"Coffee? " alok ko at tumayo para maibsan ang naramramdaman ko na awkwardness at makalayo sa kanya.
"Do you have Ramen, I feel like eating it. " sagot niya at tumayo. Sumunod siya sa akin.
Binuksan ko ang heater at kumuha ng ramen cup noodles sa lagayan habang hinihintay ang mainit na tubig.
Nakaupo lang si Aaron at ramdam kong nakatingin siya sa bawat galaw ko. Na-conscious tuloy ako.
Nang makita ko na mainit na ang tubig ay binuksan ko na ang ang dalawang cup noodles at nagsalin ng mainit na tubig.
"Masarap ba yan?" halos mabitawan ko ang cup noodles ng ramen sa gulat ko.
"Ay kabayong palaka!" sigaw ko. Tumawa siya.Nasa likuran ko na pala ito.
"Nasaan ang kabayong palaka? " pang-aasar niya at nagkatawanan kami.
"Bumalik ka na nga roon" pagtataboy ko sa kanya sa sala. Tumatawa siya na bumalik ng sala. Ilang minuto pa bago ako bumalik sa sala dala ang dalawang ramen.
Kunsabagay gutom na rin ako. Hindi na ako nakakain kakaiyak kanina. Napangiti ako ng makita ko siyang nakahiga sa sofa. Sa totoo lang feeling at home ang lokong ito .
"Ito na po ang ramen. " saad ko at inilapag ito sa mesa.
Dahan-dahan siyang bumangon at ngumiti ng makita ako.
"Hmmm...mukhang masarap" sabi pa niya habang inaamoy ang usok nito.
Natawa ako sa reaksyon niya.Hinalo niya ito at hinihipan bago sumubo.
"Masarap nga. " saad niya habang nginunguya ang mainit na pagkain. Nakakatuwa siyang tingnan. Umuusok pa pero sinubo na.
"Baka matunaw ako niyan. " narinig kong saad niyang tila nang-aasar. Napatigil naman ako.
Nagblush ako ng mag-angat ito ng tingin sa akin, pahiya ka na naman. Bakit ba kasi nakatulala ka habang kumakain siya.
"Bakit ka nga ba nagpunta rito?" tanong ko nalang sa kanya para makaiwas.
"Para makikain ng Ramen. " sagot niya at nagkibit-balikat. Natawa naman ako sagot niya at tiningnan siya ng hindi makapaniwala. Feeling close lang?
"Ang totoo , hindi ko rin alam. " sagot niya at kumindat pa. Ipinagpatuloy na nito ang pagkain.
Napailing nalang ako at sinimulan na rin na kumain at nararamdaman ko na naman na nag-iinit ang pisngi ko.
Oh my gosh, totoo ba ang naririnig ko? Parang nagpapahiwatig siyang pumunta dito para lang makita ako?
Theressa huwag kang assumera, sabi ng utak ko. Ewan ko ba pero kilig na kilig ako sa sinabi niya.
Matapos kumain at magligpit ng kinainan namin ay nahiga siya ulit sa sofa at ako naman ay dumeretso ng kusina.
Wala naman siyang ibang sinabi maliban doon at nagstay lang ng halos 30 minutes bago nagpaalam.
"Are you sure you're okay?" tanong niya pa.
"Yeah, I'm fine. Ayos lang talaga ako. " sagot ko. Nasa gate na siya ng tawagin niya ulit ako.
"Theressa ..." napatingin naman ako dito. Lumapit siya sa akin. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit at nabato ako.
"I'm not sure kung bakit hindi ako kumbinsido na okay ka lang, but just in case you need a shoulder to cry on. Just remember, I'm here. " Saad niya. Nagulat ako sa sinabi niya at tumayo lang ako doon ng hindi ginagantihan ang yakap niya.
"Thanks Aaron " iyon lang ang nasabi ko dahil sa nabigla pa rin ako sa ginawa niya. Naramdaman kong humalik siya sa buhok ko bago tuluyang nagpaalam.
