"Anthony , I thought you are different from others. But you proved me wrong." sabi ko at tatayo na sana nang pigilan niya ako.
"Theressa, I'm begging you please. " naluluha na din siya. Totoo ba ang nakikita ko? Or is this just part his act ?
He looks desperate, bibigay ba ako?
"Begging for what Anthony ?" tanong ko sa kanya at iniwas ang tingin.
"Give me a chance to prove myself again. " sagot niya at napatingin ako sa kanya. Napatingin din ako sa mga tao.
Gumagawa na kami ng eksena sa cafeteria. Marami ng mga matang nakatingin sa amin. Ayoko ng ganito. Napailing ako. His asking for a chance? For what, para masaktan niya ako ulit.
Dati nga ikinahiya niya ako, well ngayon siguro hindi na niya ako ikakahiya. Im more beautiful and sexy now. And I won't give him a chance to ruin what I built. My confidence, I won't let him crash it again.
"Just leave me alone Anthony , there's no chance for us anymore. And in the first place, there is no us dahil ako lang naman ang nagmahal. " iyon lang at iniwan ko na siya.
Maybe that's it, the closure I've been waiting. Pero bakit ang sakit pa rin?
Narinig ko pa ang habol niyang pagtawag sa pangalan ko. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makakita ng taxi at pinara ito.
Habang nasa taxi ay panay ang tulo ng luha ko. Hindi ko man aminin, nasasaktan pa rin ako.Kaya ko ito, nakaya ko nang una. Kakayanin ko din ngayon.
"Okay lang po ba kayo ma'am?" tanong ng driver. Hindi ako sumagot. Ano namang isasagot ko? Ayoko rin na mamilosopo sa driver .
Binigyan niya ako ng tissue. Inabot ko naman ito, hindi naman siguro r****t ang isang ito.Hindi naman kasi mukhang taxi driver ito eh. Kung titigan, gwapo ito at makinis ang kutis. Kung hindi ito naka - uniform ng pang taxi,mapapagkamalan itong isang artista.
"Alam mo ma'am, minsan kailangan din nating umiyak para maibsan ang nararamdaman nating bigat dito. " sabi pa nito at itinuro ang puso nito
Grabe si kuya oh, may pa advice pa.
"Taxi driver ka ba talaga?" hindi ko na napgilang itanong.
Napakamot naman ito batok niya at ngumiti.
"Oo naman ma'am, hindi lang talaga halata. Marami na ang nagsabi sa akin niyan. Minsan nga po, napapagkamalan ako na artista eh." tumawa ito na parang nahihiya.
Napangiti nalang din ako. Totoo naman kasi, hindi siya mukhang taxi driver lang.
Pinilit kong ngumiti sa kanya ng makababa,hindi na ako bumalik ng restaurant. Minabuti kong umuwi nalang ng bahay. Hindi rin naman magandang tingnan na crying lady ang peg ko pagbalik doon.
Namamaga pa ang mata ko, kaya hindi na talaga ako babalik doon. Lalo na baka nandoon pa sila Claire. Sigurado na magtatanong ang isang iyon.
Nang makarating sa bahay ay dumeretso na ako ng kwarto pagkasara ng pinto.
Ibinuhos ko sa unan ang lahat ng sama ng loob ko at sakit sa dibdib na nag-uumapaw sa aking pagkatao ng mga oras na iyon. Naalala ko bigla ang nakaraan.
Naunang umuwi si Claire sa akin ng araw na iyon kaya naisip kong isorpresa si Anthony na nagpapractice ng basketball sa gym. Kilala naman ako ng mga barkada niya kaya binigyan nila ako ng pwesto sa bleachers kung saan naroon ang team nila.
"Iyan daw ang girlfriend ni Anthony. " narinig ko ang isang babaeng bumubulong sa kasama at itinuro ako.Nagpatuloy ako sa paglalakad at umupo na.
"Talaga? Parang di naman ako makapaniwala." sagot naman ng isa pa.
Binalewala ko ang narinig ko. Bahala kayo, mamatay kayo sa inggit. Pagkatapos ng laro agad akong tumayo para sana salubungin si Anthony .
Pero napatigil ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala sa nakita ko. Isang babae ang lumapit kay Anthony at humalik sa kanya sa labi.
"Hey, ano ka ba ang daming tao. " sabi nito at humalik sa pisngi ng babaeng nakapulupot sa kanya.
Nakatayo lang ako doon at hindi makagalaw.
"Anthony! " tawag ko sa kanya, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ng mata ko. Baka nagmamalikmata lang ako.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Kumawala siya sa babaeng parang linta kung makakapit sa kanya. Hinila niya ako palayo roon.
"Teka nga!" sigaw ko at huminto kami.
"Ano yon? Bakit may ganoong eksena?" tanong ko sa kanya. At tinuro ang nasaksihan ng mata ko. Napasabunot siya sa ulo.
"Bakit ka kase pumunta rito?" iritableng tanong niya.
"Anthony girlfriend mo ako at wala namang—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ang babaeng linta na sumunod pala sa amin.
"Hey fatty, don't you get it? Ayaw na sa iyo ni Anthony , at huwag ka ngang umasta na para bang napakaperfect mo. " saad nitong nakapamewang pa.
