Chapter 7:falling

1663 Words
Naging busy ang buong maghapon ko. Ang daming costumer at halos hindi kami magkandaugaga sa pag-aasikaso dahil may biglaang accomodation sa function room namin. Good for 20 persons lang ang capacity nito. Pwede sa mga small group session o maliitang business deal. Kahit busy ang buong maghapon worth it dahil malaki rin ang kita. Si Yanna na ang nagvolunteer na magsasara ng restaurant dahil hihintayin pa niya ang boyfriend na susundo sa kanya. At walang Aaron na nanggulo sa akin ngayon maghapon. Baka nagsawa na, nawala na nga sa isip ko ang humingi ng tawad sa nangyari sa resort niya. At parang wala lang naman ito dito. Buong maghapon, naging busy man ako pero paminsan-minsan ay sumasagi pa rin siya sa isip ko. Kapag wala akong ginagawa ay siya ang iniisip ko. Kaya ang ginawa ko ay tumulong ako sa lahat. Kapag walang lulutuin ay tumutulong ako sa labas sa pagserve ng mga pagkain. Tapos balik ulit sa kusina pagkatapos. Pagkatapos magpaalam kay Yanna ay naglakad na ako papunta waiting shade. Wala akong sasakyan hindi dahil sa ayaw ko. Kung hindi dahil hindi ako marunong magdrive. I tried doing driving lesson pero wala talaga. Hanggang atras abante lang ako. Parang nakakatakot kasi kapag nasa kalsada kana at marami kang kasabayang mga sasakyan. So I decided na tanggapin nalang ito. Kaya commute lang ako palagi. Nasa waiting shade na ako ng may humintong kotse. Nakita kong bumaba mula roon si Anthony . "Theressa can we talk? " tanong nito. "Ano ba Anthony , ano ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan kahapon?" sagot kong medyo naiinis na. "Give me another chance. " saad nito at hinawakan pa ang kamay ko.Napatingin naman ako doon,at tinanggal iyon. "Please Anthony , lubayan mo na ako. " iyon lang at nagsimula na akong maglakad papalayo. Humabol pa rin siya at hinila ako sa kamay. Kaya napahinto ako at napaharap sa kanya. "Nasasaktan ako Anthony , ano ba bitiwan mo nga ako! " sigaw ko. Pero hindi niya ako binitiwan.Nanlalaban na ako sa kanya. Mas lalong hinigpitan ni Anthony ang hawak niya sa kamay ko. Madilim na ang mukha niya. Hindi ko na makita ang mukha niya kanina ay nagsusumamong kausapin ko siya at bigyan ng chance. Natatakot ako, unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko. "Anthony please, let me go. " lakas loob kong sabi sa kanya habang pinipilit ko pa ring makawala sa hawak niya. "No, I will not let you go this time! " mariing sabi niya. Mas lalo akong kinabahan sa nakikita kong namumuong galit sa mukha niya. " Theressa I'm already begging you, hindi pa ba sapat yon?" mariing tanong niya. "Anthony please let me go. " iyon lang ang tanging nasabi ko. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. "I'm already begging you Theressa !" nagulat ako nang makita ang galit niya. Lumakad ito ng bahagya palayo sa akin. Napapakamot sa batok na para bang nauubos na ang pasensya. "Bakit ba hindi mo ako kayang pagbigyan? Damn it!" saad niyang lumapit ulit sa akin at hinila akong palapit sa kanya. "Anthony !..." nahihintakutang sigaw ko. Marami nang nakakapansin sa eksena. May mangilan-ngilan na ring nagbubulong-bulungan. Ayoko ng ganito, unti-unting nangatog ang tuhod ko. Hindi ko napansing hilam na ako sa luha ng pinagsamang takot at hiya. "Let her go, or I will break that hand of yours! " saad ng isang pamilyar na tinig. Napalingon ako at nakita si Aaron . Seryoso ang mukha nito, nakatiim-bagang na nakatingin kay Anthony . Nagkaroon ako ng pag-asa ng makita ko siya. Naglalabanan ang mga tingin nilang dalawa. Walang kumukurap,hinila niya akong palapit sa kanya. Halos masubsob ako sa kanyang dibdib pero wala akong pakialam. Ang alam ko safe na ako sa kanya, kumapit nalang ako sa kanya. "I'm here, huwag ka nang matakot. " saad pa niya sa akin. Tumango nalang ako. "And who do you think you are para pakialaman kami?" galit na tanong ni Anthony kay Aaron . "It's none of your business. " sagot ni Aaron . "Sino ka ba sa akala mo ha?" tanong nito at lumapit sa amin ni Aaron . Inilayo ako nang bahagya ni Aaron nang mapansing papalapit si Anthony sa akin. "Stop it, kung ayaw mong magkasubukan tayo rito. " may pagbabanta ang binitawang salita ni Aaron . "Hindi sinasabi yan, ginagawa. " sagot naman nito. Sa isang iglap lang nagpalitan na sila ng suntok ni Anthony . "Pakialamero!" sigaw ni Anthony at sinipa si Aaron na hindi nakailag sa biglang pagsugod ni Anthony , at napaatras naman ako. Nawalan ng balance si Aaron at napaupo habang sapo ang bandang tiyan niya.Nagsuntukan na sila at napuruhan si Aaron. "Hindi lang yan ang aabutin mo next time! " saad nito habang hawak ang panga na ilang beses na natamaan ng suntok ni Aaron, at umalis na. "I'll take you to the hospital. " saad ko ng makalapit na ako sa kanya. "I'm fine don't worry. " sagot niya. Tinulungan ko naman siyang tumayo. "Your place is better than the hospital. " pagkuway sabi nitong pilit na ngumiti sa akin. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. Bagamat alam kong pinilit niya lang magdrive, thankful ako dahil nakarating kami sa bahay ng safe at buo pa. Agad akong kumuha ng first aid kit, maliit na basin at face towel. Napapailing ako habang nililinis ang mga sugat niya. "Hindi mo na dapat pinatulan si Anthony. " saad ko sa kanya habang nilalagyan ng band aid ang sugat sa kilay niya. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'll do everything just to make sure you are safe. Sorry kung nahuli ako kanina. " sabi pa nito at niyakap ako. Gusto ko sanang kumawala sa yakap niyang iyon pero iba ang isinisigaw ng puso ko. "I will not let anyone hurt you again. " saad pa nito. Napatingin ako sa kanya,nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Totoo ba ang sinasabi ni Aaron ? Unti-unting lumapat ang labi niya sa labi ko. And again, tila may kuryenteng dumaloy sa buo kong pagkatao. The kiss is so passionate that I can't resist. Namula ako sa sobrang hiya matapos iyon. Pareho kaming nawalan ng boses para makapagsalita ng kahit na ano. Awkward feeling,it's just a kiss Theressa . Guard yourself, nadadala lang kayo ng pagkakataon, sabi ko sa sarili. "Look, I'm sorry. " narinig kong sinabi niya nang mapansing wala pa rin akong imik. "No, it's okay." sagot ko. Huli na para bawiin ko. Hindi ko siya boyfriend pero nagpahalik ako sa kanya? "Its just a kiss, everybody can do it." dugtong ko na ikina-igting ng panga niya. Galit? Dissapoinment? Hindi ko alam kong tama ba ang nakikita ko sa mata niya. "Yeah right, it's just a kiss." tumatangong saad nito. Theressa...! sigaw ng utak ko. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako sa maaaring maging sagot niya sa akin. Ginagap niya ang kamay ko at hinalikan. Napapikit nalamang ako. Nilakasan ko ang loob ko at binawi ang kamay ko sa kanya. "I'll cook. " saad ko at tumayo na at nagtungo na sa kusina. Hindi ko na matagalan ang ganoong eksena. Parang may kami na hindi ko maintindihan. Nakahinga ako ng maluwag nang makarating sa kusina. Napasandal ako sa wall. Natatakot ako sa rebelasyon ng puso ko, I think I'm falling . Pinilit kong iwaksi sa isip ko ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Narinig kong nagbukas siya ng TV, bagay na ipinagpasalamat ko so I can cook in peace. Ayokong makita niya ako na naguguluhan sa kung anong mayroon kaming dalawa. Nagprito nalang ako ng boneless bangus at gumawa ng maanghang na sawsawan. In less than one hour naayos ko na ang mesa. Sumilip ako sa sala at nakita siyang nanonood ng basketball, napangiti nalang ako. "Dinner is ready.." saad ko sa kanya. Ini-off naman niya ang TV at tumayo para magtungo sa dining table. "Wow! My favorite..." saad niya ng makaupo at inamoy-amoy ang fried boneless bangus. "Talaga?" tanong ko. "Yup! " sagot niyang parang bata. Nagkatawanan nalang kaming dalawa. I never expected to see this side of him. Malayong-malayo sa Aaron na nakilala ko noong high school kami. "Paborito ko rin iyan. " sagot ko ng makaupo na kami. "Nice, pareho pala tayo." nakangiting saad nito. Siya na ang naglagay ng pagkain sa plato ko at plato niya. Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Ang dami kong tawa sa mga corny jokes niya.Hindi ko akalain na ganito ka-corni ang isang Aaron Delos Santos. Hanggang sa napunta ang usapan namin kay Anthony . Nakita ko ang galit sa mukha niya ng malaman nito ang totoo. "He's stupid for doing that. " sabi pa niya. "What is his full name?" Tanong nito na ipinagtaka ko. " Why? "tanong ko dito matapos uminom ng tubig. "So I can hunt him down! " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Aaron!" gulat na sigaw ko sa kanya. "What?" patay malisyang tanong nito. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan."pagkuway saad ko dito. "Hindi naman ako nagbibiro. I will really hunt him." ikinuyom nito ang kamao. Inabot ko ang nakakuyom niyang kamao at napaangat ang tingin nito sa akin. "Aaron, he is not worth it.Pabayaan mo na siya." lumambot ang tingin nito sa akin at hinalikan ang kamay kong nakahawak sa kanya. Parang ayoko ng matapos ang gabing ito. Mas nakilala ko ang other side ni Aaron, bagay na nagbigay ng saya sa puso ko. Napagkasunduan namin na dito na siya magpapalipas ng gabi. Ayaw niya akong iwan dahil gusto niyang masigurong safe talaga ako. At dahil wala akong kasama ay pumayag na ako. Hindi ko alam kung bakit in-offer kong sa kwarto na rin siya matulog at pumayag naman siya. Pinahiram ko siya ng malaki kong t-shirt. Hindi naman pwedeng nakalong sleeve siyang matutulog diba? "Can I use your bathroom?" tanong niya. Tumango naman ako. Ilang sandali pa at narinig ko na siyang nagshower. Napalunok naman ako,ano bang iniisip mo Theressa? Ngayon lang magkakaroon ng sleep over sa bahay ko at si Aaron pa. Tbc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD