18

1339 Words
The only route to success is hard work. If you didn't work hard I don't think it counts as success.. - - - Ngayon isa sa pina ka importanteng araw sa buhay ni Carla ang araw ng kanyang pagtatapos, sobrang saya niya dahil sa kabila ng lahat ng paghihirap at sakripisyo nya noon para lang makapag tapos ay nagbunga na rin sa wakas makukuha niya na ang pinakamimithing diploma, kahit pa sa kalagayan nya na masilan ang kanyang pagbubuntis. Gusto nyang si kent ang magsabit sa kanya ng medalya bilang isa sa mga outstanding students of the year, nais niyang ibahagi sa asawa ang tagumpay nyang nakamtan. Pero may importante pa daw itong lakad pero nangako naman ito na hahabol at saka andyan naman ang mga byenan nya. At sa ikli ng panahon na nagsama sila ay kilang kilala nya ito na kapag nangako ito kahit anong mangyari tutupad at tutuparin nito ang pangako nito na darating ito. Pero siguro nga hindi nya pa lubusang kilala si kent. Na katulad ng ibang pangako na napapako. Dalawang oras na mahigit ang lumipas pero wala pa rin ang asawa,natapos na ang ceremony pero ni anino ni kent ay walang dumating. Pagdating nila sa bahay ay wala din si kent,may munting salo salo pa na mang inihanda ang mga byenan nya. Dahil siguro sa sama ng loob nya pra kay kent ay nawalan siya ng ganang kumain kaya pagkadating nya sa bahay humingi siya nang paumanhin sa mga byenan nya na hindi na siya sasabay sa pagkain na magpapahinga na muna sya. "Ma hindi pa naman ako gutom mamaya na lang po ako kakain magpapahinga na muna ako" "Sure ka iha crackers at gatas lang ang kinain mo kanina, gusto m9 bamg padalhan kita nang pagkain sa kwarto niyo." Nag aalalang saad ni mama veronica sa kanya. "Ok lang ako ma,hwag po kayong mag alala baba lang po ako kakain po ako mamaya kung magugutom na ako" nakakaintinding tumango ito. Pagkapasok niya sa loob ng kanilang silid ay agad bumuhos ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan. Napa iyak sya sa sama ng loob para kay kent at awa sa sarili. Nakatulugan nya na ang pag iyak, kaya pag gising nya kinabukasan ay magang maga ang mga mata nya. Hindi pa rin umuuwi si kent, sabi ng mommy nito ay hindi daw ito sumasagot sa tawag. Naalala nya na narinig nya minsan ang usapan ni kent at kelly na may outing daw ang barkada baka doon pumunta si kent. Siguro nga hindi importante para dito ang nakamit nya. Kinabukasan na ng gabi umuwi si kent, Kent P.O.V Kararating lang niya galing batanggas may get together kasi silang magbabarkada syempre kasama si kelly dahil bago sila naging magka relasyon noon ay barkada nya na ito. Tatlong araw syang nawala hindi sya masyadong nag alala para sa asawa dahil andyan naman iyong mga magulang niya alam nyang hindi nila pababayaan si Carla. Alam nyang nag aalala ang mga ito sa kanya hindi kasi siya nakatawag, dahil kinuha ni kelly ang mga phone para daw walang istorbo at kanina lang niya nakuha at dahil pauwi na din sya hindi niya na inabala pang buksan ang phone nya. Hating gabi na ng maka uwi sya pinagbuksan sya ni manang ng gate. "Saan kaba galing bakit hindi ka man lang tumawag, nag alala na kami sa iyo ah..iyong mommy at daddy mo halos kada oras tumatawag kung naka uwi kana ba dahil hindi makontak ang telepono mo." Sermon ni manang sa kanya. "Ho umalis sina mommy saan ho sila nagpunta?si Carla po kumusta?" Di niya alam na aalis para mga magulang niya. "Iyong mommy at daddy mo umalis pumuntang europe na sched. Na dw iyong flight nila hinintay lang daw nila iyong graduation ni carla umalis sila kaagad at ang asawa mo naman nag alala na ako doon matamlay at walang ganang kumain, palaging nagmumok mok sa kwarto nyo." Pahayag ni manang, pagkatapos ng pag uusap nila ng matanda ay pumasok na sya sa loob ng silid nilang mag asawa. Wala ito sa kama