Chapter 3
“Hindi ko po matatanggap ‘to,” mariing tangi niya sa diamond bracelet na inilagay sa kamay niya. Ibinalik niya sa box ang bracelet at itinulak pabalik sa ginang.
Nakakaloka, siguradong mas mahal pa sa bahay niya ang halaga ng diamond studded bracelet!
“It's yours Carrie, magtatampo ako sa’yo, ” banta nito. Dinampot ang bracelet, inilahad ang kamay, hinihingi ang palapulsuhan niya.
Umiling siya, lalong isinandal ang sarili sa upuan at itinago ang kamay sa pagitan ng hita. I don’t deserve it. I don’t deserve any of her gifts, Spencer's gifts rather.
Louis Vuitton mini wallet nung eighteenth birthday niya. Cartier tank watch ng naka graduate siya ng college. Chanel two tone espadrilles, dalawang ballerinas mula sa ginang, noong nagkatrabaho siya. Na hindi niya isinusuot sa opisina, madadaig niya pa ang boss niya.
Ang bahay niyang fifty square meters two-bedroom bungalow na hindi pa man niya napapalagyan ng gate. May Hermes dinner ware courtesy of madam.
Last Christmas, Hermes Birkin bag two toned! Na nakikita lang niya kay madam at sa mga mayayamang artista. Na hindi pa niya ginagamit. Pakiramdam kasi niya hindi niya madadala ng ayos dahil hamak na purita lang siya kumpara sa mga ito. Hindi naman sa ungrateful siya o hindi siya masaya.
Infact masaya siya, hindi siya magpapaka impokrita. Sinong babae ang hindi magiging masaya? Pangarap ‘to ng karamihan. Kaya lang yung feeling na hindi niya deserve.
Mabait siyang bata hindi siya naging pasaway sa mga ito magpa hanggang ngayon na twenty-six na siya. Wala lang talaga siyang maisip na ginawa niya para maging valid at makatanggap ng ganito.
“Wala pa nga ‘kong regalo sa inyo.” Hindi niya ito maregaluhan. Ang hirap kaya. “Not turning down my invitation is more than enough. And you know that Caridad.” “Oo nga po,” sang-ayon niya.
“Carrie,” with a warning tone na, nag-hihintay ang nakalahad na kamay. Pinaka ayaw nito ang tinatanggihan ang regalo; na lagi niyang ginagawa at pinag hihintay na iniiwasan niyang gawin. “Sorry po,” umiling siya.
“Sumasama na ang loob ko sayo wala na akong regalo na hindi mo tinanggihan.” Kaya tuloy pinapa-deliver na lang nito diretso sa bahay niya.
Disappointment masked her aged but beautiful face. Napipilitang inilabas ang kaliwang kamay. “Sobra sobra kasi ‘to madam.” Dinedma siya.
“Look how beautiful it is. It was made for you,” masayang saad nito. She went speechless. She was captivated by the beauty of the bracelet on her wrist.
Ni hindi na niya napansin ang paglapit ng isang staff para sabihing may dumating na bisita ang ginang.
“Please excuse me Carrie. Si Gina talaga may pa surprise pa. Kaya pala hindi nasagot sa message ko kung magkikita kami sa LA.” Naiwan siyang tulala sa garden.
Tumayo siya at nag-inat, animo bituin na kumikinang ang mga bato sa madilim na langit. Hindi siya makapaniwala na sa kanya ito. Kinagat niya ang labi, sinusupil ang ngiti. Hindi naka usal ng salamat sa sobrang pagka mesmerize niya kanina.
“Aray,” daing niya ng may humaklit sa kanang braso niya. Nagtaas siya ng tingin, nasalubong niya ang nag ngangalit na mata ng may-ari ng kamay.
“I did not know that you would go to this length just to be part of this family,” he said with clenched teeth. Binawi niya ang nasaktang braso.
