Chapter 4
“Girl ang tagal mo naman,” reklamo niya sa bestfriend. Ten minutes na siya sa labas ng pinto. Kapwa admin staff sila sa isang unibersidad na malapit lang sa subdivision nila.
Kaya nakakainis na ang lapit na nga mala-late ka pa sa bagal ng babae ‘to. Noong huling beses na iniwanan niya, ito pa ang nagtampo. Maghapon siyang hindi kinausap.
“Anong hinahanap mo?” nagtatakang tanong nito. “Ang tagal mo wala namang nagbago?” tukoy niya sa mukha nito. Itinuro nito ang hairpin. Inirapan niya ito. “Baliw ka talaga.” “Ang hirap kayang mag-isip kung saan ilalagay.”
“Sana nilagay mo na lang sa kilay mo.” “Right or left?” Nakakagigil. Sarap kutusan. “Paki lock na lang.” Natigilan siya ng may mag-park na sasakyan sa tapat ng bahay niya. Isang tao lang ang agad na naisip niya. Hindi, awat niya sa sarili. Feelingera lang ako. Hindi lang naman siya ang may ganyang sasakyan.
“Hala tumawag ka pa ng grab.” “Sira may grab bang audi suv?” Bumaba ang may-ari ng sasakyan. Napakurap siya. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas. “Malay mo?” sagot pa nito.
“Taray parang sa magazine lumabas hindi sa sasakyan,” puri ni Kaye. Pinandilatan niya ito.
“Sir Henry anong ginagawa mo dito?” bungad niya, tonong hindi interesadong nakita ito. Pero ang totoo nagulat siya na alam nito ang bahay niya. Baka andito siya para mag apologize. Umasa ang puso niya.
Pabuka ang bibig nito para sumagot ng mang-interrupt si Kaye. “Ikaw si Henry?!” Dagling umarko ang kilay niya sa kaibigan. “Ako nga pala si Katherina, Kaye for short, best friend ni Carrie, ” inilahad ang kamay.
Dahil hindi ito kinamayan siya ang umabot sa kamay ng kaibigan. Hindi na siya nagulat na hindi siya pinansin. Bigla na lang kasing sumingit. Hindi rin makapag hintay ang babae na ‘to. “Suplado!” mataray na bulalas ng kaibigan.
“I’d like to speak to you alone,” totally ignoring her friend. Sinenyasan niya si Kaye.
“Pogi ka at mayaman kaya na-inlove sa’ yo bestfriend ko, saka matangkad,” bulong ng bruha habang lumalayo. “pero kay Marco pa rin ako,” dagdag nito. Napapikit siya, wala talagang preno ang bibig nito kapag badtrip.
Ano na lang ang iisipin ng lalaking ‘to. Bakit niya ba iniintindi ang iisipin nito gayong may judgement na ito sa kanya. Kinalma niya ang sarili at hinarap ito. “Mamaya ang flight natin pa Nevada?” anunsyo nito.
Umiling siya. Flight namin? “Bukas ng gabi ang flight ko pa San Francisco.”
Umismid ito. “We’re getting married in Vegas babe. Four o’clock terminal two,” bago tumalikod. Umawang ang bibig niya. Anong nangyayari? Galit ito sa kanya. Pero magpapakasal daw sila sa Vegas?
“Hindi pwede,” bulalas niya ng makabawi. Anong akala niya sa akin ganoon ganoon lang kapag sinabi nito susunod siya. Natameme siya ng pumuhit ito pabalik sa harap niya.
Yumukod para magka-level ang mukha nila bago inalis ang antipara at sinabing “Why not? We will make each other’s dream come true.” Nag-iwas siya ng tingin at umatras, dumiretso ito ng tayo. Hindi niya kaya ang titig nito. Nakaka hipnotismo, idagdag mo pa ang bango nito.
“May..may trabaho pa ‘ko ngayon at bukas. Atsaka sa Monday pa ang start ng leave ko,” aniya ng makabawi. Humakbang ito palapit. s**t, ang bango talaga, hindi masakit sa ilong bagkus nakakahalina.
Nanigas siya ng bumulong ito sa kaliwang tenga niya. “Four o’ clock, terminal two,” tumayo ang balahibo niya sa braso. Nakangising dumiretso ito ng tayo bago tumalikod pabalik sa kotse.
“Sinong may sabi na pumapayag na akong magpakasal sayo?!”
“Gaga! Hindi na niya narinig. Nagsalita ka ba naman umaandar na ‘yung kotse. Grabe hulog na hulog ka girl,” malakas na tinapik siya sa balikat, pero mas mukhang gusto siyang batukan. “Ikaw nga dyan sabi mo sasapakin mo ‘pag nakita mo siya.”
“Na overwhelm kasi ako. Hindi na justify ng description mo si Sir Henry. Iba ang in the flesh,” katwiran nito. “Wala kasi siyang f*******: para ma-stalk ko,” dagdag nito. Sumimangot siya. Igaganti daw siya ‘pag nag krus ang landas nila.
“Bakit ikaw?” malakas na tinapik siya sa noo. “Aray,” batok talaga ang target nito e, hindi lang magawa. “Ang alam ko galit ka sa kanya ah,” balik nito. “Ilang araw kang nag-uumiyak sa kwarto mo. Ilang linggo na rin akong rinding rindi sa pagtugtog mo ng piano.”
“Akala ko naha-happy ka ‘pag nagpi-piano ako?” “Noong una nakakatuwa, katagalan nakakaumay din girl, paulit ulit.” “Pasensya na, senti mode.”
“Hindi man lang tayo inalok na isakay madadaanan naman niya ‘yung school,” reklamo nito. Inayos niya ang naka sukbit na bag at nagsimula ng lumakad.
“Hindi niya alam kung saan tayo nagtatrabaho,” depensa niya. Wala namang alam si Henry na kahit na anong tungkol sa kanya. Dahil hindi ito interesado.
“Sana may dumaang pedicab.” “Ayan cab.” “May laman,” nalukot ang mukha nito. “Hindi mo naman sinabing bakante dapat.” “Dami mong alam,” anito wala ng masabi.
Malapit ng mag break time at wala pa rin siyang nagagawa sa mga task niya. Kanina pa siya naka-tunganga. Nag sleep mode na rin ang PC niya. Tiningnan niya ang repleksyon sa monitor. Hindi siya tatanggi totoong pangarap niyang maging misis ni Henry.
Sabihin ng baliw siya, pero sino ang may ayaw na makatuluyan ang ultimate crush mo? Ang kanyang first love kahit hindi siya nito love. Teenager pa lang siya ng ma love at first sight siya sa binata.
Ngunit ang binata ano kayang pangarap nito ang matutupad kapag nagpakasal sila? Binalikan niya ang nangyaring dinner. Matapos nilang kumain bumalik sa study room ang mag-ama.
Hindi lingid sa kanyang kontra pelo ang relasyon ng dalawa. Ayaw na ayaw ng binata na pinakikialaman. Give and take ang naging sistema nila.
Halimbawa, ang pagiging piloto nito. Ang ama ang nasunod sa kurso nito, kaya ang binata naman daw ang masusunod sa career na gustong tahakin. Kahit mas gusto ni Sir Mart na mag-join sa company si Henry wala itong nagawa.
Ipinaglaban talaga ng binata ang gusto. May naglalaro sa isip niyang maaring kapalit kapag nagpakasal sila.
“Buti pinayagan ka mag-undertime at umabsent bukas.” Napasinghap siya ng tumambad ang mukha ng kaibigan. Kakasara lang niya sa pintuan ng boss nila.
“Ginulat mo ‘ko,” reklamong iwas niya. “Sisipot ka no?” Kanina pa siya nito sinasabihang huwag siputin ang antipatikong lalaki. Para na nga itong demonyo kakabulong sa kanya.
Ito daw ang may kailangan kaya dapat daw mag pahabol siya. Bumalik siya sa desk niya para i-shutdown ang computer niya. Minabuti na niyang mag half day hindi rin naman siya makapag function ng ayos. Buti na lang din noong isang araw pa siya naka empake.
“Ang alam ko galit ka sa lalaking ‘yon,” paalala nito. “Pero alam ko rin na hindi mo palalagpasin ang oportunidad na ma-ikasal sa lalaking una mong minahal at patuloy na minamaha-,” napapihit ito sa sakit. Sinipa niya kasi ang binti nito.
