Chapter Six

1931 Words
Chapter 6     Pinagbuksan niya ang kumatok at pinapasok ang dalawa. Hindi niya mawari ang tingin ni Brent sa kanya. “The prenuptial agreement please,” basag ni Henry sa katahimikan. May inilabas na envelope si Brent mula sa briefcase nito at diretsong inabot sa kanya.      “Read it,” utos ni Henry. “Kung may gusto kang baguhin, I am willing to negotiate.”      “Can we talk first?” Marahang itong tumango. “Tawagin n’yo na lang ako pag tapos na kayong mag-usap,”  pinisil ang balikat niya bago lumabas.     “Why don’t you just marry your girlfriend?” tanong niya pagkapinid ng pinto. Nakapamulsa na ito sa harap ng glass wall. “I can’t.”      “Why not? Sigurado ako, gusto lang ni Sir Mart na mag-asawa ka na.” Umingos ito.“And now you’re talking.” Kumunot ang noo niya.      Hinarap siya nito. “Akala ko ba wala kang alam,” nang-aakusa.      “Wala naman talaga akong alam. Hindi naman sekreto na gusto ka ng mag-asawa ni Sir Mart. At wala siyang sinabi na kailangan ako.” Tinitigan siya sa mata, inaalam kung nagsisinungaling siya. Hindi siya nagpatalo dahil inosente siya.      “Just marry your girlfriend,” ulit niya ng maglihis ito ng tingin. “She’s not my girlfriend.” Kung maka claim ang bruha sa binata. “Hindi mo rin ako girlfriend.”      Ilalapag niya sana ang envelope sa table ng “I said read it. And we’ll negotiate. I am okay with adjustments,” humarap na naman sa glass wall. Siya yata ang may gusto ng Las Vegas Strip view.     Binitawan niya ang envelope sa table. “Can I ask you a question?” Anong kapalit nito?” tahasang tanong hindi pa man ito umoo. Anong pangarap mo ang matutupad, gusto niyang idagdag.      “My inheritance.” Muntik na siyang masamid sa narinig. Buhay pa ang tatay niya gusto na nitong makuha ang mana? Hinarap siya.      “I want to build my own company,” paliwanag nito. “Aviation school and private plane services aren’t a cheap business.”     “It requires money, a lot of it. I needed more funds,” dagdag nito. Hindi talaga siya interesado sa construction firm, malls and condo business ng ama.      “Ibabalik ko rin ang pera kay dad,” nakaharap na muli sa glasswall.” Puhunan ang kailangan niya. “Ba’t hindi ka na lang mangutang sa kanya? Siguradong tutulungan ka niya. Plus sa bangko.”      “Bakit ako mangungutang may inheritance naman ako,” katwiran nito.      Ayaw mo lang masabing humingi ka ng tulong, gusto niyang ibulalas. Kinagat niya ang lower lip, pinipigilan ang sarili.     “You need my help. Admit it.” “Help?  Umiiling na hinarap siya. “You are not helping me.” Ang taas ng pride. “Read that. So you’ll know.”      “I am helping you. Sa ating dalawa you have more to gain,” giit niya, tinaasan ito ng kilay. Hinahamon na dumepensa. Lumapit ito at tumigil sa harap niya. Nahigit niya ang hininga ng inilapit pa ang mukha.     Papikit na siya ng dinampot nito ang envelope at iniharang sa pagitan ng mukha nila. “Read it,” may pinalidad sa boses.     Padabog na umupo siya sa swivel chair at sinimulang magbasa. Pero walang siyang maintindihan, hindi pa gumagana ang utak niya sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Bumalik naman ito sa harap ng glass wall.      “I am making your dream come true,” bulong nito, na rinig naman niya. “Favorite view mo ‘yan?” Hindi siya pinansin. Nagbasa na lang ulit siya. “I’ll call Brent.” Inirapan niya ito ng lagpasan siya.     “I'm perfectly fine with non consummation of marriage as a ground for divorce. Keep it a secret, thumbs up. Ito, okay din,” turo niya sa kundisyon na hindi required na magsama sila sa iisang bubong.      “Ito,” tukoy niya sa condition number three and four. “Hindi okay sakin, unfair ka masyado.”     “That’s non negotiable,” matigas na agap nito.      “Ikaw pwedeng makipag relasyon tapos ako should remain faithful sa marriage of convenience na ‘to? Bakit ako lang? Bakit ikaw lang pwede?” Tahimik lang sa pagitan nila si Brent. “Dapat patas. Kung pwedeng kang mag girlfriend pwede rin akong mag boyfriend,” humalukipkip siya.      “No,” matigas pa ring tutol ng binata. “Next condition.” “Hindi pa tayo tapos sa three and four,” gigil na sabi na niya. “Okay babalikan nati’n ‘yan mamaya,” pamamagitan ni Brent.      Six months lang ang itatagal ng marriage nila. Kung marriage nga ba na matatawag. “I firmly believe within six months makukuha ko na ang kailangan ko,” paliwanag nito kahit wala namang nagtatanong.      “Paano kung mas maaga mo makuha? Hindi na natin dapat hintayin ang six months para mag divorce,” suhestyon niya. Bakit pahahabain ko pa ang kalokohang ito?     “Okay noted, kapag nakuha ng maaga ang mana, divorce na agad,” sabi ni Brent hindi pa man sumasagot si Henry na hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha ngayon.      “Good ako dyan,” turo niya sa pang-anim na kundisyon. Nakalagay na wala siyang makukuhang cut bilang legal na asawa sa makukuha nitong mana o kung ano mang maipupundar nito habang kasal sila. Nahagip ng mata niya ang pagtaas ng kilay ni Henry.     “Okay that's it, balik tayo sa three and four,” si Brent ulit. “No, hindi pa. Please reduce it to four million.” Tukoy niya sa nakasaad na makakakuha siya ng fifteen million alimony sa paghihiwalay nila. “Noted,” sagot na naman ni Brent hindi pa man umo-oo ang client nito.     Kung siya lang hindi siya tatanggap ni singko mula dito. Pero kailangan niyang maging praktikal. Gusto niyang maisalba ang maliit na isla na iniwan ng lolo at lola niya.  Para kahit papaano may kahinatnan na maganda sa side niya ang kasal nila.      Tahimik lang si Henry na nakatitig sa kanya hindi niya pa rin maarok ang iniisip nito. “Balik tayo sa condition four and five,” agaw atensyon ni Brent sa titigan nila.  “That is non negotiable,” matigas na ulit ni Henry.      “Hindi kita maintindihan, hindi naman tayo mag-sasama sa isang bahay, magkalayo tayo, wala ding makakaalam  kundi tayo tayo lang. Bakit ayaw mong pumayag?” sumasakit na ang leeg niya kakatingala dito, hindi niya masabihang maupo. HIndi ito kumibo.      “Ganito na lang, I’ll let you decide. Kung bawal makipag relasyon, parehong bawal, kung pipiliin mo ang pwede, parehong pwede. Kahit alin sa dalawa I am good. ” itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko bago naupo sa sofa. Hindi pa rin ito umiimik na nakaharap muli sa glass wall.      “Hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan ka, wala ka namang pakialam sa’kin kahit dati pa, ano naman sa’ yo kung magka boyfriend ako,” bulong niya na ikinalingon nito.      Tumikhim si Brent ng malakas. “So, Pre what’s your decision?”      “Give her what she wants,” sagot nito ng hindi inaalis ang pagkakalingon sa kanya.      “Okay, parehong pwedeng makipag relasyon. I-finalize ko lang para mapirmahan niyo na,” ani Brent bago lumabas.      Umalis si Henry sa harap ng glass wall, ang akala niya lalabas din muna ang binata at hihintayin na lang bumalik si Brent para magkapirmahan na sila, pero ito ang pumalit sa swivel chair na inalisan ng kaibigan.      Bigla siyang hindi naging komportable sa kinauupuan. Inabala niya kunwari ang sarili sa hawak na cellphone. Ini-intimidate siya ng mokong.      Nakatapat sa direksyon niya ang swivel chair, nakatutok ang mahahabang legs sa kanya. Ramdam na ramdam din niya ang titig nito. Siya na ang umiwas at tumagilid ng upo.      