Agad napalitan ng nang-uuyam na ngiti ang pagtatagis ng bagang nito ng mapansin ang bracelet sa kaliwang palapulsuhan niya. Ibinaling niya ang tingin sa mga halaman sa paligid, hindi niya kaya ang mapanghusga nitong titig.
Normal naman ito kanina. Bukod kanina na natawa at biniro siya na bihirang mangyari. Madalas quiet and distant ito sa kanya. Kahit kailan hindi ito naging ganito sa kanya. Magaspang ang ugaling ipinapakita.
Sinalubong niya ang mata nito. “Hindi kita maintindihan Sir Henry?” Umismid ito bago nagsalita.
“Playing innocent? You can fool every single person in this house, but not me,” madiin ang bawat salita. “Spare me Carrie. Hindi ako maloloko ng oportunistang tulad mo,” muling siyang hinablot. Mas masakit ang binitawan nitong salita kumpara sa malabakal nitong mga kamay sa magkabilang braso niya.
“Look at me,” utos nito. Imbes sumunod itinukod niya ang dalawang kamay sa dibdib nito upang makawala. Lumipat ang isang kamay nito sa baba niya, pilit pinag tatama ang mata nila. Pahigpit nang pahigpit ang mga kamay nito kaya sumunod siya.
“I’ll marry you,” galit na sabi nito. Napa awang ang bibig niya sa gulat at sa galit na inilalabas nito. Ni hindi siya nakaramdam ng tuwa sa sinabi nito.
Parang napasong pinakawalan nito ang baba niya at ibinalik sa braso niya. “But you can’t trap me Carrie,” may kasamang pag-alog I’ll live my life the way I wanted it,” mariin ang bawat salita “Bare that in mind. Gold digger,” puno ng galit ang huling binitawang salita. Marahas siyang binitawan.
Mahigpit na kumapit siya sa silya. Animo hinihigop siya ng lupa. Hindi siya pwedeng bumagsak hindi niya pwedeng makita na nakalusak ako sa lupa. Ini-upo niya ang sarili sa kinakapitang silya.
Ang sakit ng dibdib niya, sobrang sakit na parang tinatarakan ng paulit-ulit. Tinawag siya nitong gold digger. Kinagat niya ang nanginginig na labi. Pinipigilang ilabas ang sakit
Dahil ba dito? Hinubad niya ang bracelet at pasalampak na ibinalik sa velvet box. Lumunok siya, ang tenga niya masakit na sa pinipigil na pag sabog ng emosyon. Hindi pa ‘ko pwedeng umiyak. Awat niya sa sarili.
Nang makalma niya ang sarili bitbit ang velvet box na pumasok sa loob para kuhain ang naiwan niyang bag sa kusina. “Ate paki bigay po kay Madam. Paki sabi na lang din pong umuwi na’ko,” nag-iwas siya ng tingin.
“Ikaw na lang, nasa study sila. Paki sabay na rin itong wine.” Umiling siya. “Kayo na lang po please,” she plead. Ang sakit na ng lalamunan niya sa pinipigilan na emosyon.
Hinawakan nito ang balikat niya. “Anong problema Carrie?” “Wala po,” umatras siya. “Parang hindi kita kilala na bata ka. May problema ka.” Umiling lang siya.
“Kahit mag paalam ka lang ng personal sa mag-asawa.” Hindi siya umimik. “Namumula na yang mata mo.”
Hindi pa rin siya kumibo, baka hindi na niya mapigilan. Gusto ko na talagang umuwi. Naawa siguro ito kaya pumayag na rin.
“Carrie ang tubigan mo.” “Kay Sir Henry po ‘yan.” “Ipapahatid kita kay Rodney.” Tumanggi siya at nagmamadaling lumabas ng mansyon.
Kahit umiyak na siya habang naglalakad palabas kanina. Hindi pa rin maampat ang luha niya kahit nasa byahe na siya. Tahimik siyang lumuluha sa loob ng bus. Napakasakit malaman na gaya ng iba nitong kamag-anak ganoon din ang tingin nito sa kanya. Isang oportunista at gold digger. Mukhang pera.