at nadatnan nya itong nakaupo sa upuan sa veranda at nakatanaw sa madilim na kalangitan at mukhang malalim ang iniisip. Parang syang pinag sakluban ng langit sa guilting nararamdaman ng makita nya kung gaano ka lungkot ang mukha nito at pulang pula ang mga mata at ilong nito tanda na kagagaling lang nito sa pag iyak. "Nandito ka lang pala, malamig na dito baka hamugin ka halika na pumasok na tayo sa loob." Tiningnan lang sya ng asawa at tumayo ng wala man lang imik. Agad itong humiga at tumalikod sa kanya. "Pasensya ka na hon ha, kung hindi ako nakag paalam sayo at saka hindi ako nakatawag, hindi ko naman kasi alam na kukunin ng kaibigan ko ang phone namin at saka wala din kasi akong masakyan kasi kinuha din nila ang susi ng sasakyan ko, sorry talaga kung alam ko lang na aalis sina mon sana hindi na lang ako umalis." Hindi pa rin umiimik si Carla. "Magsalita ka naman hon sorry talaga, wala ka daw ganang kumain at saka hindi ka daw lumalabas ng kwarto, ok ka lng ba? gusto mo bang kumain ipaghahanda kita?" Wala paring nakukuhang reaksyon si kent mula sa asawa, ni ayaw siyang tingnan at kausapin nito at alam nya na may mali siya kaya nga humihingi sya ng patawad. Dala marahil ng sobrang pagod nya galing sa byahe, at frustration dahil ayaw siyang kausapin nito ay napagtaasan niya ito ng boses. "ano ba Carla, ano bang gusto mo? Oo nagkamali ako kaya nga diba humingi ako ng tawad, Napapagod na ako, ano bang gusto mong gawin ko pra kausapin mo ako" Singhal nya sa asawa na hindi man lng nya iniisip na buntis ito. Bumangon ito sa higaan at hinarap siya. "Ano bang gusto mong sabihin ko ha? Ang awayin ka? Bakit may karapatan ba ako,? Kung napapagod ka mas napapagod ako, nakakapagod kent ang maghintay sa isang taong walang kasiguruhan ang nararamdaman, ang maghintay at umasa sa mga pangako mo kent, nakakapagod magtanong sa mga walang sagot na gumugulo sa isip ko iyong bang palagi akong nasa ere hindi alam nangangapa ako. kung napapagod ka na, napapagod na rin ako kaya siguro mabuting pang tapusin na natin ito, itigil na natin ang kahibangan na ito." Umiiyak na sabi ni Carla,at ng makita ni kent na umiiyak ang asawa ay nataranta siya lumuhod sya sa harap nito at niyakap ang mga tuhod nito. "alam mo kent napagod na akong umasa na may magmamahal at tatanggap pa sa akin, alam ko nahihirapan ka rin sa sitwasyon natin, kaya hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko itigil na natin ito."patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ni carla "No..sorry hon, sorry hindi ko sinasadya na masigawan ka patawarin mo ako." Hindi alam ni kent ang bumalot na takot na lumukob sa puso niya. "Please kent palayain muna natin ang sarili natin, nagmamakaawa ako sayo hanapin mona natin ang mga sarili natin kung ano ba talaga priority natin ayaw kong dumating tayo sa ponto na baka pati iyong respito ko sa sarili ko, at sayo mawala rin alam ko girlfriend mo noon si kelly at nararamdamn kung hanggang ngayon ay may puwang pa rin sya sa puso mo, gusto kong awayin ka, gustong gusto kong ipamukha sayo na nasasaktan ako sa atesyong ibinibigay mo sa kanya."hindi pa rin tumitigil ang pagpatak nang mga luha nito. "ayaw ko man pero oo nagseselos ako sa kanya tuwing hating gabi akala mo ba hindi kita nadidinig ang mga pinag uusapan nyo, umiiyak ako ng palihim kasi nasasaktan at naawa ako sarili ko na para bang humihingi ako ng pagmamahal sa isang taong kailanmay hindi maibibigay sa akin oo, im falling in love with you kent at ayaw ko sa nararamdaman ko kasi masasaktan at mawawasak lang ako" malamig na hayag ni Carla. Nayanig si kent sa nalaman gusto nyang matuwa dahil sa narinig gusto nya itong yakapin at patahanin sa pag iyak pero hindi nya alam kung paano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD