-=Ang's Point of View=- Nakauwi ako sa bahay na hindi masyadong sigurado kung paano ako nakauwi ng maayos matapos kong bumati sa Mommy ko ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko, hindi ako lumabas ng kuwarto ko kahit nga ba tinatawag na ako para sa hapunan, hindi ko alam kung anong masasabi ko kapag nagkita kami ni Miranda which is not actually a case since nalaman ko kinabukasan na late na din pala umuwi si Miranda. Maagang maaga palang ay naisipan ko nang umalis para masimulan ko na din ang pamamahala sa negosyo para sa pamilya ko, kaya naman laking gulat ni Tito Andres na maabutan ako sa opisina nito. "Ang sana nagpaabiso ka, anong ginagawa mo dito?" nagtataka nitong tanong sa akin. "I decided to take your offer na magtrabaho dito." ang seryoso kong sagot dito, kahit alam kong asawa n

