I don't want someone perfect.
I just want someone to act silly with,
someone who treats me well,
and someone who loves being with me
more than anything else... ?
......
Carla P.O.V
akala niya noon pag pinasok nya ang isang bagay ay madali nya itong malulusutan.
Pero paano kng mapunta ka sa isang sitwasyon na aminin mo mn o hndi mamili ka man ng taong mamahalin.
Ang tanong may choice kaba?
Pag si tadhana na ang naki alam kahit anong pagpipigil ang gagawin hindi ka pa rin magwawagi.
Katulad sa sitwasyon ni carla,alam nya sa sarili nya na umiibig na ang mahiyain nyang puso sa asawa, masaya sya sa ipinadamang kaligayan sa kanya ni kent sa pagiging maasikaso nito sa kanya lalo na ng malaman nito na siya ay nagdadalangtao.
Minsan naiinis na siya rito sa pagiging sobrang protective nito na m8nsan nauuwi sa away nilang dalawa.
Sunday morning katatapos lang nilang mag breakfast at nakapagh8nga na siya kagit papaano papasok na siya sa banyo nang sutahin siya nito.
"Saan ka?" Saad nito na isinirado ang laptop nito at hinarap siya.
"Maliligo...."
"Tss...sabi ko sayo hindi ka pwedeng maligo na mag isa paabo kung madulas ka dyan.."masungit na saad nito na tumayo na at lumapit sa kanya.
"Hep hep dyan ka lang...my God kent hindi nga kita iyong baby bump ko atsaka hindi naman sigiluro ako aanga anga para madulas buntis lang ako hwag mo akong imbalido kaya ko ok" hindi niya na ito hinintay na sumagot agad siyang pumasok sa loob nang banyo at isinarado ito.
"Ok sorry corncern lang ako sa iyo ayaw ko lang kayong mapahamak sige tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka"
Hindi na lang sumagot ai Carla at ipinagpatuloy ang pagligo.
Kahit nakakainis na ang pagiging OA nito pero thankful pa rin siya sa Sobrang sweet nito na tuwing uuwi ito galing trabaho ay palagi itong may dalang pasalubong with flowers.
samantalang todo bantay at alaga naman sya ng mama ni kent na tinatawag nya na ring mommy na sa pagiging maalaga ay kulang nalang pati pagpasok nya sa paaralan ay sasamahan sya nito.
"Mama veronica thank you po sa oag guide sa akin sa pagturo sa mga dapat kung gawin" hinging pasalamat ni Carla dito.
"Ay naku iha its my pleasure anak na rin kita kaya ako na din ang humihingi nang pasensya sa kakulitan nang anak ko mana lang iyan sa ama niya ganyan din kasi daddy niya noong ipinagbubuntis ko pa si kent OA din sa pagiging protective syempre first time dad"natatawang saad ni mama veronica.
tanggap siya ng mga magulang ni kent kahit pa alam nila ang pinangalingan ko at ang pagiging mahirap ko.
Ayon sa ama ni kent hindi daw mahalaga ang estado sa buhay nakakaangat ka man o hindi lahat daw tayo ay pantay pantay.
Ang importante ay masaya daw sya at napapatino nya daw si kent na wala naman talaga syang ginawa.
Nagpapasalamat din sila dahil bibigyan ko daw sila ng pinakahihintay nilang apo.
Oo masaya sya sa ngayon pero hindi niya maiwasang di matakot.
Paano kung dumating ang araw na iiwan sya ni kent na hindi pala nito masusuklian ang pagmamhal nya at paano kung ma realize nito na hindi talaga siya na babagay sa pamilya nito.
Marami syang mga tanong na walang kasagutan.
Paano kung palayasin sya nito saan sya pupunta?
Habang hindi pa na realize ni kent ang lahat ay pipilitin nya monang maging masaya sa piling nito.
- - -
Trust and communication
are the foundation
of a healthy relationship...
?????
Nasa kalaliman na ng pagtulog si Carla ng magising sya,napansin nyang wala sa tabi ang asawa at naulinigan niya ang boses nito sa veranda ng kwarto nila.
Dahil nauuhaw siya
Bumangon sya pra uminom ng tubig.
napadaan sya sa gilid ng verandah ng hindi sinasadyang nabanggit nito ang pangalan ng kausap Kelly, kelly ang pangalan ng kausap ni kent pangalan ng isang babae napansin niya nitong mga nakaraang araw na masyado itong buzy at palaging may kausap sa phone na minsan pa halos pabulong kung kausapin nito.
Halos gabi gabi itong may kausap sa phone kaya hindi nya maiwasang magduda dala siguro ng pagbubuntis nya.
Tinanong nya ito minsan kung sino ang kausap nito sabi nito tungkol sa negosyo.
Ang ipinagtataka nya bakit dis oras ng gabi kung sila ay mag usap. hindi nya maiwasang mangamba paano kung makahanap si kent ng mas higit sa kanya at palayasin na lang sya bigla saan sya pupulutin pag nangyari iyon.
minsan nasa banyo si kent ng mag ring ang phone nito at ang pangalan na naka register sa screen ng phone nito ay kelly. sinagot niya ito at boses ng babae ang nsa kabilang linya.
minsan din nabasa niya ang mensahe nito na magtlkikita sila ni kent noong araw na late na ng gabi umuwi ang asawa.
Nabalot ng pangamaba at selos ang puso niya sa atensyong ibinibigay nito sa kelly na iyon.
Minsan na ngalang silang mkapag usap dahil sa pagiging buzy nito.
Dahil sa magulo at malalim ang iniisip nya Hindi na sya nag abala pang buksan ang ilaw at hindi sinasadyang nabunggo nya ang vase na nka display sa sala kya lumikha ito ng ingay.
Dahil sa kabiglaan ay agad niyang pinulot ang kawawang nagka pira pirasong vase.
Samantalang katatapos lng ni kent sa pakikipag usap ng makarinig sya ng may nabasag.
Kinabahan sya ng makita nyang wla sa kama ang asawa agad siyang lumabas ng kwarto at nadatnan nya si manang na nililinis ang nabasag na vase at ang mga magulang niyang inalalayan ang asawa pa upo.
"hey..anong nangyari?"
Nag aalalang tanong nya.
"ano ka ba naman iho, bakit mo naman pinabayaan ang asawa mo na lumabas ng kwarto na madilim alam mo naman diba na maselan ang pagbubuntis nya. diba sinabi ko sayo na dapat maging alerto ka at bantayan mong mabuti ang asawa mo paano kung hindi lang iyan ang nangyari sa kanya."
Sermon ng mama nya sa kanya habang ginagamot nito ang sugat sa kamay ni carla.
"hwag po kayong mag alala ma ok lang naman po ako at saka wala naman pong kasalanan si kent nauuhaw lang po kasi ako at saka po hindi ko na lang po binuksan ang ilaw dahil may liwanag naman po na galing sa buwan at saka pasenya at sorry po kung nabasag ko po ang vase nyo at na distorho ko po ang mahimbing nyong tulog nahilo lang po kasi ako"
Hinging paumanhin ni carla sa mga byenan.
"Hindi iha responsibilidad ng asawa mo ang alagaan ka kung may gusto kang kainin o nauuhaw ka sa dis oras ng gabi gisingin mo yang asawa mo at sya ang utusan mo ingatan mo ang sarili mo,"
"Sige na bukas na tayo mag usap magpahinga na tayo sige na kent dalhin mo na ang asawa mo sa kwarto nyo pra makapag pahinga na, bawal sa buntis ang mapuyat"
Sabi nang ama ni kent,inakay siya ng asawa sa loob ng kanilang silid ng walang imikan at ng makahiga na si Carla ay sabay silang nagsorry ni kent.
"Sorry hon ha at saka narinig mo si mom sana tinawag mo ako"
"Sorry talaga nahiya kasi akong distorbuhin ka dahil mukhang seryoso iyong pinag uusapan nyo nong kausap mo sa phone"
"Kahit sino pa yang pontio pilatong kausap ko ibaba ko pag tinawag mo ako kaya next time please mangako kang gigisingin at tatawagin mo ako"
Tumanggo lamang si carla.
Lumipas ang linggo na may kausap pa rin si kent sa phone tuwing hating gabi kaya mas lalo syang nagduda na may inililihim si kent sa kanya at nacucurios siya kung sino at ano sa buhay ni kent si kelley.
?????