Nang magising ako kinaumagahan ay napansin kong may mga kamay na nakayakap sa akin. At hindi ako sa unan nakaunan kundi sa dibdib ng isang lalaki. Bigla akong napabalikwas ng bangon nang makita ko si Aaron .
"Ahhh!" Napasigaw naman ako sa gulat. Bagay na ikinagising niya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang aking sarili. May damit naman ako. Tumingin ako sa kanya at bigla kong naalala ang nangyari.
"Theressa , don't act as if may nangyari sa ating dalawa. " sabi nito at bumaba na ng kama. Napahiya ako.
"I'll go ahead, thanks for accommodating me by the way. " sabi pa nito at umiling-iling na lumabas.
Nakahinga ako ng maluwag ng nakaalis na siya. Ang gaga ko talaga, kung ano-ano kasi iniisip eh. Parang na-offend tuloy si Aaron. Hay naku bahala na nga!
Dumiretso na ako sa banyo. Naligo ako at agad na nagbihis. Nang makababa ako sa cafeteria ng resort kumaway si Claire sa akin.
"Hmm...I think may dapat kang ikwento sa akin. " sabi nitong nakangiti na para bang may inaabangang hot chismis.
"Kwento? Tungkol saan?" tanong ko naman.
"Esa, sa cottage mo bumaba si Aaron kanina—" hindi ko na pinatapos si Claire.
"Claire , walang ganoon. Yes doon siya natulog pero walang issue doon. " sabi ko pa at humigop ng kape.
"Come on Esa, I'm your best friend after all. " sabi nitong hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Wala nga talaga Claire , sinamahan lang ako ng tao na matulog. Takot ako sa kulog remember?" honest na sagot ko. Pero hindi pa rin siya naniwala.A ghost smile is visible on her face.
Matapos mag-agahan ay nagkanya-kanya na kami pabalik sa cottage para kunin ang mga gamit namin.
May hinahanap na naman ang mga mata ko bago kami umalis ng resort. Hindi ako mapakali, parang kailangan ko talaga na humingi ng tawad sa inakto ko kanina kay Aaron.
"Umalis na siya kanina pa, hindi ba nagpaalam sa iyo. " narinig ko si Matthew sabay tawa na tila ba nang-aasar.
Sinamaan ko lang ito ng tingin. Buti nalang at nakinig ito ng sawayin ni Claire. Ganoon ba ako ka-obvious?
Tahimik ako sa buong biyahe. Si Ryan na ang naghatid sa akin sa bahay. Hindi rin ito nagtagal after maipasok ang mga gamit ko sa bahay.
"Thanks Ryan. " pasasalamat ko sa kanya.
"You're welcome. " sagot nito sabay kindat. Natawa nalang ako. Hanggang ngayon may pagkapilyo pa rin pala ang loko.
Napabuntong hininga ako. Naalala ko ang nangyari kagabi. Napangiti nalang ako, silly thoughts.Pero kailangan ko pa rin na humingi ng tawad. Siguro pagnagkita nalang ulit kami. O kaya kung maligaw siya sa Restaurant.
Ilang linggo na ang lumipas mula ng huli ko siyang makita. Deep inside of me is longing to see him again. Namiss ko ang lokong iyon. Hindi ko na rin siya nakikitang kumakain sa restaurant.
"Hey Theressa , wake up. Ano ka teenager na naghihintay kay crush ?" Kinakastigo ako ng aking sarili.
Twice a week kung daanan ako nila Claire at Matthew sa restaurant. Doon sila kumakain at the same time chikahan na rin namin ni Claire .
Nagpaplano na ang dalawa to settle down. Kaya medyo busy na sila.
"So dito niyo ime-meet ang weeding coordinator niyo?" tanong ko kay Claire .
"Yeah, thanks to the best man at may nakausap agad si Matthew. " sagot niyang nakangiti.
"Best man?" naataas ang kilay na tanong ko.
"Si Aaron. " nakangiting sagot niya, natawa siya ng makitang namula pisngi ko.
"Esa si Aaron ang best man namin, he's Matt's best friend remember?" dugtong pa nito at tuluyan nang tumawa.
"Look at you, para kang high school girl na nahuli sa akto ni crush. " natatawa pa ring sabi nito.
"Claire !" saway ko naman sa kanya. Napahawak nalang ako sa pisngi kong nag-iinit.
Medyo matagal na rin ng huli kong makita si Aaron. At ewan ko ba, parang may iba akong nararamdaman. Magkakasakit ata ako nito.
Claire knows me inside and out. Kaya hindi ako makakapagtago sa kanya ng lihim na kahit na ano. Malakas makabasa ng nararamdaman ang isang ito.
Parang manghuhula lang, o di kaya ganoon ako ka-obvious? Ay ewan, parang mas lalong namula ang pisngi ko sa sunod niyang sinabi.
"You like him don't you?" tanong nito at sumeryoso.
"Hindi no" mabilis ang sagot ko pero hindi ako tumitingin sa mga mata niya. Napayuko nalang ako.
"Theressa, we're not high school anymore. Learn to forgive and forget." sabi niyang ginagap ang mga kamay ko.
"Alam kong natatakot kang masaktan because of the past.Aaron is all grown up now, we are all grown ups. Hindi rin siya si Anthony na lolokohin ka lang. " dugtong pa nito.
"I'm not his type. " biglang sagot ko. Natawa na naman ito at hinampas ako sa braso.
"Ouch."tiningnan ko siya ng masama at hinimas ang hinampas niyang braso.
"Sometimes we say things we never meant to..." sabay kindat niya sa akin. Baliw talaga, kung ano ano na naman sinasabi.
Nagkatawanan nalang kami. I don't want to assume something. Mahirap masaktan, and not this time.
Iniwan ko sina Claire at Matthew nang dumating ang coordinator kasama si Aaron . Hindi ko maintindihan ang sakit na unti-unting namayani sa puso ko. Why I need to feel this way?And why am i feeling this? Hinawakan ko ang medyo sumakit kong dibdib. What's happening to me?
Masayang nakipagbeso-beso ang wedding coordinator kina Claire at Matthew. Sopistikada ang babae, maganda at talaga namang sexy. Hawig niya si Sofia Andres, mas matangkad nga lang siguro ito. Napailing nalang ako sa ginagawa ko.
" Ano ka ba Esa, talagang sinusuri mo pa ang katabing babae ni Aaron ha?"
Kinakastigo ko na naman ang sarili ko. Iniwan ko kay Yanna ang mga lutuin at iba pa. Nagstay ako sa office para ayusin ang mga bills at perang kailangan kong ideposito sa bangko.
Kailangan kong magpaka professional, bawal KJ kapag nadaanan ko sila. Nilakasan ko ang loob ko. Ayokong makita ni Aaron o ni Claire na hindi ako okay. Nagseselos kase ang lola mo. Bakit nga ba? Wala namang kami ni Aaron , bakit naiinis ako sa isiping may kasama siyang ibang babae.
"Hey Esa" tawag ni Claire nang mapansing papalabas na ako.Napalingon ako dito at ngumiti.
"Are you leaving?" dugtong nito.
"Yeah, I have to pay bills and deposit sa banko na din ." sagot ko dito.
Hindi ako tumitingin sa direksyon ni Aaron though alam kong nakatingin siya sa akin.
"Ihahatid na kita. " narinig kong sabi niya.
"No thanks, may taxi na naghihintay sa akin. " sagot ko at saglit na tinapunan siya ng tingin. Disappointed. Iyon ang nakita ko sa mukha niya. Why?
"By the way, I want you to meet Mira. The wedding coordinator. " si Claire ulit. Agad ko inilahad ang kamay ko sa kanya.
"Theressa Cabiltes. "pagpapakilala ko at naglahad na din ng kamay. Ngumiti lang siya sa akin. Hindi na ako nagpakaplastik pa.
"Excuse me, I really have to go. " sabi ko at tuluyan ng lumabas doon. Nakahinga ako nang maluwag ng may taxi akong nasakyan kaagad.
Pagkababa ko ng taxi at makabayad may isang taong umagaw ng aking atensyon. Hindi ko ineexpect na makikita ko pa siya ulit. Si Anthony .
Dumiretso lang ako sa loob ng bangko. Ilang minuto rin ang aking hinintay para maasikaso ng teller ang aking deposit at payments sa mga bills. Akala ko hindi ko na siya ulit makikita pa. To my surprise nasa labas siya ng bangko at mukhang may hinihintay.
"Theressa. " tawag niya sa akin. Hindi ako handang kausapin siya, pero I have to.
Gusto ko sanang hindi siya pansinin pero magmumukha akong loser. Linakasan ko ang loob ko. Nakangiti akong humarap kay Anthony.
"Oh,Anthony what a surprise. " sabi ko sa kanya.
"Yeah, siguro talagang dito ako na-assign para makita kita ulit. " sabi nito.Him and his sweet tongue.
Mas lalo siyang naging gwapo.Jericho Rosales ng university namin. Napailing nalang ako sa naisip ko.
"Can we talk?" tanong niya.
"Honestly, I have to go. " sagot ko. Hindi ko talaga siya kayang harapin. Ngayon pa nga lang parang nagpa-flashback na ang nakaraan namin ay bumibigat na naman ang dibdib ko.
"Please Theressa. " sabi pa nito.
"Go girl, kaya mo yan. Para magkaroon na kayo ng closure "sabi ng kabilang panig ng utak ko.
Ok fine, para na rin sa ikakatahimik ng buhay ko.
"I will only give you 5 minutes" sagot ko sa kanya.
Napangiti naman siya. Inaya niya ako sa isang cafeteria malapit sa bangko kung saan siya ang bagong manager. Wala akong mahagilap na salitang pwede kong sabihin sa kanya. Nakayuko siya, tila ba ay nahihiya. Aba, dapat lang noh! Pagkatapos ng ginawa niya, dapat lang talaga siyang mahiya.
"Theressa, I'm really sorry for what happened. " simula niya. Ginagap niya ang kamay ko.
"I know I've been a fool, natakot ako sa sasabihin ng mga tao. " pag-amin niya.
So ikinakahiya nga niya ako dati? Ha!
Iniwas ko ang tingin sa kanya. Though nakikita ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya ayokong isipin niyang okay lang ang ginawa niya sa akin.Mali pa rin ang ginawa niya. He cheated.
"Don't give me that alibi Anthony , I tried my best to keep our relationship work. " ako naman ang nagsalita. Parang sasabog ang dibdib ko.
"You lied to me and worst cheated on me. " sa wakas nasabi ko rin.
"How dare you!" medyo napalakas ang boses ko. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Kaya itinikom ko ang mga kamay ko.
"I tried to call you but you keep on ignoring me. " nakikita ko ang bigat na nararamdaman niya.
"Para ano? Magkunwaring totoo ang feelings mo sa akin? Are you out of your mind? Ikaw ang nagsabi sa mga kabarkada mo Anthony ..." napalunok ako dahil alam kong malalaglag na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"You're not inlove with me, you just used me. " dugtong ko pa at tuluyan na akong napaluha. Hindi ko na yata kaya. Ang sakit sa dibdib.
TBC...