Tumingin ako kay Anthony . Hinintay kong sagutin niya ang mga mata kong nagtatanong. Napailing lang ito.
"Anthony , sabihin mo nga sa akin...mahal mo ba talaga ako. Wait, let me reprase it, did you even love me?"puno ng hinanakit na nakatingin ako sa kanya.
Nakuha ko pang itanong hoping na sana ang isasagot niya ay OO. My world sunk, when I heard his answer. I should have known, nakita ko na nga. Tinanong ko pa.
"No, I don't love you..." mahina niyang tugon pero parang bombang sumabog sa tainga ko. Narinig ko ang tawanan at bulungan ng mga taong naroon. Hindi ko ito kaya. Napayuko ako at hinawakan ang dibdib ko kong naninikip.
"Anthony, bakit ba kase hindi mo sinabi sa kanyang you need someone na pang display hindi tulad niyang dapat na itinatago. "narinig kong sabi pa ng babae.
Nagkatawanan na sila . Tumingin ako kay Anthony. Nagbabakasakali pa rin ako na ipagtatanggol niya ako.
Lalo akong napahiya, nakatingin lang si Anthony sa akin. Wala man lang siyang ibang sinabi. Napailing-iling ako, hindi ito ang Anthony na nakilala at minahal ko.
Tumakbo ako palayo sa kanila. Malayong-malayo sa mga taong nakasaksi ng lahat ng pangyayaring iyon. Parang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig ang tawanan nila. Ang sakit, parang sasabog ang dibdib ko.
Why do I need to feel this way?Nagmahal lang naman ako. At mukhang sa maling tao pa. Mula noon palaging tumatawag si Anthony. Pinatay ko ang cellphone ko at kinwento ko kay Claire ang nangyari at hindi naman niya ako iniwan. Sinamahan niya ako at siya din ang naging trainer ko kapag pumupunta kami sa gym. Palagi siyang nandoon, at pinipigilan ako kapag nag stress eating ako kapag naaalala ko ang ginawa ni Anthony. Even my parents ay hindi alam ang nangyari sa akin dahil ayoko ng pag-alalahanin ang mama ko.
Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata.
Tama na Theressa , atleast nasabi mo na sa kanya ang gusto mong sabihin. Iyon na yun.Kalimutan mo na ang nakaraan at mag move on para sa sarili mo.
Nakatulog ako sa sobrang pag-iisip ko. Nagising ako sa ingay na nagmumula sa ring ng cellphone ko. Mabigat pa rin ang aking mga mata. Feeling ko namamaga ito dahil kinagat ng maraming ipis.
Pinilit kong sagutin ang tawag, at hindi ko na pinansin kung sino ang caller at basta sinagot ko na lang.
"Hello..." sabi kong medyo paos. Pinilit kong idilat ang mata ko. Tiningnan ko ang relo ko. Alas nwebe na pala ng gabi.
"Are you okay Theressa ?"narinig kong sabi ni Aaron na nasa kabilang linya. Napabangon akong bigla.
"Yeah, ayos lang ako. " sagot ko pero alam kong hindi ako okay.
"Sounds like you cried a lot. "sagot niya sa kabilang linya. Worried ang boses nito.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko bago nagsalita.
"Gabi na, bakit napatawag ka pa. " tanong ko sa kanya.
"Just checking if you're okay. "malumanay na sagot nito.
"Okay lang ako" sabi ko sa kanya.Assuring him that I'm ok, but it looks like I'm telling it to my self.
"Why do I have this feeling na hindi ka nagsasabi ng totoo?" tanong niya.
"Bakit manghuhula ka ba?" pamimilosopo ko at napatawa.
"Can I come?" narinig kong tanong niya.
"No!" mariing sagot ko. Hindi niya ako pwedeng makitang ganito. Baka pagtawanan pa niya ako.
"Too late, dahil nandito na ako sa gate ng bahay mo. " Sabi niya at pinatay ang tawag.
Naku naman Aaron, ano ba namang nakain mo at pumunta ka pa dito . Sumilip ako sa bintana and hoping na sana isa lang ito sa mga biro niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nasa may gate na nga.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang sasabog...sa kilig at tuwa?
Nakalimutan ko tuloy na namamaga ang mga mata ko at dali-dali akong lumabas.
"Lakas ng trip nito. " bungad ko sa kanya. Nakita kong nagbago ang expression ng mukha niya.
"Umiyak ka ba?" sabi niyang agad na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko. Nakuryente na naman ako.
"What happened? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong niya.
"Wala. " maikling tugon ko.At iniwas ang mukha ko sa kanya.
"Come on, let's go inside" sabi niya at iginiya ako papasok ng bahay.
Bumuntong hininga na lang ako. I feel good nang makita ko siya, parang nagkaroon ako ng kakampi. There is assurance of security sa mga oras na ito.At nakalimutan ko na umiiyak palang ako kanina. Napalitan ito ng saya.
Naupo ito sa sopa at pinaupo niya ako.
Ang Awkward ng pwesto namin. Nakatagilid siyang paharap sa akin at ganoon din ako dahil hawak niya pa rin ang kamay ko.
Tbc...
A/N
That's it for tonight, see you tomorrow.
Let me know of your thoughts for this chapter ?