubong sila o nag kasabay sa kusina, magbabalik ito ng bati tapos katahimikan na.
Kumuha siya ng plato at nagsalin ng pagkain. Umupo siya sa stool na kahanay nito pero sa dulo.
Kahit late na sila umuwi buhat sa practice. Maaga siyang bumangon. Usapan nilang umaga sisimulan ang mag hapong practice.
“Coffee,” alok nito habang nagtitimpla ng sariling kape. “Ha? Sige,” gulat man, umoo na siya. Kinagat niya ang labi para pigilan ang ngiti, kape lang ang ginawa nito pero kinilig na siya.
“Salamat,” humigop siya. “Is it good?” Ngumiti siya. “Yes.” Namayani ang katahimikan.
“Si Manang Lena?” Si manang din ang mayordoma dito. “Maaga silang umalis ni Tita Venice, about sa order nilang seafood for tomorrow.” Tumango siya. Nakakatuwang kaswal silang nag-uusap. Maganda ang umaga nito. “What are you guys practicing for?”
Pasagot na siya ng “Good morning people!” energetic na bungad ni Vince. Hinalikan siya sa ulo’t tinapik naman sa balikat ang kuya bago gumawa ng kape. “Where’s everyone?” Kuya nito ang sumagot.
“Everyone’s busy for lola’s big day tomorrow,” ani Vince inilapag ang mug ng kape sa tabi.
“Nililinis na naman nila ang bahay kahit hindi naman madumi,” tukoy nito sa mga staff na abala sa sala. Sa loob ang set up ng party. Pero bubuksan din ang malalaking glass door para sa mga gusto sa garden. Indoor outdoor ang peg ng bahay.
“Wait,” awat niya ng may isinusuot si Vince sa tenga niya. “May usapan tayo, one secret, one gift.” “Usapang nakainom ‘yun, e.”
“Ako na,” agaw niya sa isang hikaw, pero inilapag lang niya sa mesa. Umiling-iling ito. “You never fail to refuse my gifts.” Sumimangot siya. “I don’t deserve it,” bulong niya.
“You always say that. Pakasalan na lang kaya kita, para legally member ka na ng family, malapit lang ang Vegas, baby,” itinaas baba ang kilay. Umupo sa tabi niya’t inakbayan siya.
“What do you think kuya?” Napaigtad siya sa padabog na paglalagay ni Henry ng pinagkainan sa lababo. Sinundan niya ito ng tingin ng lumabas ng kusina. Pagbaling sa katabi naniningkit ang mata nito sa kanya.
“I knew it, may something sa inyo ni kuya. Anong sikreto n’yo at bakit mag-kasama kayong dumating kahapon?” Tinabig niya ang kamay nito sa balikat niya.
“Bahala ka buhay mo,” binitbit sa lababo ang pinag kainan at naghugas.
“Carrie,” tawag nito. “I won’t force you to spill it out, malalaman ko rin naman. But, may usapan tayo,” inabot ang kabiyak ng hikaw.
“You need to accept this, okay?” Bumuga na lang siya ng hangin.
“Wear this tomorrow, please,” nag-puppy eyes pa nga.