Carla P.O.V
Matuling lumipas ang mga araw na matiwasay.
unting unti nakapag adjust si carla sa mundong ginagalawan ni kent.
masyado itong abala sa kumpanya, samantalang siya ay abala rin sa pag aaral niya.
minsan sumasagi sa isipan niya ang tito at tita nya, hinahanap kaya siya ng mga ito.
Ano kaya ang nangyari sa kanya sa matandang intsik na iyon kung hindi siya nakapasok sa kwarto ni kent.
kaya kahit ganong pagkakataon sila nagtagpo ng asawa ay masaya siya dahil sa piling nito ligtas ang pakiramdam niya.
Umaasa siya na sana maging maayos ang darating na mga araw.
muntik niya ng makalimutan na sa loob pala siya ng library at pagtingin niya sa relo niya ay alas 6 na pala ng gabi kaya pala mangilan ngilan na lang ang mga estudyante na nasa loob at madilim na rin sa labas.
Agad niyang iniligpit ang mga gamit at dali daling lumabas sa silid aklatan.
Napatda siya paglabas ng gate ng paaralan dahil nagkukumpulan ang mga studyante.
kalat na ang dilim,anong meron at nandito pa sila, mga babae halos ang naroon. at iyong iba nagkanda haba ang leeg sa kung anong tinitingnan sa gilid ng kanilang paaralan.
Sa isip niya baka artista, kaya hindi na siya naki usyoso pa baka lalo pa siyang gabihin pag uwi.
Palinga linga siya hinahanap ang sasakyan na sumusundo sa kanya.
Nagulat pa siya ng may kumalabit sa kanya, paglingon niya ay ang kaibigan pa lang si juna.
"Ano ka ba naman juna papatayin mo ba ako sa gulat"
pahayag niya dito, na tinawanan lang siya.
"over ka naman sissy, wala pa naman akong narinig na namatay dahil sa ginulat..pwera lang kung may sakit ka sa puso,eh wla ka namang sakit."
Nakangising sabi nito.
"Wala pa nga baka ako pang una, bakit ka ba kasi nanggugulat ka"
Inis na sabi niya.
"Wala, tatanong ko lang kung uuwi ka na,"
napailing na lang siya "sissy"ang tawagan nila kasi magkapatid na iyong turingan nilang dalawa, ito lang ang nabubukod tanging kaibigan niya sa unibersidad.
dito nawawala ang mahiyaing carla pagkasama niya ang kaibigan, dahil sa pagiging taklesa nito.
kaya mahal na mahal niya ito, dahil dito niya nailalabas lahat ng hinanakit niya sa pamilya.. mga problema niya kaya nga naguiguilty siya sa hindi pagsabi dito ang tungkol sa asawa niya, sasabihin din naman niya humahanap lang siya ng pagkakataon.
"hoy bat parang namatanda ka na dyan?"
sabi nito na may pa pitik pitik pa.
"uuwi na ako, malalim na kasi ang gabi "
"anong malalim na ang gabi? heller ala 6 palang teh, halika maki usyoso tayo don, dumating daw iyong isa sa pamilya nang founder nang university natin apo ata sa tuhod! tsaka tinatamad akong umuwi ng maaga maraming gawain sa bahay”
maktol nito sa harap nya.
"umiral na nmn yang katamaran mo,"
tatawa tawang saad niya sa kaibigan.
hinawakan ni Juna ang kamay niya at iginiya sa mga nagkukumpolang mga estudynte,
at ang bruha itinulak pa yong mga estudyanteng nasa harap namin, na tiningnan kami ng masama bago umalis,kaya napunta kami sa harapan.
May nakita syang isang mamahaling sasakyan na pamilyar sa kanya.
tinted ang mga salamin nito, bumukas ang pinto sa may driver side at lumabas ang mala modelong lalaki na kanina pa tila may tinatawagan, nabigla siya ng lumingon ito sa may gawi nila at nagtama ang kanilang mga mata.
ang kanina nakakunot na noo nito ay napalitan ng masiglang mga ngiti. tinatahak nito ang direksyon papunta sa kintatayuan nila ni Juna.
‘Oh my God’ mahinang saad ni Carla
Ang mga estudyanteng mga katabi niya ay nagbulong bulungan na animo mga bubuyog.
tulala pa rin siya ng makalapit ito sa kanya.
"hey.. there you are swetie, care to explain where have you been? Kanina pakita hindi makontak”
kaswal na tanong nito sa kanya at ang mas ikinagulat niya ay ang sunod na ginawa nito, hinalikan siya nito sa harap ng mga kapwa nya estudyante sa harap nang Best friend niyang si Juna na nagpalipat lipat nang tingin sa kanya at kay Kent na may pagtatanong sa mga mata.
Nawindang siya sa pagiging sweet nito.
"kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot, pinapuntahan kita sa guard sa room mo, wala na daw tao doon. alam mo bang pinag alala mo ako, baka napaano ka,"
nag-alalang pahayag nito.
napayuko si carla, nahiya siya dito na natatakot na baka pagalitan siya.
"pasensya ka na, naka limutan ko naka silent iyong phone ko kanina sa klase namin"
hinging paumanhin niya dito na nakahawak pa rin sa kamay niya si kent.
"its ok, but please next time,dont forget to look your phone kaht naka silent ok,"
"sorry talaga kung ipinag-alala kita,pangako hindi na mauulit, at saka..."
Naputol ang sasabihin niya ng tumikhim si Juna na nkalimutan niyang nasa tabi niya pala.
"baka gusto mo akong ipakilala sa kanya sissy"
"siya nga pala Juna si kent my..."
pinutol ni kent ang sasabihin niya ito na mismo ang nagpakilala sa sarili nito.
"Hi Juna, im kent carla's husband."
nanlaki ang mga mata ni Juna ng makipag shakehands ang asawa nya dito.
"hi, I’m Juna carla's bestfriend, its nice to meet you po Mr.Ventura."
Napangiti si carla sa asal ni juna, akala mo si maria clara sa hinhin.
"its nice to meet you too, by the way hiramin ko muna bestfriend mo ha, may date kasi kami."
paalam ni kent sa kaibigan niya bago igiya papunta sa sasakyan.
"ipapaliwanag ko sayo bukas, ok mauna na kami, kita na lang tayo bukas."
napatungo lang ang ang naguguluhan at shock niyang kaibigan.
Pagkapasok ni kent sa loob ng sasakyan at nang makita nito na naka setbelt na siya ay pinaharorot na nito ang sasakyan at hindi sa direksyon na papunta sa bahay nila, kya nilingon niya ito.
"we’re celebrating our 1st monthsary as husband and wife"
sabi nito sa kanya sabay wink ng mata.
Napangiti siya ito iyong unang beses na sinundo siya nito, at first time din nila para mag date, na eexite at kinakabahan siya.
godbless you all:
yajnna20
@ur service
PS
thankful sa location kaya nkapag UD ako kc napaka peaceful sa lugar nato.
Brgy.Pandanon, Cabadbaran City
thank you to all my relatives here for the warm accomadation
just sharing.
imagine guyz 20yrs na hindi nakauwi ang mother ko dito sa lugar nila, kaya vacation mode muna ang maganda nyong author.
Happy New year ?