♾️♾️♾️
Naalimpungatan, si Carla ng may malakas na kumakatok sa pintuan nang kanilang silid.
Narinig niya si Fe na isa sa mga kasambahay ni kent.
Alas 7 palang nang umaga nang sulyapan niya ang orasan sa may pintuan agad niyang binuksan ang kasambahay.
"Good morning po ma’am, pasensya napo kayo at naistorbo ko po ang iyong tulog. pero po kasi may babae po sa labas na naghahanap sa inyo.galit po,kanina pa po sumisigaw nakatawag pansin na po siya sa mga kapitbahay natin, si sir po kakaalis lang, may bibilhin lang dw pero babalik din dw po iyon agad."
takot na pahayag ni fe sa kanya,
"ok lng fe bumaba ka don, hwag nyong papasukin, susunod ako."
tumango ito at agad umalis.
nagtataka sya kung sinong naghahanap sa kanya hindi naman siguro si Juna dahil ayon ky fe nagwawala daw.
pagkatapos ayusin ang sarili ay agad siyang bumaba tama nga si fe ilan sa mga kapitbahay niya nkasilip sa kanila. karamihan sa mga ito ay nasa bahay lang ngayon dahil linggo at walang pasok.
Naulinigan niya ang boses ng isang babae na sumisigaw, pamilyar ito sa kanya.
nandon na iyong guard nila at ibang kasambahay inaawat ang babae na kung hindi sya nagkakamali ay ang tiyahin nya.
pagkakita nito sa kanya ay agad na nanlisik ang mga mata nito at akmang susugurin siya mung hindi agad humarang si fe baka nahablot na nang galit na galit niyang tyahin ang buhok niya.
"Hayop kang babae ka, walang hiya ka, walang utang na loob pagkatapos kitang palamunin at patirahin sa pamamahay ko ito pa ang igaganti mo."
galit na sabi nito,at dinuro duro pa siya.
inutusan niya ang mga kasambahay at si manong guard na tinawag pala ni fe nang magwala ang tyahin niya na bitiwan ito at iwan muna sila.
nag atubili pa ang mga ito na iwan sya kasama ang tiyahin.
“Sigurado ka po ma’am?” May pag alala na hayag ni fe mginitian niya lang ito.
"hwag kayong mag alala ok lang ako pasensya na kayo ha pasuyo na lang ako fe na bigyan nang maiinom c manong guard salamat.”
hinging paumanhin niya sa mga ito.
Pumasok ang mga ito pero si maning guard ay nanatiling nakatayo di kalayuan sa kanila na hinayaan na lang ni Carla.
pagkaalis ng mga ito ay nilapitan niya ang tiyahin para magmano tanda ng paggalang niya dito,
pero imbis na tanggapin ay sinampal siya nito ng ubod lakas,na sobrang lakas ay para siyang nabingi.
Agad na lumapit si Manong guard pero senesyasan lang ito ni Carla na ok lang.
"walang kang utang na loob pagkatapos kang patirahin at tanggapin ng asawa ko sa pamamahay namin, ito pa ang igaganti mo ang ipakulong siya, walang hiya ka."
galit na sabi ng tiyahin niya, nanginginig sya sa takot, habang nanglilisik ang mga mata nitong nakatutok sa kanya, namamanhid na ang magkabilang pisngi niya, sa pananampal nito, at halos matanggal ang mga buhok nya sa anit sa pagkaka sabonut nito.
Agad na itong inawat ni manong huard at inilayo ang tyahin niya sa kanya agad sumaklolo si Fe sa kanya.
gustong gusto niyang lumaban pero alam niya mas lalo siyang masasaktan, naguguluhan siya sa sinasabi nito, anong pinakulong? mula nang ibenta ng Tiyuhin at muntikan nang mapahamak ay hindi niya ito nakita, at saka takot siya dito ang ipakulong pa kaya.
natatakot siya, iyak lang ang tangi nyang magawa, at sa tuwing susubukan niyang magpaliwanag ay sinasampal siya nito.
At halos lahat ng mga kapitbahay niya ay napapasinghap sa bawat pagtama ng kamay ng tiyahin sa mukha niya kung hindi pa umawat ang guard at si Fe at di siya nito titigilan.
"kung hindi pa kita sinundan kahapon, hindi ko pa malalaman na dito ka lang pala nagtatago,at pinagtataguan mo pa talaga kami dito ka lang pala nagtratrabaho, haliparot ka"
Napayuko, siya ng akmang sasampalin naman siya nito at ipinikit ang mga mata, inangat niya ang mukha ng hindi dumapo sa ulo niya sampal nito.
Nabigla siya sa nakita, si kent galit na galit hawak ang kamay ng tiyahin, at walang sabi sabing itinulak, na sa sobrang lakas ay napa upo ito sa sahig.
Samantalang kadarating lamang ni kent nang makita niya ang asawa at ang galit na galit na babae.
Maaga pa lang ay gising na gising na ang diwa niya, masuyo niyang hinaplos ang mukha ng natutulog na asawa.
Hindi na nasundan pa buhat ng may mangyari sa kanila, nirerespeto nya ito.
Napakahimbing ng tulog nito, sobrang napagod ito sa date nila kagabi, napapangiti siya dahil sa kakaibang nararamdaman niya para dito, hindi niya ma explain.
dahil linggo naman at pareho silang walang pasok kaya hinayaan niya na lang itong matulog.
Pagkatapos pagmasdan ang natutulog na asawa.
Bumangon siya at naligo, buhat ng ikasal sila ay hindi niya pa ito nabigyan ng bulaklak, kaysa iutos sa sekretarya siya na mismo ang bibili,
bago lumabas ng kwarto ay magaan niyang hinalikan sa labi ang asawa, at nakangiting lumabas.
pagdating niya tindahan ng mga bulaklak ay agad siyang pumili, naka agaw pansin sa kanya ang kulay ube na bulaklak, iyon ang pinili nya dahil napansin niya sa asawa na mahilig ito sa kulay violet.
(si author ang mahilig sa kulay violet, pangarap niyang magkaroon ng bahay na puro kulay violet. Ms.violet kng sya ay twagin sa kanila. hehe paxenxa at umeksena naman si author)
pagkatapos ilagay sa magandang lalagyan ang napiling bulaklak ay agad niya itong binayaran.
bago siya umalis kanina ay nagpaluto siya kay fe ng mga pabirotonv pagkain ni carla.
Habang tinatahak niya ang pasilyo patungo sa unit niya ay nagtaka pa siya bakit iyong mga katabi niya sumisilip kung saan naroon ang unit niya.
bigla siyang kinabahan lalo na nang
makita niya ang asawa, umiiyak,nanginginig sa takot habangpilit na inaabot ng babae ang buhok nito buti na lang naroon ang guard nang condo nila at si fe.
Sinaalubong siya nang isa sa mga kasambahay niya agad niyang ibinigay niya dito ang dala niyang chocolate at bulaklak at dali dali niyang sinaklolohan ang asawa.
sasampalin sana ulit ng babae si carla ng pigilan niya ang kamay nito. nasulyapan niyang nag angat ng mukha ang asawa, na pulang pula ang pisngi sanhi siguro sa pananampal ng babae, pati gilid ng labi nito ay putok.
sa sobrang galit niya sa babae ay itinulak niya ito ng ubod ng lakas.
patawarin siya ng diyos ng kawalan niya ng respeto sa matanda pa sa kanya, maiintindihan naman siguro ng diyos na ang mga taong kagaya nito na nanakit na walang kalaban laban ay hindi dapat respituhin.
"sino kang pakealamero ka,ikaw ba ang amo ng malanding ito." duro nito ky carla na inalalayan niya ito, iniyakap niya ang kaliwang braso dito dahil konting konti na lang ay mahihimatay na ito.
kaya pala parang pamilyar sa kanya ang babaeng ito dahil ito pala ang tiyahin ng asawa.
"hwag nyo akong maduro duro dahil nasa pamamahay ko kayo,at hwag na hwag nyong pagsasalitaan ang asawa ko,wala kang karapatang saktan siya."
nanlaki ang mga mata nito ng marinig nito ang sinabi niya na asawa sya ni carla.
"atsaka kung ayaw mo na ipakulong kita kasama ng asawa mo, layuan nyo ang asawa ko,hwag na hwag nyo siyang lalapitan, dahil oras na kinanti nyo ang asawa ko, hindi lang kulungan ang aabutin mo.kaya habang may respeto pa akong natitira pa ra sa iyo bilang tiyahin ng asawa ko, umalis ka na sa pamamahay ko. Now..."
galit na pahayag niya dito, na mababakasan ng takot sa mukha siguro nababasa nya sa mga mata ko na hindi ako nagbibiro sa sinabi ko.
dali dali itong umalis at nag iwan nang matatalim na titig sa asawa.pagkaalis nito, ay naramdaman niyang biglang lumuwag ang pagkakayakap ni carla sa kanya,kaya pala dahil nawalan ito ng malay buti na lang at naagapan niya.
binuhat niya ito at dinala sa kwarto.tinawag niya sa manang
"Manang pakikuha nyo ako ng first aid kit at after po nito tawagin mo ang lahat"utos niya sa pobreng matanda.
pagkatapos ayosin at siguraduhin na ok na ang asawa. ay bumaba na siya at naabutan niya ang mga ito na sa sala.
"Sino ang nagpapasok ng babaeng iyon dito?"
tanong nya sa mga ito.
"Si mam po."
sagot ni fe.
"kung ganon bakit nyo sya iniwan doon mag isa, kayo naturingang mga kasama niya pero mga wala kayong silbi pasalamat kayo at walang masamang nangyari sa asawa ko."
galit na pahayag niya.
"at sa oras na mangyari ulit ito, mag.alsa balutan na kayo agad dahil paaalisin ko kayo.”
bilin niya sa mga ito, pagkatapos pagsabihan ang mga ito, ay kinuha niya ang bulaklak na binili nya, inilagay niya ito sa kwarto nila.
pumunta sya sa minibar nila at uminom habang nag.iisip. dahil nanginginig parin siya sa galit.