Kinuha ko ang throw pillow at dinantayan ng dalawang siko habang kunwari abalang abala sa cellphone. Pero ang totoo pina flood niya lang ng  messages si Kaye.      Naiilang siya sa presensya ni Henry. Tila nawala na ang confidence at tapang niya. Para na naman siya'ng teenager na hindi maihi kapag nasa paligid ang crush niya. Hindi malaman ang gagawin o ikikilos.      Pinagalitan niya ang sarili, mali ang ganito. Hindi na siya dapat kinikilig sa mokong na’to, iba na ang sitwasyon. Ipinaalala niya sa sarili ang nakakainis na laman ng prenuptial agreement nila.       “Tama, patayin na ang dapat patayin.” hindi niya namalayang naisatinig ang nasa isip. Pabuka ang bibig nito para siguro mag tanong ng tumunog ang phone niya.      “Labas muna ‘ko,” paalam niya, nakaturo sa phone.      “Bakit gising ka pa? Gabi na d’yan ah,” tanong niya hindi pa man siya nakakalabas ng kwarto.     “Gaga! Send ka ba naman ng send ng walang ka kwenta kwentang messages, ‘di tunog ng tunog ang phone ko. Sinong hindi makakatulog,” reklamo nito. Hindi siya nakaimik.      “Tensyonado ka ba?” Napahilamos siya ng mukha. “Hindi,” tanggi niya. “Wala lang akong magawa.”      “Halata ko nga.” Huminga siya ng malalim. “Alam ko na kung ano iyan,”  anito sa katahimikan niya. “Ano?” “Wedding jitters.” “Sira.” siguradong maghuhuramintado ito kapag nalaman ang prenup.      “Ano real couple lang na magpapakasal,” natawa siya. “Hoy, loka hindi mo dapat binabalewala ‘yan. Iyong tita ko nga na nagpakasal sa boyfriend niya nakaramdam ng ganyan.” Sino kayang tita, masyado itong madaming tiyahin.       “O ngayon ano, sising sisi siya na dapat pala hindi niya binalewala yung pagdadalawang isip niya noong nasa simbahan siya. Ikaw pa kaya na magpapakasal sa lalaking wala ka namang relasyon na matatawag.” Aray ko naman. “Ano masakit?” “Oo.”      “Alam ko may desisyon ka na. Pero ang hinihingi ko lang sa’yo mas pag-isipan mo pa girl. Talo ka na simula pa lang, ikaw lang naman ang may feelings sa inyo.” I know.     Alam na alam ko na din, na ni walang katiting na pagpapahalagang maibibigay ang binata sa magiging kasal nila. Sa papel lang ang lahat. Hindi literal, pero kaliwat kanang sampal ang natamo niya kay Henry. Kaliwa si Scarlett kanan ang laman ng prenup.      “Pwedeng pwede ka umatras girl. Wala naman siyang magagawa kung aatras ka, wala siyang hawak sayo. Pag-isipan mo ‘yan Carrie,” pakiusap nito. Hindi na siya nakasagot. Nagpaalam na itong matutulog na.     Matapos ang pirmahan nila ni Henry, napag alaman niyang naikuha na sila ni Brent ng Marriage License. Kailangan na lang nilang magpunta sa Office of Civil Marriages kung saan sila ikakasal.     May naka abang ng sasakyan pagbaba nila. Si Brent sa harap, magkatabi sila ni Henry sa likod. Habang daan paulit ulit na nag pa-play sa utak niya ang sinabi ni Kaye. Nagtatalo ang utak at puso niya. Isinandig niya ang ulo sa bintana hanggang makarating sila sa destinasyon nila.     Unang bumaba si Henry sumunod si Brent. “Carrie, baba na,” si Brent.  Nang hindi siya gumalaw inabot nito ang kamay niya at inalalayan siyang bumaba. “This is it,” sabi pa nito, ngunit ang mata'y tinatanong siya kung sigurado siya.      Naglakad na sila papasok ng matigilan siya. Hindi dala ng excitement ang kabang nararamdaman niya, takot. Takot ang nararamdaman niya sa papasukin niya. Tila ngayon lang fully nagsi-sink in ang gagawin nila.      Magpapakasal sila. Legal na kasal. Hindi ganitong klase ng pag-aasawa ang gusto niya, hindi ito ang pangarap niya. Tama si Kaye, wala itong hawak sa kanya, kaya pwedeng hindi siya tumuloy.      Tila ngayon lang nagising ang lohikal niyang isip. All this time puso pala ang pinapairal niya. Tumalikod siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD