Chapter Five

1889 Words
Chapter 5     “How’s your first flight in Vegas? Napasakto tayo sa full flight,” umarte na pagod, minasahe ang leeg. Pailalim na tiningnan niya ito. Alam naman niyang prenteng prente ito sa buong durasyon ng biyahe.      Kakagaling lang niya sa immigration. Kahit ang sakit ng pwet niya sa seventeen hours flight nila, hindi niya ipinakitang nahirapan siya. Sinadya na nga nitong ilagay siya sa economy class,  nasa gitna pa siya. Habang ito komportable sa first class seat nito.       “O, interesting, pokies machines to welcome you,” binigyan ito ng nakakalokong ngiti. Nagbago ang awra nito. He hates gambling. Mainis ka kasi nakakainis ka din. Ngayon lang siya naka experience ng economy class seat sa international flight. “Pwede mag-try muna? Alam mo na, beginners luck.”       “Our uber arrived,” supladong sabi nito. “Okay next time na lang.” Alas tres na ng madaling araw, pero buhay na buhay pa rin ang Sin city. Nakakalula sa ganda ang Vegas.     “Fancy,” komento niya pagkapasok nila sa luxurious hotel. Inilabas niya pa ang phone para mag selfie. Kasalukuyang nasa check in area sila ng Encore.      “Sixtieth floor,” anito ng maka sakay na sila sa elevator “Facing the Las Vegas strip. I believe you prefer it, than the mountain view.” “Yeah.” Inabutan siya ng key card at envelope. “Thanks,” nginitian ito. Magkatabi lang ang hotel room nila.      “Be ready at eight,” anito ng lampasan niya. Pumihit siya pabalik para magtanong pero nakapasok na ito.      She’s in a tower suite. Pagpasok mo mirror and closet on the left. Spacious bathroom on the right. Pag lagpas ng banyo king size bed, mirror again, flat screen tv facing the bed and mini fridge on the side. May office table and swivel chair. Two seater sofa na may mirror sa likod. Ewan ko na lang kapag lumabas ka pa na magulo ang buhok.      Naupo siya sa swivel chair, hinubad ang sapatos bago inutusan si alexa na buksan ang blinds ng glasswall. “Impressive,” bulalas niya ng tumambad ang view ng Las Vegas strip.      Inilabas niya ang cellphone at nag picture. Isesend niya kay Kaye para ipaalam na nakarating siya ng safe. Mas maganda siguro mag picture mamaya kapag may araw na.     Ilang minuto rin niyang pinanood ang city lights ng Marriage capital of the world. In fairness bumawi ito sa hotel room. Inikot niya ang swivel chair at binusisi ang envelope. Written outline ng services na kinuha nito. Walang libre sa laman ng fridge. Buti na lang binasa muna niya muntik na siyang bumawas kanina. May free Wifi at buffet breakfast naman. Bukas ng umaga ang check out nila.      Hindi niya alam kung anong dapat niyang ipag ready mamayang alas otso. Obviously, para magpakasal. Dalawang bagay ang sigurado siya ngayon.     Gusto niya ng kape at hot bath. Maliligo muna siya. Hinubad ang black leggings, grey hoodie at undies. Mas prefer niya ang ganitong kasuotan kapag long flight, komportable kasi. Feeling niya secluded at secured siya. Relax na ang katawan niya matapos ang hot bath.      Nagke-crave na talaga siya sa kape Nakahanap naman siya ng open na Starbucks sa fashion show mall, ten minutes’ walk sabi ni Google. Nagbihis siya at lumabas.      Ang ganda ng babaeng palabas sa iniintay niyang elevator. Model siguro. “Don’t touch me b***h,” asik nito ng aalalayan niya sana ng muntik na itong matumba sa harap niya. Lasing ito, amoy na amoy ang alak. Napailing na lang siya. Wala pang thirty minutes nakabalik na siya sa hotel room niya.  Seven forty-five ng umaga. Kumuha muna siya ng picture at ipinadala ulit kay Kaye bago lumabas at kumatok sa kabilang unit. Paulit ulit siyang kumatok. Tulog pa kaya ito. Imposible, lagi itong on time.     “Yes?” iritableng tanong ng babaeng nagbukas ng pinto. Kipkip ang hindi naibuhol na roba sa katawan,. Bakas ang inis sa pawisang mukha.     Siya ‘yung sa elevator kanina. Lumipat ba si Henry ng kwarto? Sumilip siya sa loob. Nasa sahig ang suot ni Henry na sapatos kaninang madaling araw. Defensive na iniharang ng babae ang braso sa pinto.      “What do you want?” Pawisan, magulo ang buhok at mainit din ang ulo.  Nanlaki ang mata niya sa realisasyon sa kung anong ginagawa ng mga ito kaya matagal siyang napag buksan ng pinto. Naka istorbo siya.     “Honey are you expecting anyone?” sigaw nito sa loob. “Mauna ka na sa baba,” anang tinig ng binata, hindi ipinakita ang sarili. Malamang, kasi nakahubad siya. “Yes Boss,” sagot niya. “Whoever you are, wait downstairs. Istorbo,” sabi nito bago siya bagsakan ng pinto.     May girlfriend pala siya. Ang babaeng ‘yun ang tipo ni Henry. Halos ganoon din ang hulma ng mga napakilala nitong girlfriend sa mansyon.      Maganda, tisay, makinis na halos wala ng pores, long legs, sexy, sophisticated, in short mukhang modelo. Plus, pa pala career woman. Ka-level nito to be exact.      Binistahan niya ang sarili sa salamin. Hanggang baba lang siya ng binata. Maputi din naman siya, pero hindi mala porselana na parang hindi na naaarawan. May ilang piraso siyang peklat ng tigyawat sa mukha. Ang mga dating kagat niya ng lamok sa braso at binti nawala na sa paglipas ng panahon.     Tumagi-tagilid siya sa salamin, may boobs siya may pwet din naman. Sexy din naman siya.     Wala pa namang nagsabi sa kanyang pangit siya. Hindi nga lang siya sopistikada. Simple lang siyang manamit.      Tulad ng suot niya ngayon. Plain white v-neck shirt na ipinailalim sa tinsel side button denim mini skirt. Nude flats sa paa. Ganoon lang siya. Plain Jane. Malayo sa tipo nitong babae na animo laging lalakad sa runway.      Sakto ang pagbaba niya hindi pa ganoon kadami ang tao. Madali siyang nakahanap ng pwesto. “Do you mind if I join you? I believe you’re alone,” sabi ng nakangiting blue eyed foreigner. Meron pa namang ilang bakanteng mesa, marami ring tulad niya na mag-isa lang.      Umiling siya. Wala siya sa mood mag share ng table. “Sorry, its occupied.” She wants to be alone. “I don’t think so. You don’t have a companion,” giit nito. Makulit si kuya.     She tilted her head. “What made you think I am alone?” “I’ve been watching you,” seryosong saad nito, nakatitig sa mata niya. Napasandal siya sa upuan.      “Psychopath pa yata ‘to.” “You caught my eye the moment you enter that door.” Sinundan ng mga mata ang itinuro nito. Sinamantala nito ang pagkakataon at naupo.      “Hey! sita niya. “Nakakatakot ka na,” napalunok siya. Hinawakan niya ang tasa niya ng mainit na kape. Handang isaboy sa lalaki kung sakaling may gawin itong masama.     Bigla itong tumawa ng malakas napahawak pa sa tiyan. “Joke lang kabayan. Kalahati na lang kasi ang food mo. Kaya naisip ko you're alone.”      Naningkit ang mata niya. “Bwisit ka tinakot mo ‘ko. Hindi magandang joke ‘yun.” Nasapo niya ang noo sa relief at inis sa lalaki. “Sorry. Pa-share ng table,” ngingisi ngisi.     Napanguso na lang siya. “Naka upo ka na e.”  “I am Brent.” “Carrie,” tinanggap ang pakikipag kamay nito. “Nagtatagalog ka naman pala. Pinahirapan mo pa ‘ko,” Kinindatan lang siya nito. “Kuha lang ako ng food ko,” paalam nito.     “Peace offering,” anito sa ibinabang platong may lamang bite size cut ng different cakes. Nag thumbs up siya. Don’t talk when your mouth is full, sabi nga nila “Hindi ko alam kung anong magugustuhan mo. I guess cake is safe.” “I like them,” ng malunok ang nginunguya.      Madaldal ito at mabiro. Half filipino half American pero sa Pilipinas lumaki. “I am here for my friend; he needs my services. He’s getting married at gusto niyang may prenuptial agreement sila ng girl. My friend is certain that this woman is going to take this opportunity to trap him. Patay na patay sa kanya e. Ako na rin ang witness sa kasal nila.” Tumango tango lang siya.      “You're an attorney,” saka lang napansin ang briefcase na dala nito. Proud na ngumiti ito. “Attorney Brent Miller,” kinindatan siya. Natawa siya dito. He’s a charmer. “What about you? Tourist?” “Yeah.” Hindi ba’t turista siya na magpapakasal sa Vegas?      Tumunog ang phone nito. “Speaking off,  baka nakatunog na idinadaldal ko siya. Sagutin ko lang.” “Go ahead.” “Having breakfast man. I see you… Henry!” Sinundan niya ang kinakawayan nito. s**t. s**t. s**t. Siya ang babaeng tinutukoy nito kanina.      “He’s Henry, my friend,” tukoy nito sa papalapit na lalaki. Nakasukbit dito ang babaeng nagbukas ng pinto kanina.     Lalong pinaganda ng make up ang babae. Nabigyan ng kulay ang maputlang pawisang mukha nito kanina. She is stunning in her skimpy red dress. Hindi halatang kahapon niya pa suot.      “Long time no see Brent.” “Hi Scarlett.” Hindi nakaligtas sa mata niya ang pag-irap ng babae sa direksyon niya habang nakikipag beso sa lalaki.       “Scarlett, Henry. This is Carrie.” Tumango lang sila ni Scarlett. Parehong hindi interesado na makilala ang isa’t isa. Ramdam ang animosity sa paligid.      “I hope you don’t mind if they join?” baling sa kanya ni Brent. “No, I don’t mind,” sagot niya, labas sa ilong. “Patapos na rin naman ako dito,” tukoy niya sa dessert.     Mukhang pagod si mokong. Sinamaan niya ng tingin si Henry. May prenuptial agreement pala tayo. Pagak na nginitian niya ang nagtatakang mukha ni Brent.     “I need to go babe. I have a photo shoot,” ani Scarlett bago parang sawang pumulupot ang kamay sa batok ni Henry. And they kiss na parang hindi sila nag-eexist. Nag-iwas siya ng tingin at nilaro ang tenga. “Bye Carrie!” nang-aasar na nginitian siya ni Scarlett, nag flying kiss pa sa kanya bago tumalikod.      Kung plano nito na asarin siya nag wagi ito. Naasar talaga siya kahit alam niyang walang siyang karapatan. Napairap na lang siya sa hangin.       “I’ll get some food,” excuse ni Henry, nakaiwas ng tingin. Takang taka ang mukha ng kaharap. Kumibot kibot ang kilay nito. “Don’t tell me!”      “Ako yung babaeng patay na patay sa kaibigan mo,” kumpirma niya sa konklusyon nito.  “You are Caridad. Damn.Why?! Gusto pa naman kitang i-date,” naghihinayang na bulalas nito.       “Puro ka kalokohan. Balik muna ako sa hotel room ko may naiwan ako. Pakisabi na lang sa kaibigan mo, attorney.” Hindi na niya ito hinintay na makasagot pa.      Pagbalik sa hotel room idinikit niya ang noo sa glass wall. Para siyang timang na naniwala sa tsismis ni manang. Si Henry Spencer mababakante? Ang constant na nababalitaan niya dito may bago itong girlfriend.      Parang isang taon lang o wala pa break na. Ang College sweetheart nitong si Sofia ang alam niyang matagal nitong naging girlfriend. Doon unang nadurog ang puso niya.      Insecure na insecure siya sa babae. Para itong anghel sa ganda at hinhin. Mabait ito maging sa kanilang mga staff. Lingid sa kaalaman ng babae ito ang nagpa realize sa kanya na hanggang sa pangarap niya lang ang binata. Tumunog ang phone niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD