-=Ang's Point of View=- "Good morning." ang masiglang bati ko sa nagulat na si Miranda, nasa loob kasi ito ng kuwarto ni Anthony at patuloy itong kinakausap. Kitang kita ko ang gulat sa magandang mukha nito dahil kahapon lang namin napag-usapan na magkaroon ng truce pero ngayon pa lang ay sinimulan ko na ang bagay na iyon. "Good morning din." ang naguguluhan nitong bati sa akin, pinigilan kong makapagsalita ng masama ng makita kong hawak hawak nito ang kamay ni Anthony na para bang concern talaga ito sa kapatid ko, kung concern talaga ito hindi nito magagawang makipaglandian sa iba, ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil parte ito ng plano ko. Ang plano kong mahulog ang loob sa akin ni Miranda para mailayo ko ito sa kapatid ko, since she doesn't want to sign the divorce paper willingl