Hinatid ko nalang siya ng tanaw.
Nang hindi ko na siya makita ay para akong batang nagtatatakbong papasok ng bahay at kinikilig na tumalon-talon. Hinalikan niya ako, sa buhok at niyakap pa.
Ah basta kiniss ako ni Aaron .
Nawala lahat ng masamang isipin ng muli naming pagkikita ni Anthony . Napalitan iyon ng ngiti sa aking mukha at dala ko iyon hanggang sa makatulog ako ng mahimbing.
Hindi ko inaasahang susunduin ako ni Aaron kinabukasan. Start your day right with kilig.
"Coffee or ramen?" biro ko ng pagbuksan ko siya ng gate. Natawa naman siya.
"Your smile is enough. " sabi pa niya.
Nagblush na naman ako. Ano ba Aaron , bakit mo ba ako pinapakilig? Tanong na hindi ko naman masabi sa kanya ng harapan.
"Ang aga-aga lumalandi ka na." sigaw ng isip ko.
"Loko-loko. " sabi ko nalang at pinatuloy siya.
Pinapasok ko muna siya at hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili. Iniwan ko siya sa sala at kinuha ang bag ko pagkatapos tumingin sa salamin at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha.
Nabutan ko siyang nakatingin na naman sa mga pictures na naka-display. At hawak niya ang picture ko noong high school na naka P. E uniform. Ang taba ko kaya doon. Kaya ako binubuli noon, dahil sa chubby kong katawan.
"Hey! " tawag pansin ko sa kanya ng makalapit ako. Napalingon naman ito sa akin at ngumiti. Ibinalik niya ang picture sa ibabaw, bago nagsalita.
"You are really cute there". Sabi nito habang nakatingin pa rin sa picture.
At namula na naman ako, bakit ba? Tumikhim ako at nagpunta muna ng kusina para uminom ng tubig.
"You don't believe me." its not a question but a statement.
Tinapos ko muna ang pag-inom bago humarap sa kanya. At nakita kong dumaan ang lungkot sa sa mga mata niya.
"Umalis na lang tayo." saad ko dito at iniwan siya sa kusina.
Why would I believe him, they bullied me before.
Yeah, there is still part of me na hindi naniniwala. Pero dahil sa ginagawa at sinasabi niya ay unti-unti ng nagigiba ang ang pader na iniharang ko.
May chance ba? I don't think so, malabo ang kung anuman ang iniisip ko. Baka naawa lang talaga siya at gusto na bumawi dahil na rin sa konsensya niya.
Ginagawa niya lang ito para bumawi. Tama, iyon ang ginagawa niya at walang ibang kahulugan iyon.
Ilang minuto lang ay umalis na kami. Wala kaming imikan sa sasakyan. Pakiramdaman ang peg.
"Theressa, about last night..." narinig kong basag niya sa katahimikan naming dalawa.
"Hmm? " sagot ko habang nakatingin lang sa labas.
"What really happened?" tanong niya at napatingin ako sa kanya. Pero binawi ko ito at tumingin ulit sa labas bago sumagot.
"Wala, emotera lang talaga minsan ang mga babae. Umiiyak ng walang dahilan. " sagot ko,I was hoping na maniniwala siya this time.
"I still don't believe you" seryosong sabi niya.
"I'm not forcing you. " sabi ko nalang at nagkibit-balikat. Narinig ko itong napabuntong-hininga.
Katahimikan ulit ang namagitan sa amin hanggang sa makarating kami sa restaurant .
Nagpasalamat ako sa kanya bago bumaba, ngumiti lang siya at umalis na din agad ng makapasok ako ng restaurant.
Anong ganap Theressa? Bakit may biglaang dalaw? Ramen night at ngayon sundo? Napapailing nalang ako sa mga bagong isiping iyon. Kinikilig man ako pero wala naman akong makitang move o ano mang sign kay Aaron kung ano nga ba ito. Hindi dapat ako mag-assume. Maraming namamatay sa maling akala.
May delivery ng bouquet of red roses sa restaurant ng sumapit ang tanghalian. Pumapalakpak ang tainga ko sa tuwa sa pag-aakalang kay Aaron ito galing. But dissapointed ng mabasa ko ang card na nasa flowers.
"Please give me another chance."
" Love,Anthony "
Bigla kong nailapag sa mesa ang bouquet. Talaga yatang walang balak tumigil ang isang ito. Imbes na ibasura ang bulaklak ipinalagay ko ang mga iyon sa table sa restaurant.
Aaron
Dumeretso na ako sa opisina ng maihatid ko si Theressa sa restaurant niya. Alam kong mahihirapan ako na makuha ang loob niya dahil sa ginawa ko dati. At pinagsisihan ko iyon hanggang ngayon. Im a jerk for doing that.
"Good morning sir. " bati ng mga empleyado ko.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad at sumakay sa elevator na maghahatid sa akin sa opisina ko.
"Good morning sir. " bati sa akin ng secretary ko ng makita ako nito.
"My schedule for today please." saad ko at sumunod naman ito sa akin sa loob ng opisina.
"Here sir, this your schedule for today." at inilahad ang schedule sa akin.Pagkatapos niya e- discussed ay lumabas na ito at nagpatuloy na din ako sa pagtatrabaho.
Lunch came at gusto ko siyang puntahan. Pero marami pa ang kailangan kong gawin at may mga meetings pa ako.
Fuck, hindi dapat ito ang gingawa ko ngayon. Dapat nag-iisip ako ngayon ng paraan para makuha ang tiwala niya.
But my father will kick me out kapag nalaman nito na pinapabayaan ko ang kompanya.
I have no choice but to see her later at night.
Wait for me my Theressa, I will do everything to make you mine. And this time I will make sure na hindi sampal ang makukuha kong sagot kundi ang matamis mong "OO".
Napahawak ako sa pisngi ko ng maalala ang nangyari noon. It seems like it just happened yesterday.
Inipon ko ang lahat ng tapang sa buong katawan ko ng araw na iyon. Kahit kinakabahan at natatakot sa maaaring kalabasan ay ipinagpatuloy ko pa rin ito. Kahit nga pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko ay hindi ako nagpatinag.
"Sigurado ka ba talaga diyan Aaron?" si Mathew na natatawa sa hitsura ko na hindi mapakali.
"O-of course, sigurado ako. Kaya ko ito! " sagot ko dito. Tiningnan ko ang barkada namin at napapailing lang sila.
"Bahala ka bro, baka nakakalimutan mo na ang ginawa natin sa kanya. We bullied her, kaya sigurado na galit iyon sa atin. Tutuloy ka pa ba?" Lumapit na si Ryan at inakbayan ako. Tiningnan ko ito ng masama.
"Kayo ang may balak noon. Hindi na dapat ako nakinig sa suggestions niyo. E di sana hindi siya galit sa akin ngayon." naagtawanan naman sila.
I know it's a lame excuse, ginawa lang namin iyon para mapansin niya. I know Matthew is doing the same thing with Theressa's best friend.
" Kaya nga babawi ako. "dagdag ko at nauna ng lumabas sa music room.
Pumunta kami sa gym kung saan nagpa-practice sila para sa demonstrations sa school.
Si Ryan lumapit doon sa sounds system at pinalitan ang tugtug.
Habang dala-dala ang bulaklak ay lumapit ako sa kanya at kumakanta. Kahit kinakabahan, ay lumapit ako sa kanya at iniabot ang bulaklak.
I should have known better. Hindi niya tatanggapin iyon. Napahawak ako sa pisngi ko na tumabingi dahil sa lakas ng pagkakasampal niya.
Dahil sa bigla ko ay iba ang lumabas sa bibig ko.
"You will pay for this! " dahil sa hiya ay nagtatakbo ako at umuwi sa bahay at hindi pumasok ng ilang araw.
TBC...