Wala siyang lihim dito. Pero wala siyang planong ipagkalat ang happenings sa buhay niya. Buti na lang lunch break na, mangilan ngilan lang ang tao sa paligid.
“Sinong may sabing pumayag na ’ko?” isinukbit ang bag sa balikat. “Ay hindi pa ba? Sarcastic ang mukha. “Nagmamadali ka nga at baka ma-traffic ka pa airport.” Nag-iwas siya ng tingin.
“Makakapasa ‘to,” tukoy sa binti. “Sorry.” “Okay lang. Alam ko namang mapanakit ka,” api ang itsura. “Sorry na.”
“Sa sipa o sa pagsipot mo sa lalaking ‘yon?” Both gusto niyang sabihin. “Ihatid kita sa labas.” “Hindi bayad ang isa’t kalahating araw na absent ko.” Tinapik tapik ang balikat niya “Okay lang ‘yan.” Napa buntong hininga siya.
“Ang lalim ah.” “Gusto ko lang patunayan sa kanya na mali ang iniisip niya.” “Ang gulo mo, kanina sahod ang topic ngayon naman. Teka, wow Ineng! Inaakusahan kang oportunista at gold digger kaya papakasa-,” mabilis na tinakpan niya ang bunganga nito, konti man ang tao baka may makarinig pa rin.
“Diba mas tamang tumanggi ka?” halos bulong na sabi nito ng bitawan niya. Buntong hininga lang ang nagawa niya. Tahimik na naglakad sila.
“Alis na ‘ko.” Nagyakap sila. “Nandito lang ako, kahit na anong mangyari.” “Para namang giyera pupuntahan ko.”
“Ang OA ko ba? Kahit kasi sa kagagahan mo susuportahan kita. Mahal mo e. Anong laban ko?” “Sira,” natawa siya sa kaibigan. Alam niyang naiintindihan siya nito.
Alas tres pa lang nasa Airport na siya. Three forty five ng makita niya si Henry. Binistahan niya ang wristwatch. Four fifteen na pero hindi pa rin siya umaalis sa pinagkukublihan. Dinukot niya ang tumutunog na cellphone sa backpack. Unknown caller.
“Where are you?” angil ng kabilang linya bago pa man siya makapag hello. Alam niya ang number ko? Sinilip niya ang binata. Mula ng pumatak ang alas kwatro naging irritable na ang mukha nito.“Didn’t I tell you to be here at four,” he’s fuming.
Lumabas siya sa pinagkukublihan hila hila ang maleta. “I am here.” Lumingon lingon ito. “Fifteen minutes before the said time dapat nandito ka na,” sermon nito. Pinutol niya ang linya ng makita na siya nito.
“Pet peeve mo rin ang late sa oras,” bungad niya ng tuluyang makalapit dito. “Our plane will leave at six,” inabutan siya ng plane ticket.
Pumila sila para makapasok. “Alam mo hindi ko malaman kung galit ka kasi late ako o akala mo i-indyanin kita.” Ang lakas ng loob niya palibhasa kanina pa niya ito pinagmamasdan kaya kalmado na siya. Isa pa aliw na aliw siya sa reaksyon nito kanina ng hindi pa siya nagpapakita.
Hindi ito umimik. Pero alam niyang narinig siya nito, magkasunod sila sa pila papasok.
“I wonder kung anong kapalit ng pagpapakasal natin. Ang laki siguro,” tonong interesado habang naglalakad sila. Napalingon ang kasabay nito kaya imposibleng hindi siya narinig.
“Kabado ka kanina,” she stated. Bigla itong tumigil dahilan para mauntog siya sa malapad na likod nito.
Umatras siya ng humarap ito. “You know what you are right,” he paused. I knew it. “It is my pet peeve. I hate when people are late,” masungit na sabi nito.
Tumango tango siya at nagkibit balikat. “Okay, sabi mo e,” Masaya na siya, napikon na niya ito. Nauna na itong maglakad.
Nang makapag check in nagpapalit muna siya ng pera, bago tumambay sa designated gate ng plane. Wala si Henry sa paligid, malamang na nasa business lounge ito.